Chapter 26

11 0 0
                                    

STAR POV

Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ko. Tinignan ko muna yung cellphone ko pero nabigo lang ako dahil wala siyang text. Tumayo na ako para maligo. Nakakatamad naman pumasok.

Wala akong mood na naglakad papasok sa banyo. Nagmukha tuloy akong zombie. Nakakainis talaga si Miggy ni isa walang text. Tsk! Bahala siya sa buhay niya. Tignan ko lang kung matagalan niyang magtampo.

Hindi naman ako nagtagal sa pagligo at pagaayos, kinuha ko lang yung mga gamit ko bago bumaba. Dumeretso ako sa kitchen at bumungad naman agad si mama. Nginitian ko siya at naupo.

“Good morning my baby girl” nakangiting bati niya.

“Good morning too ma” ginantihan ko din siya ng ngiti.

“Kain ka na dyan. Baka mamaya biglang dumating yung boyfriend mo”

“Tsk! Manigas siya sa paghihintay sa labas kung ganun ma” nakangisi kong sabi sabay kagat nung kinakain ko.

“LQ nanaman kayo nuh?”

“Kailan pa kami hindi nag-away ma. Walang araw na hindi kami nag-aaway nun nuh”

“Halata nga dahil lagi kang nakabusangot pag-uwi mo ng bahay”

“Ma talaga. Sige po pasok na ako. Bye ma” hinalikan ko muna siya bago kinuha yung mga gamit ko.

Pinagbukasan pa niya ako ng gate dahil gagamitin ko ulit yung kotse ko. Kase nga nag-away nanaman kami. Lagi naman eh.

Napahinto ako dahil nag stop yung traffic light. Binaba ko yung bintana ng kotse ko para makalanghap ng hangin. Nahagip ng aking paningin sa blue na kotse. Sa kamalas-malasan siya pa talaga ang makakasabay ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ganyan na ganyan yung kotse niya.

Hindi naman ako nagkamali dahil bumusina pa siya sabay baba ng bintana sa right side niya. Tsk! Nakuha pang ngumiti ng gago. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inis. Bwisit!

“Handa ka na ba?” sigaw niya. Nagets ko na kung ano ang sinasabi niya. “karera tayo” sigaw niya ulit.

Nginisian ko lang siya. “Tsk! ‘wag mo akong hamunin dahil baka magsisi ka ng hinahamon. Bwisit ka Miggy kahit kalian. Tsk!” bulong ko sa sarili ko.

Sabay kaming napatingin sa taas at nag abang ng signal kung go na. Hindi naman nagtagal at parehas naming pinaharurot ang kotse namin. Mas pinaharurot ko pa ang kotse ko hanggang sa ako na ang nangunguna sa aming “so called karera”.

Tinignan ko siya sa side mirror. Nakita ko kung paano niya pabilisin ang pagda-drive. Tsk! Hindi mo ako kaya. Kahit boyfriend kita hindi kita pagbibigyan lalo na at naiinis ako sayo. Bwisit ka!

Nung malapit na niya akong maabutan mas binilisan ko pa ng konti ang pagmamaneho. Hanggang sa marating ko ang school namin. Pinarking ko ang kotse ng may swabe. Hahaha. Grabe ngayon ko lang inulit ang makipagkarera. Saklap nga lang dahil sa boyfriend ko pa.

Bumaba agad ako at hindi ko na siya hinintay pa. Bahala siya sa buhay niya. Makahamon lang akala mo kaya niya akong talunin. Letse! Masaya akong naglakad  dahil hanggang ngayon alam ko pa ang mangarera. Nawala ang ngiti ko dahil may biglang bumisina sa likuran ko na dahilan para mapatalon ako sa gulat.

Aish! Lumingon ako sa bumusina sinamaan ko siya agad ng masamang tingin. Letse! nananadya ba siya. Porket natalo ang mokong. Naglakad na ulit ako hindi ko siya pinansin.

“Star naman. Bakit kaba ganyan?” sigaw niya. Pero hindi ko pinansin. “Star naman. Hintayin mo naman ako please baby”

Baby mo mukha mo letse ka. Ikaw kaya ang paghintayin ko sa wala. Bwisit. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang corridor namin.

Be with YOU (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon