4

66.5K 1.6K 27
                                    


CHAPTER 4

HINDI MAWALA ang ngiti sa labi ni Rhiane habang naglalakad papasok sa building kung saan siya nagtatrabaho. Parang nakalutang ang puso niya at ayaw niyang mawala sa pandinig niya ang sinabi ni ng binata.

It just simple yes, yet her heart won't stop beating so darn fast. Simple lang pero ang lakas ng epekto sa kanya. Alam niyang sinabi lang nito iyon para layuan ito ng mga iyon, pero wala siyang pakialam. The fact na sinabi nito sa iba na siya ang girlfriend ang mahalaga sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin rin siya nito. And she is happy, that he recognized her as a girlfriend. Kahit na joke lang iyon.

"Rhiane.."

Ang ngiti ay nawala sa kanyang mga labi at nang marinig ang boses ni Alfred. Ang ex-boyfriend niya na matagal na niyang nakalimutan. All thanks to Eros.

Kung hindi dahil sa binata ay hindi siya makaka-move on nang mabilis. Wala naman na siyang galit kay Alfred, ayaw lang niya talagang mag-krus ang landas nilang dalawa, kung maaari.

Bumuntong-hininga muna siya bago humarap rito at tipid na ngumiti. "May kailangan ka?."

Mataman itong nakatingin sa kanya habang dahan-dahang lumapit. "Gusto sana kitang makausap. Pwede ba?."

"Busy pa kasi ako e." Pagdadahilan niya. Ayaw niya pa itong makausap. "Pwede bang sa ibang araw nalang?." Wika niya at akmang tatalikod na nang hawakan siya nito sa braso na kaagad naman niyang inalis rito. "Don't touch me!."

"Saglit lang, gusto lang kitang makausap."

"Ok." Sambit niya. "Magsalita kana, dalian mo lang at kailangan ko nang umakyat, baka magalit ang boss natin sa akin."

"I'm sorry."

"Okay." Tipid niyang tugon rito. "Iyon lang ba?."

Umaliwalas ang mukha nito saka ngumiti."Talaga?. Pinapatawad mo na ako?."

"Oo."

"So, can you give me another chance?."

Mapakla siyang natawa. "Ano ka, sinu-swerte?. I just forgive you, but that doesn't mean I will give you another chance again. I've been faithfull to you for five years, wala kang narinig sa akin na reklamo sa loob ng mga taong naging magkarelasyon tayo. I never demand nor complain. I gave you everything except myself na nahanap mo naman sa iba. But nevertheless, who am I not to forgive you. I understand, lalaki ka at may pangangailangan ka. At hindi ko iyon maibibigay sa'yo. Kaya pinapatawad na kita, pero wala na akong balak na balikan ka." Aniya saka ito tinalikuran.

Ano siya, tanga?. Hindi na siya magpapaloko pa rito. Isa pa, meron naman si Eros.

Inis niyang pinindot ang up button ng elevator at halos mag-ingay pa ang suot niyang sandals sa loob ng elevator dahil sa pagmartsa niya.

Gano'n din nang makapasok siya sa department. Kunot ang noo niya.

"Bakit ka nakasimangot?." Tanong sa kanya ni Gel nang makapasok siya sa department nila. "Dapat maganda ang araw mo, dahil nakita mo ang doktor na iyon."

"Ikaw." Turo niya rito, imbes na sagutin."Bakit mo ako iniwan doon?."

"Iyang prince charming mo a. Porket gwapo, grabe na manglait ng mukha. Ni-recommend ba naman ako sa dermatologist, mukha bang paa ang mukha ko?."

Dinig niya ang pagtawa ng ibang mga kasamahan nila sa department, kabilang na si Tim.

"Oo nga naman, sa derma ka pumunta."sabi pa ng isa sa mga kasamahan nila. "Baka sakaling maayos nila iyang mukha mo na tinubuan ng talangka." Anito sabay tawa ng lahat.

Herrera Series 3: Stalking the Mysterious DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon