Si Jaivy Angelick Serito ay si "beks" na matalino na top one sa klase at sobrang puti akala mo'y lumagok ng gluta, kung ano ang hindi naibigay kina Jeffric ay sa kanya napunta.
Masungit. Napaka. Noong una nga eh, takot na takot ako sa kanya ni hindi ko magawang matitigan o makausap man lang. Akala ko kasi talaga mangangain siya. Mukha pa lang, i mean maganda siya, malakas nga ang dating eh, pang insta. Pero natatakot talaga ako aksi nga masungit siya, kung tumingin ganun. Naalala ko nga noong mga kasisimula pa alng ng kalse, nilalapitan niya ako tapos natatawa nga siya na nagtataka kahit nakatingin lang siya sa akin para akong baliw na tinatakpan yung mukha para makapagtago at hindi mapakali.
Sa pagkasungit niya na minsan ay napapasobra, maraming tao ang naiinis o nagaglit sa kanya. Pero siguro dahil ganun kasi 'di pa nila siya lubos na kilala. They judge a book by its cover which led them to misinterpret the person.
Oo nga't ganun siya, masungit, pero once na nakilala mo which is nangyari sa akin pagkalipas ng ilang buwan, ay malalaman mo at magugualt ka na may kulit din pala siya sa katawan. Maharot at masarap na kasama si beks.
Sa una, oo aaklain mo na kakagatin ka niya pero pag nakasama mo siya at masaya kahit nga masungit ang dating niya ay mabait at mabuting tao rin naman siya. At adik na adik siya kay Vice Ganda, inlab na inlab. Ewan ko kung bakit basta ganun na lang talaga ang pagkaidolo niya dun kay Vice.
Kaya let us not judge her or anyone in this football called planet earth, kasi nga kailangan mo lang talagang kilalanin at kaibiganin siya, hindi yung aasa ka na lang doon sa first impression mo sa kanya. Sabi nga, "There's more than meets the eye."
Ang sunod kay Haybibeh ay si Gem Pauline Dungca. Si Gem na dakilang tagatago ng kayamanan ng 9-Laurel o kung tawagin sa ingles ay "Treasurer"
Siya yung Estudyante na napakahyper na laging pinapagalitan kasi madaldal. Maririnig mo biglang tatawa, tapos ang ingay kung makikipagusap, rinig yung boses kahit bulogn pa mismo. Kapag nagbabasa naman o pinapabasa siya sa kung ano man yung nasa blackboard akala moy hinahabol siya, ambilis magbasa, may lakad ata eh.
Makulet siya, sobra. Mapang-asar din pero kadalasan siya mismo ang laging inaasar. Baliw din siya, dinaig pa ang nakashabu, matotokhang na nga ata ito eh kasi aakalain mo talaga nagddroga siya. Malakas toyo niya, pwede na nga ilagay sa pagluto ng adobo Mahilig din sumayaw, siguro akala niya para siyang si Chachi Gonzales kung sumayaw pero ang totoo ay kung sumayaw siya ay halos matanggal tanggal na mga buto niya sa katawan.
Pero syempre, maganda din si Gem. Dyosa 'yan wag ka. Kahit lagi nga siyang pinagttripan ay may itinatago rin naman siyang kagandahan. Pinagaagawan nga siya nila Allan at Jeffric. Nagrejoice kasi siya kaya ang haba ng hair niya.
Si Patricia Chu o Patpat naman ay ang nanay ng klase pero syempre hindi literal. Grabe naman 'yon, inire niya yung buong klase. Pero oo nga't siya ang nanay ng 9-Laurel (figuratively) dahil na rin sa pagkamaaalahanin niya at pagkaresponsable niyang tao. At dahil nga sa mga traits niya na ito, siya ang pinalit kay Romeo bilang class president, bulok kasi si Romeo. Alam ng lahat 'yon.
Siya rin ang masasabi mong "jack of all trades" (ayon kay google ang jack of all trades ay isang tao na may kakayahan sa maraming bagay. Ewan, di ko sure.) Bakit kamo? Kasi hindi lang sa pagluto siya magaling, at masarap ang luto niya, kundi pati na rin sa pagdesign. Magaling siya maggupit sa papel tapos ang kakalabasan nito ay bulaklak o kung ano man. At hindi lang sa papel pati na rin sa damit nagagawa niya rin, yung kurtina nga nagawa niyang dress. Tapos isa rin siyang "hair stylist." maraming nagpapatali sa kanya kasi magaling siya dito, halos nagiging salon na nga ang classroom eh.
Si Patpat din ay mabait pero matapang hindi umuurong sa kahit na anong laban. Kahit maliit siya kaya pa rin niyang patumbahin kahit sixfooter pa mismo kaya mag-ingat ka.
Ang napaka athletic naman na estudyante sa klase ay si Kristine Balunsat, ang arnis queen. Tahimik, mabait at maganda, iyan si Kristine o kung tawagin nila Raiza ay "chichi". Pero kahi na tahimik siya ay wag na wag mong gagalitin 'yan kasi hahampasin ka ng arnis. Bugbog sarado ka. Kawawa. Athlete of the year kaya 'to! so bikeyrpul.
At Si Wendell Francisco naman o mas bet kong tawagin na wendy ay laging napagkakamalan na lalake kasi dahil sa pangalan niya. (why do they always assumed people's gender like eww)
Sinimulan ko siyang tawagin o namin na tawaging "wendy" dahil kay maam banat o maam adrayan. Sa tuwing tatawagin kasi siya para magrecite nito ay "wendy" ang tawag sa kanya. Dahil sa paulit ulit na rin at nagsawa ng ikorek kung ano yung tama, hinayaan na lang, and thus, "wendy" na tawag sa kanya.
Tahimik siya tapos masungit and literally doesn't give a fuck. Pero kahit ganoon ay mabait siya...ergh..uhm.. djks Oo, mabait at mabuti siyang kaibigan.
Siya yung tao na dati lagi kong sinasabihan na mga dirty o corny man na jokes ko, sa kanya rin ako laging nagrarant na tungkol sa kahit ano, kasi feel ko siya lang ang interested at makakaintindi. Natiyagaan niya akong pakinggan, ang galing nga eh.
Tapos nakakatawa yung start ng friendship namin, kasi kahit na hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa pinabasa ko agad journal ko sa kanya, which is ako at siya lang ang nakabasa. So alam niya mga dirty little secrets ko. Shh ka lang.
Wattpad addict din, editor nga ng mga stories. Kaya minsan pag nakakagawa ako story ay pinapabasa ko sa kanya, or so i thought. Tapos minsan, o kadalasan pag may mga biglang kabaliwan akong naiisip ay sa kanya ko agad sinasabi tapos tititigan niya ako ng parang nababaliw na ako at minsan naman ay napapaface palm na lang talaga siya.
Ang malungkot lang, lahat ng iyon ay dati pa nangyari hindi na ngayon. We stop talking to each other, i don't know why. Sabi nga ni gabriella sa hsm, we go on our own way, or in other words hindi na kami close which is so sad. Kaya kung nababasa mo man ito wendy, Mxta NaH U?
BINABASA MO ANG
LauREAL
HumorMga mamamayan ng peking. Ito ang istorya ng mga kabalastugan ng 9 - Laurel (Based on a true story)