14
Malalim na ang gabi at si Juniel ay nakatanaw sa isang malaking bintana.
Nasaan ba siya?
Bakit ang kanyang natatanaw sa labas ng bintana ay ang mararahang pagbagsak ng niyebe sa lupang kay puti?
Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang mga pangyayari.
Sa kanyang isip ay nabuo ang katakot-takot na pangyayari, iyong muntikan na niyang pagkahulog sa bangin, ang pagkamatay ni Helios, at ang lalaking naglayo sa kanya sa digmaan sa pagitan ng mga malalakas na immortal at sakim na mga mortal.
"They are true." Bigkas niya pagkamulat ng kanyang mga mata. "Vampires and werewolves, they are all true." Dagdag niya pa.
Pinagmasdan niya ang paligid. Kay ganda ng kanyang mga nakikita, pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang palasyo na pinananahanan ng mga mayayamang hari at reyna.
Everything has a touch of gold. Everything has European accent of designs.
Niyakap niya ang sarili at lumapit sa isang couch na nakatapat sa isang fireplace. Tatlong araw na niyang paulit-ulit na nasusuot ang medyo may kanipisan at kinulang sa manggas na kamison.
Gayunpaman ay nakakaligo siya ngunit kulang sa kadamitan. Wala siyang anumang panloob kaya doble ang lamig na nararamdaman.
"Nasaan ako?" Bulong niya habang pinapanood ang apoy.
'May mga tao ba rito? Mababait ba ang nagligtas sakin?'
Narinig niya ang pagpihit ng seradura ng pintuan. Kaya naman dali-dali niyang ipinikit ang mga mata. Malalakas ang kabog ng kanyang puso habang nararamdaman ang presenya ng bagong dating.
Bahagya niyang binuksan ang kaliwang mata.
Isang malapad na likuran ay kanyang nasilip nakatingin siya sa kama. Sa akmang paglingon sa kinalulugaran niya, ay mabilis na pinikit ni Juniel ang kaliwang mata.
Naririnig na niya ang papalapit na yapak sa kanyang kinalulugaran.
'Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin.' Dasal niya sa kanyang isipan.
Mabangong amoy ay nanuot sa kanyang ilong.
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sapagkat naramdaman niya na tila kay lapit ng taong yun sa kanyang mukha dahil sa maiinit na hanging dumadampi sa kanyang mukha.
"Why are you here?" Narinig niya ang isang baritonong boses. Naamoy niya ang mabangong hininga ng lalaki. "I know you are not sleeping."
Napamura siya sa kanyang isipan.
Natatakot man ay dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata.
Imbes na matakot, buong tapang niyang hinarap ang kay kisig na nilalang na nasa kanyang harapan.
Matamang nakatingin ang lalaki sa kanya. Dumoble ang kabog ng kanyang puso nang ngumiti ang lalaki sa kanya."Damn, you look more beautiful with this close." He uttered while still smiling.
Hindi naman siya makapagsalita.
Napapalunok na lamang si Juniel dahil sa angking kaguwapuhan ng kaharap. Kung pagmamasdan ang lalaki ay lumelebel ang kanyang tikas sa kanyang Kuya Galen.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Beauty
WerewolfWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. "I've been wanting this for so long. Touch every inch of you. Taste the sweetness of your body. Feel the softness of your skin against me. Dr...