15

58.3K 1.3K 44
                                    


Happy birthday kay nornesakabonto. And this chapter is for you!. Happy beerday!!.

Chapter 15

"PASENSIYA NA TALAGA ate Rhiane."nanlulumong paumanhin ni Maddie sa kanya. "On leave pa si dr. Herrera e. Hindi pa siya pumasok. Nag-leave kasi siya ng dalawang linggo. Baka next week pa siya papasok." Balita nito sa kanya.

Dahil doon ay bumagsak ang balikat niya.

It's been five days since she last saw him. Miss na miss na niya ang binata, gusto na niya itong makita. Hindi siya makapag-focus dahil laging pumapasok sa isip niya ang mukha ng binata.

Lagi siyang nagpupunta sa ospital, nagbabakasakaling makita niya ang binata pero wala ito doon. Lagi siyang bigo at hindi niya alam kung saan hahanapin ang binata.

Ni hindi rin ito nagpakita sa kanya. Ni anino nito ay hindi niya nakita.

'Nasaan ka na ba?.'

Tipid siyang ngumiti kay Maddie at tumango. "Gano'n ba?. Sige mauna na ako. Balitaan mo nalang ako kapag pumasok na siya."

"Sige po, ate."

Bagsak balikat siyang lumabas ng office nito, sinalubong naman siya ng dalawang kaibigan.

"Ano?." Tanong ni Tim.

Umiling lang siya at hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha niya sa mga mata. Ganito pala kasakit na balewalain ng binata. Ni hindi manlang niya naramdaman ang ganoong pakiramdam kay Alfred, kay Eros lang. Marahil ay dahil umasa siya kaya tuloy ay parang nasampal siya ng katotohanan.

She shouldn't have hope for something more. Ayan tuloy, parang pinagpira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit.

Niyakap siya ng kaibigang si Gel. "Okay lang iyan, Rhiane. Makakahanap karin ng iba na makakapansin sa pagmamahal na ibinibigay mo. You deserve someone better. Ikaw naman kasi, you are giving to much, ayan tuloy, wala ng natira sa'yo."

Impit na hagulhol ang kumawala sa kanya saka niyakap ng mahigpit ang kaibigan. She doesn't want anyone but him. She doesn't want a better man, if it's not Eros.

She admit it to herself, she doesn't like him anymore, now she loves him. Hindi na pagkagusto kundi pagmamahal na ang nararamdaman niya para sa binata. At natatakot siya na baka totohanin nito ang sinabi. That they will live as stranger.

"Nga pala, nag chat sa akin si Claudette. 'Yong classmate natin noong highschool." Basag ni Tim sa katahimikang namutawi sa kanila. "Valentines na bukas. At gusto niyang magkita-kita tayo bukas ng gabi sa isang hotel. Sagot niya lahat, tutal mayaman naman ang lola niyo e pumayag na ako, libre e. At required na magsama ng kahit na sino, boyfriend or whatever." Imporma nito saka bumaling kay Gel. "Ikaw ba may boyfriend?."

"Ikaw talaga namumuro ka na sa akin. Lagi nalang ako ang nakikita mo. Bakit, si Rhiane wala namang boyfriend."

"E si Rhiane kahit na sino ang hatakin for sure papayag e ikaw, baka hindi ka pa nakakalapit e magtakbuhan na." Saad na naman ni Tim. "Kung bakit ba naman kasi no'ng nagsabog ang panginoon ng kagandan e chumuchupa ka."

"Che!." Angil ni Gel.

The doctor who passed hush them and glared at them.

Nag-peace sign lang ang dalawa sa doktor.

"Tara na nga. At baka sitahin na naman tayo sa kaingayan ng baklang 'to." Paninisi ni Tim kay Gel.

Nagpakawala siya nang marahas na hininga saka nagpaunang naglakad palabas ng ospital.

Herrera Series 3: Stalking the Mysterious DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon