Laurel, kadalasan kapag naririnig ang salitang yan, ang pumapasok agad sa isipan eh yung dahon na kadalasang ginagamit pang luto. Nung una ko ngang nalaman na 'Laurel' ang section ko, yung dahon agad naisip ko. Ewan ko ba, nakapagtataka rin kasi puro ngalan ng mga bayani ang mga section sa Grade 9 pero bakit 'Laurel'? Me isang bayani ba na 'Laurel' ang ngalan?
So base nga sa internet, oo niresearch ko 'yan, pero 'di ko alam kung tama ba. Pero ayon nga sa mga niresearch ko, Si José Paciano Laurel ang pangatlong presidente ng pilipinas, nagsimula siyang manungkulan noong 1943 at natapos ng 1945. At ipinanganak noong
March 9, 1891.So 'yan alam niyo na, na kapag Laurel eh hindi ibig sabihin yung dahon agad.
Pero mabalik tayo, Laurel, hindi lang 'to dahon, hindi lang din 'to yung pangatlong presidente ng pilipinas, kundi ito rin yung section ng grade 9 na ayon ke Ma'am Alonzo, HATOR! Ito yung section na nakapagbigay sa akin ng maraming memories, na nakapagpagalit, iyak, at saya sa akin.
Sa section na ito hindi mawawalan ng kulitan, away, kabaliwan, kalibugan (oo tama, hinding hindi mawawala 'yan), iyakan, mahalan (pwe), murahan, sigawan o kahit ano pa. At ito lang yung section na puno ng mga estudyante na maala dyosa ang ganda at mga guwapong mukha, (enge dos) pero ang mga estudyante sa section na ito ay hindi lang mukha ang ipinanlalaban. Kasi dito sa section Laurel, hindi ka lang makakakita ng mga magaganda at guwapo, kasi sila ay talented din. Matalino, magaling kumanta, magaling sa sports, magaling sumayaw, magaling magdrawing, LAHAT LAHAT NA. So in other words, all-in-one sa section LAUREL, hahanap ka pa ba ng iba?
BINABASA MO ANG
LauREAL
HumorMga mamamayan ng peking. Ito ang istorya ng mga kabalastugan ng 9 - Laurel (Based on a true story)