Chapter 31
"SO WHAT IS in that island that you like so much na nakalimutan mo ang anak mo?." galit na bungad sa kanya ni kuya niya. Inaasahan na niya na gano'n ang maririnig niya sa kapatid. "Alam mo bang hinahanap ka niya sa pagtulog?. Umiiyak tapos ikaw nagpapakasarap doon sa pinuntahan mo?."
Hapon na siya nakaluwas dahil hinintay pa niyang matapos si Alexa sa site na tinatapos nito. Kalaunan ay pinakawalan din ni Alexa ang project na iyon dahil hindi daw nito kaya ang pagiging feeling close ng Sandra.
Alexa hates it when someone is calling her with the name "Lex" naiirit ito. Mas gusto nitong tinatawag siya sa buong pangalan. Isa din sa dahilan kung bakit ayaw na nito sa project ay nang nalaman ni Alexa na may pagtingin rin pala si Sandra kay Eros.
Kagabi pa daw kasi kinukulit ng babae si Alexa sa totoong pagkatao ni Eros. Pero hindi nito sinabi dahil alam ni Alexa na siya ang totoong mahal ni Eros kahit na wala pa itong maalala.
"I'm sorry." Napapahiyang aniya saka binuhat ang anak upang yakapin. "I miss you baby."
"I miss you too, mommy." Sambit ng anak saka siya nito niyakap.
"Mamaya nalang nating 'to pag-usapan."singit naman ni Alexa sa usapan. "The dinner is ready."
Tumango lang ang kuya niya na hindi na siya tinapunan pa ng tingin. Alam niyang galit ito sa kanya at hindi niya iyon masisisi. Pero may napuntahan naman ang pag-punta niya sa islang iyon dahil nandoon ang binata at buhay. Ang hindi lang niya matanggap ay kinailangan niya itong iwan ng hindi nagpapaalam.
Hinabilin naman niya ito kay Keira at alam niyang babantayan ito ni Keira sa higad na si Sandra.
Buhat niya ang anak na tinungo nila ang hapagkainan. Nilagay niya si Era sa highchair nito saka nilagyan ng bib para hindi madumihan ang puti nitong damit.
"How's your project in that island, Alexa?."tanong ng ginang nang makaupo na sila sa kanya-kanyang upuan.
"I give it up." Walang ganang sagot ni Alexa. "It's a waste of my time, anyway."
"Why?," kunot noong tanong ng ginang. "That's a billion peso deal, Alexa. Bakit mo pinakawalan?."
"Mom, if you're in my position, which is not, talagang igi-give up mo ang project na iyon. It's not just because I don't like the location. A island is pretty nice actually but can you imagine building it beside the houses?. Hindi lang delikado para sa mga bata. Syempre kailangan naming putulin ang mga puno doon na siyang silong sa mga kabahayaan. Sino ba naman ang baliw na magtatayo sa tabi ng kabahayan dahil lang gusto niyang makita si kuya Eros--" bigla ay natigilan ito saka inisa-isang tingin ang mga kasalo sa hapagkainan.
Lahat ng mga nasa hapagkainan ay salubong ang kilay na nakatingin kay Alexa. Siya ay nahigit pa ang hininga habang abot-abot ang kabang nararamdaman.
Binigyan niya ng tingin si Alexa nang magtama ang kanilang paningin na kinunutan lang nito ng noo. Batid niyang gusto na nitong sabihin iyon.
"What are you talking about?." Tanong ni Celeste. "Eros is dead, Alexa."
Hindi nalang kumibo si Alexa at nagpatuloy lang sa pagkain. Batid niyang ayaw nitong magsinungaling kaya minabuti nalang na tumahimik.
"Mommy, can we watch Moana?." Bumaling siya sa anak niya na inosenteng nakatingin sa kanya. "I want to watch it with you."
Matamis siyang ngumiti sa anak saka hinaplos ang pisngi nito. "Sure baby. After we're done eating. Let's go out and watched it."
Ngumiti ang anak saka niya ito sinubuan.
TULAD NG IPINANGAKO niya sa anak niya, nagpunta sila ng mall para manood ng sine. Ang kotse ni Alexa ang ginamit nila dahil wala naman na itong pupuntahan. Pero dahil mamaya pang alas nuebe ipapalabas ang Moana na sinasabi ng anak ay namasyal mo na sila.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 3: Stalking the Mysterious Doctor
Genel KurguEros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, specially love. He hates the idea of falling inlove that is why always distract himself with books and k...