25

51.1K 1.2K 93
                                    


Chapter 25

"MOMMY, I want chocolate." Nagmamakaawang saad ng anak ni Rhiane sa kanya nang makakita ito ng chocolate sa grocery.

"Okay." Sambit niya saka kumuha ng chocolate at ibinigay sa anak.

"Me too." Biglang singit naman ni Cyrus na anak ni Saiden. "I want chocolate too, tita."

Ngumiti siya saka kumuha ulit ng chocolate at ibinigay kay Cyrus. Kasama kasi niya sina Saiden at Sera na nagtungo sa grocery upang mamili ng mga kakailangan nilang gamit ng anak para sa isang buwang pananatili sa pilpinas.

"Thank you." Pasasalamat ng bata.

"You're welcome."

Ngumiti ang bata saka muling umupo sa loob ng cart kasama ang anak niya. Cyrus and her daughter get along really well. Una nitong nakilala si Duchess at Duke pero si Cyrus lang ang lagi nitong kinakausap. Madaldal kasi si Cyrus at gano'n din ang anak nito. Si Duchess at Duke naman ay hindi gaano.

"Rhiane?."

Nilingon niya ang pamilyar na boses sa kanyang pandinig. It was Keira, may kasama itong lalaki na siyang nagtutulak ng cart.

"Long time no see." Sambit nito sa kanya. "Kamusta na?."

Nag-iba na rin ang hitsura nito. Mas lalong gumanda at hindi na itim ang suot na damit. She is radiantly beautiful.

"Maayos lang naman ako, ikaw?."

"I'm good too." Sagot nito saka bumaling sa dalawang bata. "Kambal ang anak mo?."

Umiling siya. "Hindi, iyong babae siya ang anak ko." Saad niya saka binuhat ang anak."Era, say hi to tita Keira. She is your dad's friend."

"Hi." Bati ng anak.

"Hello." Bati naman ni Keira saka tumingin sa kanya. "Ang ganda niya. Nakuha niya ang mukha ni Eros."

She grinned. "Glad you notice." She said then they both chuckled.

The man beside Keira cleared his throat to get their attention. "Hindi mo ba ako ipakikilala sa kaibigan mo, Keira."

Inirapan ni Keira ito saka tumingin sa kanya. "Rhiane this man beside me is my boss--"

"Boss?!." Singhal nito sa kanya.

Namamanghang tumingin si Keira sa kasama. "E boss naman talaga kita. Bakit ba?. Kung gusto mo ikaw magpakilala sa sarili mo, oobligahin mo pa ako."

Masama ang tingin ng binata saka bumaling sa kanya. "I'm Aquarius, Keira's ex boyfriend and boss."

Tumango siya saka tumingin kay Keira. Ito marahil ang lalaking mahal parin ni Keira.

"I'm Rhiane, Keira's friend."

"And I'm Cyrus." Pakilala naman ng batang si Cyrus. "And I can see that your zipper is open, your underwear is showing and it's color gray."

Nanlaki ang kanyang mga mata saka tumalikod at tinakpan ang mata ng dalawang bata. Dinig niya ang pagtawa ni Keira habang naiinis naman ang binata.

"Harap na Rhiane, naisara na niya."

Naiilang na humarap si Rhiane sa dalawa. Hindi na niya tiningnan pa si Aquarius at kay Keira nalang siya nakatingin na matiim ng nakatingin sa kanya.

"Magagalit ka ba kung nalaman mong nagsinungaling ako sa'yo, three years ago?."

Kumunot ang noo niya sa tinuran nito."Saan ka nagsinungaling?." Tanong niya.

Humugot pa muna ito ng hininga bago nagsalita. "Rhiane, Eros--"

Herrera Series 3: Stalking the Mysterious DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon