Audrei POV
Halos kapusin kami ng hininga dahil sa kaba na nararamdaman namin, ang bilis magmaneho si Star akala mo lang kung may hinahabol eh, may hinahabol nga kami yung class namin. Kung hindi lang kami late hindi ako sasakay sa kotse ni Via. Dahil late kaming apat no choice kami kaya sumakay na lang.
May 5 minutes pang natitira kaya halos mag sipagtakbuhan kami papasok sa campus namin. huta! Buti na lang hindi masyadong malayo ang classroom namin.
Pinagtitinginan kami ng mga students na nandito sa labas. Tinignan ko ang relo ko if anong oras na. shit! Late na kami ng 2 minutes. Pero bakit nasa labas pa sila? Anong meron?
Napahinto kami sa pagtakbo dahil pinagtitinginan na kami. Napa hawak ako sa pader dahil sa subrang pagod. Ang sakit nan g paa ko dahil sa pagtakbo namin.
"bakit tayo pinagtitinginan?" habol-habol hininga kong tanong.
"Aba malay ko ba. Kakarating lang natin diba?" nakataas kilay na sabi ni Shine.
Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Napatayo kami ng wala sa oras ng biglang sumulpot si miss Castro. Nginitian niya kami kaya nginitian din namin siya kahit pilit lang.
"Saan kayo galing?" nakangiting tanong niya.
"a-ah s-sa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Via.
"diyan lang po miss. Sa court" pagsisinungaling niya at natawa naman ako.
Hindi talaga siya marunong magsinungaling. Bwahahaha. Sa court daw kami galing.
"eh bat mukhang pagod na pagod kayo?"
"ah miss kase nagtakbuhan kami" sabat ko naman.
"ah ganun ba. Okay. Umuwi na kayo para makapagpahinga na kayo" nakangising sabi niya.
"miss? Umuwi? May klase pa tayo ah" si Shine.
"akala ko ba sa court kayo galing. Bakit hindi niyo alam?" nagtatakang tanong niya.
"ano ang hindi namin alam miss?" kinakabahang tanong ni Star.
"yung announcement kanina ni dean" naka pamewang na sabi ni miss Castro.
"ah oo nga pala. Narinig namin miss. Thank you miss" pilit ngiting sabi ni Via. "Una nap o kami miss. Bye" agad siyang tumalikod. Narinig pa namin na tumawa si Miss Castro.
Tsk! Nagsitakbuhan pa kaming pumasok, halos mamatay kami sa bilis nagmaneho ni Star tapos sasabihan kaming umuwi na. letse! Pero ang saya walang pasok.
Tinignan ko si Via at tinignan niya rin si Shine at tinignan ako ni Shine at tinignan namin si Star. Alam niyo na kung bakit.

BINABASA MO ANG
Be with YOU (Editing)
Ficção AdolescenteThis story is about falling in love with your best friend. The girl was in love to her best friend but they separated a years ago. One day the girl and the boy meet again but they didn't know each other or should I say only the girl didn't remember...