Chapter6: Whatever

38 4 0
                                    

Via's POV

Nagising ako dahil ingay sa kabilang kwarto. Ang aga-aga ang ingay ni kuya, fvck! Ang lakas ng music niya. Kinuha ko yung unan ko para takpan ang mukha ko pero hindi ko makapa.

"Hindi ka pa babangon dyan? Or gusto mong maligo habang natutulog"

Padabog kong tinanggal yung kumot ko at tinignan siya ng masama.

"kuya pwede ba mamaya, give me 10 minutes, please?” inis kong sabi.

Nag kumot ulit ako pero hinila niya kaya mas lalo akong na inis. Umupo ako at tinitignan lang siya. At bigla niyang pinakita yung orasan ko.

"What the fvck! I’m late” pasigaw kong sabi at nag madali akong pumasok sa CR ko. “bakit hindi mo sinabi na 7:30 na” reklamo ko sakanya.

“tsk! Ako pa ang may kasalanan? Ikaw tung ayaw bumangon” sarkastiko niyang sabi.

“whatever. Lumabas ka na. maliligo na ako”

Hindi na niya ako sinagot, narinig kong bumukas at sumarado yung pinto.

Binilisan ko na lang maligo at nagpalit agad. Bumaba na ako para mag paalam kay mommy. Hindi na rin ako nag breakfast.

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ulit kay mommy.

“mommy si kuya pala pumasok na?”

“yes baby. May dadaanan daw siya kaya nauna na”

Dadaanan? Sino naman? Or ano naman kaya yun?

“okay mommy. Bye po” nginitian ko siya at nagmadaling pumasok sa kotse ko.

Binilisian ko na lang ang pagdridrive hanggang sa marating ko ang parking lot namin. Pagbaba ko tinignan ko if meron yung kotse ni kuya pero wala yung kotse niya.

Saan naman yung pumunta. Tsk! Pustahan hindi na naman siya papasok.

Nagulat ako ng makita ko si Krysler na kabababa lang sa kotse niya. Akala ko papansinin niya ako pero hindi pala.

Nagderetso lang siya ng lakad at linagpasan niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Amp, wag niyang sabihin tinutoo niya yung ka gabi.

Tinignan ko yung relo ko at nagulat ako dahil malapit ng mag bell. Binilisan ko na lang maglakad, at hingal na hingal akong nakarating dito sa room namin.

“Hi guys” hinihingial kong sabi.

“oh? What happened? Bakit ka hinihingal?” sunod-sunid na tanong ni Star.

“hindi ka naman hinabol ng aso nuh?” sarkatikong tanong naman ni Audrei.

Huminga muna ako ng malalim, magsasalita sana ako ng bigla akong mapatingin kay Krysler. Nakita kong nakatingin siya sakin pero nag iwas lang siya.

Wala akong nakikitang kahit anong emotion sa kanyang mata. Tinutoo niya yung sinabi ko kagabi.

May humawak sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaliwa ko. Nginitian ko na lang sila at umupo. Buti na lang at dumating na si sir.

“Good morning Grade 10 Jade” masayang bati ni sir samin.

“Good morning sir” bati din nang mga classmates ko.

“Bring out your books and go to page 52. Do the activity”

Napabuntong hininga ako. Kingina aga-aga activity.

Nagreklamo ang mga ka-klase ko dahil sa pinapagawa ni sir. Hindi na lang ako nagsalita, linabas ko na lang yung mga gamit ko at sinimulan na yung activity namin.

Be with YOU (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon