Chapter 14NAPUGTO ANG hininga niya nang makita ang toro na palapit sa binata. Mahigpit siyang napahawak sa railing habang pinapanood ang toro na umatake sa binata.
Ayaw niya itong panuorin kaya naman tumalikod siya at naglakad paalis sa stage. Dinig niya ang hiyawan ng mga taong naroon at hindi niya alam kung dahil katulad ng iba ay tumilapon narin ang binata o dahil nagawa nitong mapataob ang toro.
Either way, ayaw niya itong makita. Natatakot siya na makitang masaktan ang binata. Kaya mas mabuti nang umalis siya para hindi niya ito makita.
Lumayo siya at nagtungo sa lugar kung saan hindi niya maririnig ang mga hiyawan. Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang mas malawak na stable. Namangha siya nang makita niya ang isang puting kabayo na malayang tumatakbo do'n.
Dahil may bakod, hindi niya magawang malapitan ito. Pero may sarili atang isip ang mga paa niya na inakyat ang bakod para lapitan ang kabayo.
And that is the stupidest idea she'd ever think in her entire life. Naaliw lang siya sa kabayo dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya ng kabayo.Hindi manlang niya inisip kung maamo ito o hindi.
Kaya naman nang tuluyan na siyang makalapit rito ay bigla nalang itong gumalaw at dahil doon ay napaatras siya at matutumba na sana nang may bisig na sumalo sa kanya. Matipunong bisig, pero hindi siya nakaramdam ng kahit na ano, iyong naramdaman niya kay Eros sa tuwing magkalapat ang kanilang mga katawan. Kaya alam niyang hindi ito si Eros.
Mabilis siyang humiwalay rito saka humarap. Hindi niya alam kung anong meron sa lugar na ito at bakit halos lahat ng nakatira ay gwapo at magaganda.
And the man infront of her is handsome, just handsome. Wala paring tatalo sa kagwapuhan ni Eros. Kahit sinong lalaki ang iharap sa kanya ay si Eros parin ang pipiliin niya.
"Are you alright?," he asked in a spanish accent.
Tumango siya. "Yes, thank you by the way."
He smiled and nod. "You're most welcome. It's not like everyday I got to see a most beautiful girl in town."
She chuckled sarcastically. "Are you kidding me?. Ang dami kayang babae rito. Mas magaganda at mas mayaman kaysa sa akin."
Ngumiti lang ito sa kanya saka naglahad ng kamay. "I am Wilson." Pagpapakilala nito. "And who are--"
Napasinghap siya sa gulat nang bigla ay natumba ito dahil sa malakas na pagsuntok ni Eros na bigla nalang sumulpot sa kung saan.
Bumaling siya rito at nakita niya ang madilim nitong tingin sa nakahigang si Wilson. Nakakuyom ang kamao at nagtatagis ang bagang nito nang bumaling sa kanya. Nag-alala siya nang makitang may sugat sa pisngi nito at dumudugo na rin.
"Eros, may sugat--" hahakawan sana niya ang mukha nito pero lumayo ito.
"What did I told you?!."
Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong sigawan. Mababaw lang naman ang luha niya kaya hindi na nakapagtataka na kumawala sa mga mata niya ang luha niya. Hindi lang kasi niya inaasahan na sisigawan siya nito.
"Ang sabi ko doon kalang, panoorin mo lang ako!. Pero anong ginawa mo?!. Umalis ka at nagpunta rito para lang makipag-usap sa lalaking iyan?!." Duro nito sa lalaking nakahandusay. "Didn't I tell you to stay away from a men?!. Didn't I instruct you to stay close with Celeste?!. Fuck, Rhiane!. Simple lang naman ang pinapagawa ko, simple lang pero hindi mo pa ginawa!. Nanalo na ako at gusto ko sana na ikaw ang una kong makita. Gusto kong makita kung matutuwa ka ba na nanalo ako!. But no!. You are nowhere to be found!. Nilibot ko na ang stage hindi parin kita makita nandito ka lang pala, kasama niya!."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 3: Stalking the Mysterious Doctor
General FictionEros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, specially love. He hates the idea of falling inlove that is why always distract himself with books and k...