Hello sa mga ate ko na sina ate Carla, ate Mye at ate Cris. PAti narin kAy Neyney!!. Mahal ko kayong apat.At pasensiya na kung nabibitin kayo. Nangangawit kasi ang kamay ko e. Hehehehe. Salamat sa pagbasa. Malapit na kaunting tiis pa. Nandito pa si Sandra e..
Chapter 28
ISA ISANG pinakatitigan ni Eros ang lahat ng larawang pinakita sa kanya ni Keira. Lahat ng mukha na nakikita niya doon ay nagtutugma sa mga taong nakikita niya sa panaginip niya.
Isa isa ring pinapangalanan ni Keira ang mga ito. At kalaunan ay rumirehistro sa kanya ang pangalan ng mga ito. Maging ang mukha ay inaaral niya. At napapapikit nalang siya sa tuwing sumisigid ang kirot sa kanyang ulo.
Hindi niya kaya ang sakit, pero pinipilit niyang labanan iyon dahil gustong gusto na niyang makaalala. Ayaw na niya sa buhay na walang alam ni isang katiting sa kanyang sarili.
"Let's stop." Sambit ni Keira nang mapansing nahihirapan na siya at akmang kukunin na ang mga larawan nang pigilan niya ito. "Eros, hindi mo kakayaning maalala ang lahat sa iisang-araw lang. Kung may masakit sa'yo, itigil muna natin."
"Kailangan ko ng makaalala!." Dahil sa inis ay hindi na niya napigilang magtaas ng boses. "Kailangan ko 'to. Ayoko ng ganito, nangangapa sa kaunting meron ako. Tutal ay nandito narin tayo, tulungan mo nalang ako."
"But you can't--"
"I can take it!." Natigilan siya nang bigla ay nagsalita siya sa wikang ingles na hindi naman niya ginagamit. "Kaya kong makaalala."
Napabuntong hininga nalang si Keira saka muli ay may kinuhang larawan sa bag nito at ipinakita sa kanya.
Bigla ay nag-iba ang ihip niya nang mamukhaan ang babae. Ito ang babaeng nakikita niya sa tatlong gabing wala siyang malay. Ang magandang mukha nito ay nakangiti sa larawan.
"Rhiane.." Wala sa sariling naiusal niya ang pangalan ng babae sa larawan.
Namamanghang tumitig sa kanya si Keira."Do you know her?. How is that that you know her and the rest aren't?."
"She's always camping on my mind." Sagot niya. "Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko siya ang nakikita ko."
"Alam mo ba kung ano ang relasyon mo sa kanya?," nating nito habang matiim na nakatingin sa kanya. "Kung ano siya sa'yo?."
"I don't know."
"Siya ang kasintahan mo at ang ina ng anak mo."
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tumitig kay Keira. Inaalam niya kung nagbibiro lamang ito pero sa nakikita niya ay seryoso ito.
Walang salitang lumabas sa bibig niya. Tatlong taon na siya sa isla Mercedes at wala siyang maalala at hindi niya alam na may mag-ina siyang naiwanan.
Pinaghalong galit at konsensiya ang nararamdaman niya sa sarili. Galit dahil nawala ang alaala niya at konsensiya para kay Rhiane dahil iniwan niya itong nag-iisa.
Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Ang puno na walang kamalay-malay ay bigla nalang niyang pinag-susuntok. Wala siyang pakialam kung masakit na ang kanyang kamao ang mahalaga ay mailabas niya ang galit na nararamdaman.
Hindi naman siya pinigilan ni Keira. Tahimik lang ito habang pinapanood siyang paduguin ang sariling kamao hanggang sa mapagod siya."Argghhh!." He shout in so much frustation. Nagtatagis ang bagang niya at kuyom na kuyom ang kamao niya.
Hindi pa siya nakuntento dahil maging ang ulo niya ay ginamit niya para lang mabawasan ang walang katapusang galit sa puso niya. Alam niyang hindi niya dapat sisihin ang sarili dahil kusang nawala ang alaala niya. Hindi niya sinadya, pero kung naglakas lang siya ng loob para hanapin ang pamilya niya, para hanapin si Rhiane.
![](https://img.wattpad.com/cover/100964214-288-k520571.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrera Series 3: Stalking the Mysterious Doctor
General FictionEros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, specially love. He hates the idea of falling inlove that is why always distract himself with books and k...