Rubiks, ano nga ba ang rubiks? Pagkain ba 'to? Kung oo, pahingi kasi nagugutom ako.
Pero hindi pagkain 'to. Ang rubiks kasi ay isang 3-Dimensional o 3D na puzzle na inimbento noong 1974 ng isang hungarian na hindi lang iskulptor kundi pati na rin isang propesor ng arkitektura na si Erno Rubik. Isang puzzle na laruan na may anim na faces at may kulay white, red, blue, orange, green at yellow sa bawat face. ( Source: Wikipedia. Naks niresearch)
Ang rubiks ay isang laruan na sinimulang dalhin ng isa, tapos gumaya naman yung isa, hanggang sa gumaya na rin yung iba at halos lahat ay mayroon na. Nagpaturo, natuto, nawili at naadik. Kumbaga kinain na ng rubiks.
Ewan ko ba pero may isang panahon na biglang nauso yung rubiks, na hindi lang school kundi kahit saan ka tumingin ay may makikita kang tao na may hawak na laruang ito. I mean, aaminin ko na pati ako ay naadik rin dito hanggang ngayon.
Nakakawili ito, noong una oo mahirap ito pagaralan, pero may mga algorithms naman o patterns na kailangan mong kabisaduhin para mabuo ito. Nakakalito sa una pero once na nagtagal at praktis lang ng praktis ay masasanay ka na.
Para nga itong isang sakit na madaling kumalat. May isang carrier na hinawaan ang isa na nanghawa pa ng iba pa. Hawaan ng kaadikan sa rubiks.
Pagkatapos ngang matuto nila Allan at Jeffric eh nanghamon na agad ng pabilisan sa pagbuo nito at pustahan pa.
Pero nakapadepende yung bilis sa pagbuo nito sa dalawang bagay.
Una, doon sa algorithms o sa patterns na alam mo. Ang pinakamabilis pero komplikado na pattern ay ang fridrich method. Kung namaster mo na 'to ay tiyak na less than 10 seconds ay buo mo na yung rubiks.
Pangalawa, doon sa rubiks na mayroon ka. Kung makunat o madulas ba itong gamitin. Kadalasan kung makunat eh mas matagal mo pang mabuo kasi nga hindi ito ganoong kadali na ikutin.
Pero opinyon ko lang naman ang mga ito eh, wag masyadong magpaniwala.
Masaya at magandang panlibangan o pampalipas oras ang pagbuo ng rubiks, lalo na kung bored na bored ka at gustong gusto mo na may magawa ka, kahit nga siguro pumatay ka ng tao eh gagawin mo kasi bored kang talaga. Pero wag kang mag-alala kasi nariyan ang rubiks para libangin ang katulad mo.
Mabibili ito sa kahit anong tindahan,(kesa na lang sa hardware. Common sense. Wag pairalin ang katangahan.)
Kaya kung gusto mo magkaroon nito ang dapat mo lang gawin ay Look up, Look down, Look right at Look left. Congratulations! Pinagmukha mong tanga sarili mo!
Maghanap lang sa mga school supplies o sa palengke at makakabili ka na nito sa abot kayang halaga. (aabot 'to ng wampipti)
Kaya kung bored na bored ka at walang magawa ay magpakamatay ka na! I mean bumili ka ng Rubiks. Mura lang, bili na. (Endorser kuno. Hindi 'to sponsored)
Sa hindi nakakaalam kung magkano ba 'yong rubiks, well aabot lang naman ito sa halagang 70-150 pesos. Mas mahal ang presyo kung mas mataas at maganda ang quality, kadalasan nga ay umaabot pa ito ng mga 1k eh. Napakamura noh? Halos buong baon mo na. (except na lang kung rk ka, katulad ni amil. djks)
Yung rubiks ko na naconfiscate, Php130 'yon, with taxes pa! Hindi na naibalik. Iyaq.
Hiniram nung isa, pinahiram sa iba, kinuha ng isa, naconfiscate at hindi na naibalik pa. Bigteh.
RIP Rubiks. 2017-2017 *insert sad face here*
BINABASA MO ANG
LauREAL
HumorMga mamamayan ng peking. Ito ang istorya ng mga kabalastugan ng 9 - Laurel (Based on a true story)