Girls I

41 5 0
                                    

Kung may mga boys, syempre hindi magpapatalo ang mga naggagandahang mga dyosa ng 9 - Laurel. (To be honest, hindi ko naman talaga close lahat ng girls sa laurel, kaya konti lang ang mga masasabi ko sa mga girls na hindi ko masyadong nakainteract buong school year. Na mga "Hi, hello." lang ang level ng aming interaction tu ets ader.) 

Unahin na natin ang magandang sexytary ng laurel na si  Aubrey Oteyza na laging pinagsusulat sa blackboard na magkahika-hika na dahil sa lagi niyang ginagamit ang kamay niya para magbura eh kahit trabaho naman iyon ng basahan, pero ang problema, ang basahan para pambura sana sa blackboard (blackboard pero kulay green nuyun sabog lang) ay laging nawawala. Parang may sariling paa, naglalayas bigla.  

Si Aubrey ay yung tipo ng estudyante na hindi mahiwalay sa salamin niya, na from time to time, titingin sa salamin. Self-conscious siya, kaya parang kailangan laging sigurado na hindi haggard ang mukha niya. At minsan napakalaki ng problema niyan, malaking problema para sa kanya kapag walang pulbo. Maiyak iyak na nga nang magtanong kung kani-kanino para lang sa pulbo. Nakaabot na sa ibat ibang lugar para lang makahingi ng pulbo pero ni isa walang nagbigay sa kanya. Pagbalik niya sa kanila, tiningnan niya agad ang bag niya, at putragis, me pulbo pala siya. Nakakaloka. 

Syempre hindi lang looks ang panlaban ni obri, kasi aakalain mo 'yon me talent din pala siya. djks. Oo, me talent siya. Magaling siya umarte,  na kahit nga sa group presentation lang na roleplaying ay todo bigay siya, gustong gusto niya sa mga role niya ay yung umiiyak. Abay ewan ko kung ano meron sa kanya at sa pag-iyak, gusto niya laging ganun. Minsan nga magugulat ka na lang sa kanya, kasi kung kanina ay nasa gilid lang siya nakaupo at nakaearphone minding her own business, pero maya maya makikita mo na lang na tumutulo na ang mga luha sa mata niya. Tapos ang sabi niya may naaalala lang siyang malungkot dun sa pinapakinggan niya. Nabuang na ba. djks. 

Mahilig din siyang humugot, di ko alam kung bakit. Katulad nga ng sabi nila, nagmahal, nasaktan, humugot. LOL 

AT ang huli mahal na mahal niya ang isang tao na hindi ko na papangalanan pero alam at kilala na naman ng halos lahat. 

Ang sunod kay obri ay ang muse na si CARYL DE GUZMAN, minsan talaga sa lagi king tawag sa kanya na 'carly' ganun na yung spell ko sa pangalan niya. Pero sino ba si Caryl? Well, siya lang naman yung muse na mukha lang talaga ang kailangan sa kanya. Muse na hindi gaanong kagandahan. djks. Si carleh ay magandang dilag, lagi kong pinupusuan mga pictures niyan sa facebook. Kyut niya kasi, sarap ipakulam djks lang ulit. 

Siya ay isang makulit na maharot na madaldal na estudyante na yung tawa ay kasing epic ng kay dexter. Na kung dumaldal ay anlakas lakas ng boses na rinig hanggang awter speys, abot sa planeta namin. Pero kahit ganun ay mabait din siya, di nga lang halata. Djks. Masarap siyang kasama, kavibes ko siya pagdating sa HIGH SCHOOL MUSICAL. Pareho naming alam yon, nagduduet nga kami sa kantang 'breaking free' at sa iba na ring mga kanta sa hsm.

Matalino din ang babaitang ito, ng konti. Lol biro lang. Matalino siya, top nga yan sa math eh, at active din naman siya sa recitation na minsan ay tinatanong niya sa akin ang sagot pero sikret lang natin yon noh? Shh wag ka maingay.

Ang masasabi ko pa kay carly ay, selfie lord niya. I mean okay lang naman kasi me ipagyayabang at maganda rin naman ang facial structures niya. Ang huli ay mahal na mahal niya ang boypren niya, at fun fact, kung gusto mo siyang umiyak iplay mo lang yung 'tulad mo' instant tears na! Peace jk.

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon