Chapter2: Painful

74 6 2
                                    

Via's POV

Nag lakad kami ni Shine dito sa may corridor dahil hinahabol namin si Star. Natigilan kami ni Shine ng biglang may sumigaw at alam na namin kong sino yung sumigaw.

"AUDREI VALDEZZZZZZZ" sigaw ni Star kumaway-kaway pa siya.

Nakita namin na natigilan si Audrei at napatingin sa banda ni Star. Natatawa na lang ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Star sa pangalan niya. Kumaway na lang din si Audrei at naglakad papunta kay Star.

Naglakad na din kami palapit sa kanilang dalawa.

"hi girls" masayang bati ko sakanila.

"hayop ka Star ang lakas ng sigaw  mo. Gaga ka" natatawang sabi ni Shine. "Nakakahiya ka talaga kahit kailan" tinapiktapik pa niya ang balikat ni Star.

"Ang aga aga, nakalunok ka ba ng micro phone?" si Audrei.

"tang*na niyo. Sige pagtulongan niyo ako. Magpasalamat na lang kayo at nagkaroon kayo ng magandang kaibigan" taas noo niyang sabi.

Nag kunwari kami na nasusuka sa sinabi niya. Kaya nagmaktol siyang naglakad.

" I hate you guys" nagmamaktol niyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo" sigaw ko.

Masaya kaming naglaka papunta sa classroom namin. Late na kami pero may lakas ng loob pa kami mag asaran kanina.

"Good morning ma'am" sabay naming bati sa lecturer namin.

"Good morning din girls. take your sit" nginitian niya kami kaya nginitian di namin siya.

Sa likod kami  umupo nagulat ako ng makita ko sila Miggy na naka upo rin dito sa likod. Nahh! nagkatotoo ang sinabi ko na same section kami.

Nakita ko si Kuya na nakangisi samin. Akala ko ba hind papasok ito eh mas nauna pa yata siya kaysa sakin. Inarapan ko lang sila.

Umupo ako sa tabi ni Miggy. Si Star naman sa tabi ko, sa tabi ni Star si Audrei at sa dulo si Shine.

Kinukulit ako ni Miggy kaya panay siko ko sakanya pero makulit talaga eh. Minsan sinasamahan ko siya ng tingin para tumigil pero lagi akong bigo kinginang buhay 'to. Bakit siya kase katabi ko? Tsk!.

"Via si Krysler oh nakatingin sayo" panunukso niya sakin, wala naman akong pake.

"what the hell Miggy. Pwede tumahimik ka na ang ingay mo" inis na bulong ko.

"okay lang yan gwapo naman ako eh"

"pakshet! gwapo? saan banda Miggy?" umakting pa ako na maiiyak dahil sa sinabi niya.

"grabe ka naman sakin Via. Diba best friend tayo? dapat i suppport mo ako" kunware nalulungkot siya.

"pakyo ka Miggy tumahimik ka na. letse ka"

"hey kayong dalawa diya kanina pa kayo. Pwede na kayong lumabas kung hindi pa kayo titigil" sambit ng lecturer namin.

"Ikaw kase." bulong ko. "nasan yung gwapo mong mukha na sinasabi mo. gago"

Hindi naman nagtagal yung lecturer namin nagpakilala lang siya at sinabi niya lang yung mga module namin. Hinihintay namin yung next lecturer namin. Sabi ng mga ibang students terror daw yung next lecturer namin.

Linapag niya yung mga gamit niya kaya nagulat kaming lahat sakanya. Napamura si Miggy dahil sa gulat. Buti na lang at ako lang ang nakarinig sa sinabi niya.

"Yan yung terror na lecturer natin. Ayaw daw niya sa mga gwapong katulad ko. bitter lang eh" bulong ni Miggy kaya natawa ako sa sinabi niya.

"Gago ayaw niya sa mga walang utak, TULAD MO" diin kong sabi kaya napamura siya
"What? Ako walang utak? Come on Via. Hinahabol pa nga ng mga babae dahil sa gwapo at talino ko" pagmamauabang niya.

Be with YOU (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon