Boys II

85 5 7
                                    

Sa 9 - Laurel, me grupo ng mga boys na laging pasimuno ng ingay, na laging napapagalitan ng teachers. Ito ay sina Allan, Jeffric, Dexter, Zyrile at Aries. (NOTE: JUST FOR FUN LANG. MAGALIT PANGET.)

Si Allan Escoto ay yung matangkad at maputi pero maala mangga ang mukha. At sabi nga nila, kapag yumuko siya aba'y delikado mamamatay siya. Sadyang matalim daw talaga 'yong baba niya. Nakakahiwa. Yikes.

Siya rin 'yong taong guwapong guwapo sa sarili, at mahilig magtaas ng t-shirt at ipakita ang "abs" niya. Abs daw pero pag nakita mo naman, buto buto lang.

Si Jeffric Pasaraba naman yung laging nawawala pag pinatay yung ilaw. Yung nagiging invisible bigla. Bakit ganoon kamo? Kasi nung nagpaulan ng kaputian ang diyos aba'y nasa loob ata siya ng bahay nila, nagelol. Walang pake doon sa biyayang binibigay ng diyos. O 'di kaya, habang ginagawa siya ng diyos eh nakalimutan siya dun sa lutuan at naovercooked siya kaya ganun. Kung wala pang nakakagets, Negro siya. Pero pake ba nila, kulay niya 'yon eh.

Pero kahit na ganoon nga ang kulay ni Jeff, ay habulin pa rin siya ng chixx. Mayroon ngang nakapagsabi sa akin na may isang magandang babae daw ang nagkagusto sa kanya at sabi pa nga niya

"Akalain mo yung kaibigan kong ang ganda ganda, magkakagusto kay nognog." Napakahard niya po talaga magsalita. Alam mo na kung sino ka. Labyu.

Matalino rin si Jeffric, masyado nga lang maharot, makulit at pasaway. Kung magseseryoso nga lang siya ay mas mainam. Active din siya sa pagrecite, halos pareho katulad nila Romeo at Dave. At sa pagrecite sa science ay "Natumpok mo bata!" ang laging sinasabi sa kanya.

Si Dexter Ramos naman ay ang laging wagas kung makatawa. Yung tawa niya na akala mo hindi na siya tatawa ulit bukas. Kahit napakababaw at hindi naman ganoon nakakatawa yung joke o kahit ano, ay kahit nasa second floor ka ng building, ay maririnig mo yung wagas niyang tawa. Kaya pag nakarinig ka ng isang napakawagas na tawa ng isang nilalang kahit nasa malayo ka, alam mo agad na si Dexter 'yon.

Si Zyrile Sebastian ay yung maala bodyguard kasi laging nakasuot ng earphones. Kahit may klase, nakaearphone pa rin. Walang makakapigil sa kanya makinig ng mga kanta na gusto niya. Kagaya ng mga katropa niya, matalino din yan. Di nga lang halata. Minsan kapag recitation ay lagi siyang nakakasagot. Kagaya ni Jeff, matalino pero pasaway lang din.

Ang maala Math Wizard naman sa room ay si Aries Flores.

Magaling siya sa Math, pagdating sa mga equations, problems, numbers chuchu ay easy lang sa kanya. Siya rin ang ubod ng pasaway sa room, na kahit pagsabihan mo ay hindi titigil. 

Syempre hindi mawawala si ''Leence'' o si Lance Salvador na ubod ng kakulitan sa room. Minsan minsan ay bigla bigla na lang siyang hihirit ng kung ano at ang pinaka hindi makalilimutan sa kanya ay kapag tinatanong kung ano pangalan niya, ang sagot niya ay ang maarteng pagbigkas niya sa pangalan niya, kagaya ng ''LEENCE''.

Pogi siya, pag nakaside view nga lang. Wag mo nang ifront view, mas okay na yung isa. Maputi, matangos ilong at may katangkaran din siya. Kung maglakad nga lang ay akala mo pagmamay-ari niya yung lugar. Para siyang siga na kadalasan mong makikita sa kalye. 

Mabait din siya, pag tulog. De biro lang. Oo, mabait siya, kahit di man kami close at madalas magusap, ang pagkaobserve ko sa kanya ay maharot na makulit na madaldal pero mabait.

Silang anim yung magkakatropa na matalino pero di lang talaga halata. Except na lang kay Dexter. De, biro lang. Silang anim 'yong mga ubod ng pasaway, na puro kaharutan, kaingayan, kabaliwan ang alam sa isipan, silang anim yung nagbibigay kulay sa section Laurel. Kung wala sila ay boring na.

Abay teka teka may nakalimutan ata ako. Ay oo ang pinakapasaway sa lahat ng pasaway, si Patrick Panganiban.

Kung baga si Patrick o Atek ang pinakaboss nila Allan, Jeff, Dexter, Zy at Aries. Siya lagi ang pasimuno ng mga kaharutan. Imagine mo lahat ng teacher ay inis na inis na sa kanya dahil sa sobrang kakulitan niya.

Na kahit ipatawag na ang magulang niya at sawayin ng ilang beses ay hindi pa rin siya tumitigil. Ni parang wala siyang naririnig. Wala rin siyang pake kung nakakaabala na siya sa klase ng teacher namin. Wala ata siyang katinuan sa katawan niya. At wala ata sa bokabularyo niya ang salitang "seryoso".

Pero kahit nga na maituturing na Hari ng pasaway si Atek, ay mabait din naman siya. Alam niya rin naman kung paano rumespeto. Sadyang ubod lang ng pasaway yang si Patrick.

Nang kalalabas pa lang ata niya sa nanay niya eh, pasaway na agad. 

Pero kahit nga ganoon ang ugali niya, kahit na nakakainis, nakakaiyak at masakit sa bangs. Masaya din naman siyang kasama. Siya yung clown ng 9 - Laurel. Kapag present siya sa room ay akala mo palengke dahil sa sobrang ingay, at bihira na lang magkaroon ng katahimikan sa room at iyon ay kung absent siya.

Sa kaharutan at kakulitan ni Atek, ay mapapatawa na maiinis ka. Kasi ganun talaga kapag nariyan siya. Ubod ng kakulitan ang buong katawan.

At sa kanilang magkakatropa hinding hindi mawawala ang kalibugan nila. Bulgar man pakinggan pero iyon ang katotohanan. Wag nang itanggi pa kasi alam na naman ng lahat talaga.

Pero wag magalala kasi normal lang naman 'yan, mga nagbibinata na naman sila eh, pero pwede naman din nilang bawasan at ilugar.

Pero kahit ganoon sila ay marunong pa rin naman silang rumespeto sa mga taong nasa paligid nila.

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon