Krysler POV
Andito kami sa bahay nila Miggy ngayon kasama ko yung dalawa. Naalala ko nanaman kanina bigla na lang siyang di nagsalita.
Tinapik ako ni Speed kaya natauhan ako. “bro bakit ganun bigla na siyang hindi namansin?” tanong ko kay Speed
Alam ni Speed na gusto ko si Via dahil sa una palang sinabi ko na dahil ayaw kong magsinungaling sa barkada.
“bayahan mo lang siya bro kase may tupak yun alam mo na man yang best friend mo”
“baka naman nagselos yun” sulpot ni Miggy
Binatukan siya ni Speed kaya yun nagbatukan silang dalawa. Sabagay may tama si Miggy baka nagselos kaninang sinabi ko na may gusto ako. Pero siya naman yun eh.
“hui tama na yan, ang gulo niyong dalawa” pagpapatigil ni Ivan
Nanahimik naman yung dalawa at nagumpisa na kaming uminom at nag kwentuhan.
“bro what if liligawan ko si Via. Papayagan mo ba ako?” tanong ko kay Speed.
Hindi siya nagsalita sumandal siya sa upuan niya at uminum ulit ng alak.
“alam bro kung mahal mo talaga ang kapatid ko hindi mo na yan kailangan ipagpaalam sakin” sambit niya sabay tapik sa balikat ko.
“oo nga bro kung talagang mahal mo siya wag ka ng matumpik-tumpik pa” sambit din ni Miggy.
“kaya kung ako sayo liligawan ko na siya bago may maunang iba” dagdag pa ni Ivan
Tama silang tatlo kailangan ko ng sabihin yung totoo kay Via baka may makauna sakin dyan mahirap na.Pero hindi pa ako handa sa mangyari pag nagtapat ako.
“but” pagpuputol ni Speed.
Kinabahan ako sa sinabi niya dahil bigla siyang naging seryoso na nakatingin sakin.
“a-ano yun bro?” nauutal kung tanong.
“don’t you dare to hurt my sister kase pag pinaiyak mo yun patay ka sakin. Mahalin mo siya ng subra bro ayaw kong nasasaktan yun mukong na yun. Kaya humihingi ako ng favor na sana mahalin mo siya at wag iiwan” seryoso niyang sabi.
“wow bro drama mo”-Miggy
“gago ka talaga Miggy” pagmumura ni Speed.
“hahaha pikon ang gago” sambit din ni Miggy.
“ikaw Speed wala ka bang nararamdaman kay Shine” biglang tanong ni Ivan
Natahimik naman siya at umiwas ng tingin.
“bro sumagot ka naman. Wag kang mag alala tayo lang ang nakakaalam” seryoso kung sabi.
Nagpakawala siya ng hininga sabay tingin samin.
“ang totoo si Shine hindi mahirap mahalin dahil sweet siya, maganda, sexy at higit sa lahat maalalahanin” paliwanag niya.
“oh tapos ano?”-Miggy
“ang totoo pag linalapit ko siya may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun” dagdag pa niya.
“bro parehas tayo nun pag lumalapit ako kay Audrei bumibilis ang tibok ng puso ko hanggang sa na realize ko na mahal ko na pala siya” paliwanag din ni Ivan
“so mean bro nagugustuhan mo na si Shine” dagdag ni Miggy
“ewan ko bro. hindi pa ako sure sa feelings ko”-Speed
“try mo munang alamin yang feelings mo bago ka padalusdalus bro baka masaktan lang kayo pag sinabi mo agad”-ako
Napatingi naman sila sakin, naging seryoso ang mga mukha nila at ang sumunod ay tag iisang batuk ang naabutan ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Be with YOU (Editing)
JugendliteraturThis story is about falling in love with your best friend. The girl was in love to her best friend but they separated a years ago. One day the girl and the boy meet again but they didn't know each other or should I say only the girl didn't remember...