Chapter7

29 5 0
                                    

SHINE'S POV7

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ring ng bwisit na cellphone na iyan. Huta! Naka shabu ba yan. Gabing-gabi na.

Nagring ulit kaya inis akong bumangon para tignan kung sino yang bwisit na yan. Pagtingin ko hindi naka save ang number.

Jusko! Ang dami na talagang tripper ngayon. Naka shabu yata ito eh. Na end call kaya linapag ko pero wala pang isang minute nag ring ulit.

Padabog kong sinagot yung tawag.

"Hello! Sino ba 'to?" inis kong tanong "huta! Gabing-gabi na nagingisturbo ka"

Hindi siya nag sasalita kaya tinignan ko ang screen if end call na pero hindi. Kingina anong trip niya?

"hello. If trip mo ako. tang*na magbigti ka na lang kung wala kang magawa. Letse. Nangingisturbo ka ng tulog" pagmumura ko sakanya at in end call ko.

Huminga ako ng malalim at linapag yung cellphone ko. Humiga ako para ipagpatuloy ang tulog ko pero huta hindi na ako makatulog dahil sa bwisit na iyon.

Nag vibrate ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko para basahin yung number.

"Ang sungit mo talaga kahit kalian. Hindi lang pala sa personal pati sa tawag" text niya with smiling emoticon pa.

"Sino ka ba hah? At ano yang piangsasabi ng butsi mo?"

"tsk! Si Speed 'to. Sorry if na isturbo ko tulog mo"

Natigilan ako dahil sa nabasa ko. Speed? Ano naman trip niya at dis oras ng gabi nangbwibwisit siya. And wait saan niya nakuha ang number ko.

"where did you get my number?"

"kay Via ko kinuha. I mean kinuha ko sa cellphone niya kanina"

"wow! Anong trip mo at nangbwibwisit ka?"

"wala. Gusto lang marinig boses mo. Sorry na istorbo kita."

Tsk! Hindi ko na siya rineplayan. Humiga na ulit ako at huminga ng malalim bago pumikit. Kingina hindi na ako maka tulog dahil sa bwisit nay un.

Ang dami niyang babae na pwedeng tawagan ako pa ang napili niyang bwisitin. 3 am pa lang, wala na yung maganda kong tulog.

Nag vibrate ulit ang cellphone ko at tamad kong kinuha.

"good night ms. Sungit. See you tomorrow. Sleep well"

Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa ko. what the hell is happening in this world?

STAR'S POV

Maaga akong pumasok dahil wala lang. Sabagay lagi naman akong pumapasok ng maaga.

Pinark ko na ang kotse ko at bumaba na agad. Linabas ko yung cellphone ko para I check yung social media ko.

Hirap talaga ang maganda ang daming nag fre-friend request na mga lalaki. Tsk! Sorry na lang sakanila at hindi ako interesado.

Muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko dahil sa bwisit na biglang bumisina dyan sa likuran ko. Inis akong tumingin at kumulo agad ang dugo ko.

Mas lalo akong nainis dahil tumawa siya. Exhale, inhale. Hindi ko na lang siya pinansin, naglakad ulit ako dahil ayaw kong magsungit masyadong maaga pa para sirain ko ang beauty ko.

"huy bituin hintayin mo ako" sigaw niya. Kaya binilisan kong maglakad. "huy! Ano ba bituin ang bilis mo naman maglakad"

"wala kang pakealam. Buhay ko 'to" inis kong sigaw sakanya pero tumawa lang siya.

Tumakbo ako hanggang sa marating ko ang field. Pagtingin ko sa kanan ko may napansin ako, hindi ko siya masyadong mamukhaan pero alam kong si Speed iyon.

Be with YOU (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon