Chapter3: Saving me again

49 5 0
                                    

Audrei's POV

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Via. Pinahid ko ang mga luha ko at nagpakawala ng hininga. Ngumiti ako sakanila.

Napatingin ako kay Ivan na nakatingin din sakin. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sakanya dahil hanggang ngayon gulat parin ako sa ginawa niya.

"thank you guys" pilit ngiti kong sabi sakanila. humarap ako kay Ivan at nginitian ito. "Thank you Ivan. I don't know what to say"

"shhh. don't worry I did that because you're a woman and your Via's friend" nakangiti niyang sabi at naglakad na siya palayo samin. Ganun din yung mga boys nag si alisan na sila.

Oo nga naman Audrei babae ka at ginawa niya iyon dahil kaibigan mo si Via na kaibigan niya din. Syempre ginawa niya iyon. Pero hindi matanggap ng isip ko ang sinabi niya dahil kakaiba siya kanina.

Galit siya talaga kanina dahil never ko pang nakita si Ivan na magalit dahil lang sa babae. oo nakiki pag-away sila pero dahil rin sa kanila pero kanina, duh! ginawa niya dahil lang sa kaibigan ako ni Via.

"bakit hindi mo na lang kase tanggapin yung sinabi niya. babae ka kaya linigtas ka niya" pagproprotesta ng utak ko.

"hindi ganun yun. alam kong may rason siya kong bakit niya ginawa iyo" pagproprotesta din ng puso ko.

"haynako Audrei ako ang paniwalaan mo. wag kang umasa baka masaktan ka lang"

niyaya ko na lang sila na pumasok na sa next class namin. Pumayag naman sila. Inakbayan ako ni Via kaya nginitian ko siya.

"stop thinking about him bhe" sambit ni Via. tumango lang ako.

Kung alam mo lang Via hindi si Kyle ang iniisip ko ngayon kundi si Ivan. Hindi naman kase kapani-paniwala yung rason niya kanina eh.

"shhh. don't worry I did that because you're a woman and your Via's friend" nag paulit ulit ang sinabi niya kanina kaya napailing ako.

"wait guys. do you not wondering kung bakit ganun na lang ang inasta ni Ivan kanina" muntik na akong maubo sa sinabi ni Star.

tsk! Kung alam niya lang. Pati ako nag tataka ako sa mga ginawa niya kanina. Naalala ko na naman yung mga sinabi niya bago siya umalis.

"Actually na surprised ako because of his action earlier." nakangiwing sabi din ni Via.

"I agree. first time in history that I saw Ivan got angry"

"hindi ka ba nagtataka bhe?" biglang tanong ni Shine sakin.

"ako? ah syempre nagulat ako" kinakabahan kong sabi. bakit ako kinakabahan sa tanong niya?

Nakarating agad kami dito sa classroom hindi na kami nag-usap-usap. Umupo na ako sa upuan ko at ganun din sila. hinintay lang namin yung lecturer namin.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa banda ni Ivan. Nahuli pa niya akong nakatingin sakanya buti na lang agad akong nakaiwas.

shet! nakakahiya ka Audrei. Dumating na yung lecturer namin kaya umayos na ako.

Be with YOU (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon