30

58.3K 1.4K 42
                                    

Chapter 30

"KAMUSTA KAYO RITO?." tanong ni Keira sa kanya nang dumating ito sa bahay kinagabihan. May dala itong mga gamit na inabot sa kanya."Binili ko para sa'yo. Para may gamitin ka. Damit na susuotin mo bukas pag-uwi sa maynila."

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumitig kay Keira."Uuwi?. Hindi ako pwedeng umuwi nang hindi kasama si Eros. Not now, when I know that there is leech around here!."she is pertaining to that bitch Sandra.

Dalawang araw na ang nakalipas at aligid ng aligid ang babaeng iyon sa binata. Kulang nalang ay pati ang bahay ni Keira hanapin nito para lang madikit kay Eros. .

As if naman papayag siyang dumikit ito sa binata. Kung linta ang babaeng mas linta siya. She didn't stalk Eros for no reason and she won't let any woman touches her property, specially Eros the father of her daughter.

Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ay papatayin talaga niya ang babaeng iyon, sa ngayon, sa isip nalang niya ito papatayin.

Ngumisi si Keira. "Let me guess, you met her."

Naiinis siyang tumango saka tinanaw ang isla Mercedes kung nasaan ngayon ang binata at ang higad na iyon. Dinala na siya ni Eros doon, at nakita niya kung gaano katahimik ang isla Mercedes kumpara sa bayan. At napag-alaman niya rin na doon ipapatayo ng higad na iyon ang resort kuno nito.

Naiinis man ay pinigilan nalang niya ang sarili. May tiwala naman kasi siya kay Eros dahil kahit na wala itong maalala ay siya parin naman ang sinasamahan nito.

Doon ay ipinakilala siya nito Eros sa mga kumupkop sa binata bilang asawa. Hindi naman niya iyon kinwestiyon dahil gusto din naman niya na pinapakilala siya ni Eros bilang asawa.

"Do you feel threaten around her?." Tanong ni Keira sa kanya. "Do you want me to help you?," tanong nito saka umupo sa upuan at dinukot ang baril na nasa silong lang pala ng mesa at pinunasan.

"Can you?." Balik tanong niya kay Keira."Pwede mo bang ipadala sa planetang mercury ang babaeng iyon para doon nalang siya mamatay?."

"Bakit ako?." Namamanghang tanong nito. "I know I can kill people but I don't kill innocents."

She hissed. "Inosente ba ang babaeng iyon?. Kung makakapit kay Eros akala mo siya ang mahal. Akala mo siya ang legal."

"Kung mahal mo si Eros, ipaglaban mo."payo ni Keira. "Don't just sit here and watch that bitch steal Eros away from you. Baka isang araw magising ka, sa ibang pugad na tumitira ang ibon mo. Atleast for once, be a lioness, a hungry lioness who can defends what's yours. And Eros is yours."

Hindi siya nakakibo sa sinabi ni Keira. Tama ito, hindi dapat siya tumutunganga at pinapanood ang Sandra na iyon na lapain si Eros.

"Tandaan mo, love is just like animal in the pride land. There's a lot of predator hunting and fighting for prey and if you don't brave and fierce enough to fight for that prey then you'll lose it." Payo nito sa kanya. "Alam kong hindi mo kayang makipagsabayan sa kalandian ng babaeng iyon dahil alam ko malandi na iyon pero meron kang alas and that's Eros's memory."

Bumagsak ang balikat niya. Mukhang kulang ang isang araw para magawa niya iyon. "Tingin mo kaya kong maibalik ang alaala ni Eros?."

"Oh no, it's not up to you, it's up to Eros. Tutulungan mo lang siyang maalala ka.".

"But I am leaving tomorrow!." Reklamo niya."Can you atleast give me one week?."

Tumigil ito sa ginagawa saka humarap sa kanya. "Mukhang nakalimutan mo atang may anak kang naiwanan sa maynila."

Bigla siyang natigilan. How stupid of her to forget her own daughter. Dahil sa kagustuhan niyang maalala siya ni Eros ay nakalimutan niya ang anak niya.

Herrera Series 3: Stalking the Mysterious DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon