Bago ko makalimutan. Hi ate Mye! A.k.a SapphireBlueGem. ✋✋✋✋Chapter 16
"YOU GUYS READY?." Naninigurong tanong sa kanya ni Tim pagkalabas nila ng taxi. Katabi nito ang boyfriend na nakilala niyang si Elmer.
She sighed. "Ready."
Bumaling ito kay Gel na may kasama ring lalaki. "Ikaw, bakla ready na?."
"Aba oo, pak na pak!." Sagot nito. "Sayang naman ang suot ko kapag hindi ko nirampa. Pero teka lang bago ang lahat, magcheck muna tayo."
"Nang ano?." Naguguluhang tanong ni Tim rito.
"Hininga mo, paamoy." Sambit nito dahilan para ibuka ni Tim ang bibig.
"Anong amoy?." Tanong ni Tim.
Napangiwi ito. "Amoy kanal."
Sandaling natigilan ang dalawa saka biglang tumawa. "Perfect!." Sabay nilang sambit.
"E ang mukha mo, patingin." Ani naman ni Tim saka pinakatitigan ang mukha ni Gel.
"Anong hitsura ko?."
"Dugong!."
Sandali na namang natigilan ang dalawa at tulad kanina ay tumawa na naman ang dalaga sabay sabing..
"Perfect!." Saka pa nag-appear.
Natatawang napailing nalang siya saka bumaling sa dalawang lalaki na kasama ng dalawa.
"Tapos na ba kayo magpurihan?," sarkastiko niyang tanong sa mga kaibigan.
"Okay, tapos na." Si Tim ang sumagot saka yumakap sa kasintahan.
"Let's go." Nakangiti namang hinawakan ng kaibigang si Gel ang kamay ng kasintahan.
'Buti pa ang dalawang 'to may boyfriend.' Bulong niya sa isip habang pinagmamasdan ang mga kaibigang nauna ng pumasok sa hotel.
Kasunod lang siya sa mga ito, ayaw niyang mapagkamalang chaperone kaya lumayo siya ng bahagya.
Ngumiti nalang siya ng salubungin sila ni Claudette. Kaklase nila noong highschool.Mabait ito kaya naging closefriend narin niya. May kasama rin ito, at malamang ay kasintahan nito.
"Mabuti naman at nakarating kayo."
"Aba, maari ba naming palampasin ang libre." Ani Tim saka nakipag-beso kay Claudette.
Gano'n din ang ginawa ni Gel at sumunod naman siya.
"Oh, wala kang kasama?."
"Ah kasi--"
"Kasi busy ang boyfriend niya." Si Gel ang sumagot saka ngumuso sa kung saan dahilan para balingan niya ito. At nakita niyang palapit sina Mara at Alfred. "Sumabay ka nalang." Bulong nito sa kanya.
Tumango nalang siya.
"Sayang naman kung gano'n." Nanlulumong sambit ni Claudette. "Lahat may partner, ikaw lang ang wala."
Tipid siyang ngumiti. "Ok lang naman kung hindi ako maka--"
"No, it's fine." Pigil ni Claudette sa kanya saka siya nito hinila papasok. "What are friends are for kung hindi kita papapasukin. Di'ba Mara?." Inosenteng bumaling ito kay Mara na ngayon ay kasama na nila. "Look at you, two. Aren't you a sweet couple."
"Ofcourse we are." Nakangising bumaling rin ito sa kanya.
Ngumiti nalang siya. Wala na talaga sa kanya kung makita pa niya ang dalawa na magkasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/100964214-288-k520571.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrera Series 3: Stalking the Mysterious Doctor
General FictionEros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, specially love. He hates the idea of falling inlove that is why always distract himself with books and k...