Syempre kung may mga pasaway ay mga mejo tahimik at hindi gaanong pasaway naman.
Unahin natin si John Armil Rosales , siya yung ipinalit na vice president kay Dave. Yung boses niya ay hindi ganoong kalaki katulad nung katawan niya. Masarap siyang yakapin kasi nga chubby. Parang isang malaking unan na ansarap tulugan.
Si Amil din yung estudyante na richkid kasi pati ba naman sa paggawa ng visual ay printed pa. RK dibuh? Siya din yung taong nakilala ko na maraming drama sa buhay, na akala mo pasan pasan niya buong mundo, De peace yow. Madali din siyang mafall, kaya 'yon laging nasasaktan. Matalino siya, magaling sa pagrecite at pagreport sa harapan.
Nung una talaga 'di ko talaga siya kaclose, pero bigla na lang talaga kaming nagclick at 'yon naging close na kami. At siya rin yung tipo ng kaibigan na talo pa ang bata sa pagtatampo kaya kailangan mong suyuin.
Siya rin yung alagang alaga ng pamilya niya, makikita mo na sobrang healthy niya. Na hindi siya pinapabayaan, and they make sure na lagi siyang nakakakain. Obvious naman sa katawan niya, dibuh?
At bilang vice president ay tungkulin niya ang panatilihin ang kaayusan sa room, kaya dapat lagi siyang nanaway sa mga nagpapasaway. Sa tungkulin niyang iyon ay halos maiyak iyak na siya sa todo todo niyang effort para lang sawayin sila. Pero parang imposible na ata na mapaamo ang mga hayop sa room. Kahit anong gawin, kahit mag fusion pa sila ni Patpat ay wala pa ring epekto, wala pa ring pagbabago. Kaya iyon, iyaq. Biqteh.
Sa pagkakakilala ko kay Amil, siya yung tipo ng tao na ayaw makalimot. Kaya lahat ng mga bagay na tanging makapagpapaalala sa isang moment na 'yon ay itinatago niya. Kasi para sa kanya ay lahat memorable. Kahit nga ang unang pagtikim sa isang pagkain na first time niyang kakainin ay ito'y kanyang nanamnamin at itatago ang kutsarang ginamit at ididisplay pa. De biro lang.
Siya din yung tipo ng tao na mahilig sa spoken poetry, may isang beses nga na nagsend siya sa akin ng ginawa niyang tula, isang tula na para sa isang tao na minahal niya. Isang tula bilang isang hakbang sa pagkalimot sa isang pagmamahalan na kahit kailan ay hindi naging makatotohanan. Lahat ay idinadaan sa paghiling at paniniwala sa mahika ng "11:11" naghihintay gabi gabi upang humiling sa langit, at ang mga hiling ay laging may "Sana, minahal mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo"
Kaya halos isumpa na niya ang tadhana sa paglalaro sa kanya nito. At kahit anong gawin niya ay trip pa rin siyang paglaruan. Pero anong magagawa iyon ang buhay at alalahanin na lang na "Everything happens for a reason."
××××××××××××××××××××××××××××××××
May pugo rin kami sa klase, siya si John Joshua Marcos o pwede mo rinnaman siyang tawagin na JJ o Owa. Kung bakit 'pugo' kamo ay kasi ganito 'yan. Dati kasi nag pagkalbo siya, hindi naman yung type ng kalbo na shining, shimmering, splendid na mapapakanta ka ng "Shine bright like a diamond." ni Rihanna. Na sa sobrang kintab ay mas maliwanag pa sa kinabukasan mo.
Yung hairstyle niya ay katulad ng sabi nila "semi kalbo" ito yung hairstyle na kalbo pero hindi totally na kalbo. gets? Para bang tinamad yung barbero na ipagpatuloy yung paggupit at huminto na lang dun sa time na kakaonti at maikli na yung buhok niya. Mga 2 cm ganun. O di kaya naguilty yung barbero dahil pinuputulan niya ng buhay yung mga buhok kaya nagtira siya ng kahit kakaonti para sa mga ito.
Pero seryoso, hindi siya kalbo na hindi rin naman mahaba, basta semi kalbo. Ah ewan! Serts niyo na lang.
Dahil nga doon kaya "pugo" ang tawag sa kanya kasi yung tanging nagpapalaki sa ulo niya ay tinanggal at ang natira ay yung maliit niyang ulo. Nagmukha siyang pugo na lollipop na ewan.
I mean, bagay naman sa kanya. Mukha nga lang siyang ewan. Peace yow.
Si Jeyjey din yung taong makulit na maharot na na madrama.
BINABASA MO ANG
LauREAL
HumorMga mamamayan ng peking. Ito ang istorya ng mga kabalastugan ng 9 - Laurel (Based on a true story)