1

104K 1.9K 47
                                    


CHAPTER 1

NAKANGITI SI EROS habang matamang pinagmamasdan ang kakambal na si Sera habang inaayusan ng isang kilalang make up artist. It's her wedding day. Hindi niya lubos na maisip na sa kanilang apat na magkakapatid, ito ang unang mag-aasawa. Mas matatanggap pa niya kung nauna si Celeste, pero si Sera?, hindi sumagi sa isip niya. Akala niya ay tatanda itong dalaga dahil sa ugali nito. 

He is happy and somewhat, sad. Malungkot siya na maghihiwalay na sila ng kapatid niya, ng kakambal niya. At masaya na sa wakas ay nahanap na nito ang tunay na kaligayahan.

Habang pinag-mamasdan ang kapatid ay  parang  may bumabara sa lalamunan niya at pumisil sa puso niya.

Hindi niya akalain na ganito pala kahirap na pakawalan ang kapatid niya na dalawangput limang taon niyang nakasama. Ang isa sa prinsesa sa buhay niya, his partner in crime, and his bestfriend. Kahit na madalas ay lagi silang nagtatalo, mas nanaig parin ang pagmamahal niya para rito.

And for his twin sister, handa siyang ipagkatiwala ito kay Lucas. He loves her so much and he wants her to be happy. At kung anuman ang makakapagpasaya sa kapatid niya ay susuportahan niya ito. He wouldn't think twice.

At alam niyang hindi nito sasaktan ang kapatid. Magkakamatayan sila ni Lucas kapag sinaktan nito ang kapatid niya. He can kill people for his sisters. Handa siyang pumatay huwag lang makitang umiiyak ang kapatid.

"Not too heavy, please." Aniya sa make up artist nang makita na kakapalan nito ang makeup ng kapatid. "Hindi halloween ang pupuntahan niyan, kasal niya." Wika niya saka lumapit pa sa kapatid. "And the hairstyle, can you make it more simple?. Huwag niyo ng lagyan ng madaming jewelry, she is not going endorse, and the heels please pwede bang huwag ganyan kataas she is pregnant--"

"Eros."pigil ni Celeste sa kanya. "They know what their doing. Please, mauna kana sa simbahan, hindi iyong nakikigulo kapa dito."

Ngumiti lang si Sera sa kanya. At hindi niya maiwasang manibago sa kapatid. It's a good change for his sister, and he likes it and he's happy for her. Mukhang kailangan na niyang sanayin ang sarili sa bagong Sera.

He sighed. Hindi naman niya gustong makialam pero sadyang importante lang kasi sa kanya si Sera. At kung kinakailangan na isa rin siya sa makialam sa kapatid ay gagawin niya.

"I'll stay." Sambit niya saka umupo pero ang mga mata ay nakatuon parin sa kakambal. "Don't mind me--that dress, nakakahinga ka pa ba diyan?." Muling pakikialam niya nang makita na sobrang sikip nito sa kapatid. Halos pumutok na ang tela, at sikip na sikip rin ito sa parteng tiyan ng kapatid dahil malaki narin ito. "It's too tight for you--"

"Eros." Ang ina na nito ang sumuway sa kanya. "Pwebe ba, huwag ka ng makialam, mas marunong kapa sa kanila a, bakla ka ba?."

Natigilan siya sa sinabi ng ina saka niya ito tiningnan ng masama. "I am not."

"Ayun naman pala e," sambit ng ina saka tumayo at itinulak siya palabas ng kwarto ni Sera. "Maniniwala lang ako na hindi ka bakla kung may ipapakilala ka na sa aming babae, okay?," anito saka isinara ang pinto.

Siya ay naiwang nakamaang.

He snorted. "Hindi ako bakla!. And I don't need a woman to proved that!." Asik niya sa nakasarang pinto saka nagmamartsang bumaba.

Hindi siya bakla. Hindi lang talaga kasali sa priority niya ang pakikipagrelasyon sa babae. At wala pa talaga ito sa isip niya.

Kunot na kunot ang noo niya habang tinatahak ang daan palabas ng malaking bahay ni Sera hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa gate at makasakay ng kanyang sasakyan.

Herrera Series 3: Stalking the Mysterious DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon