Boys I

64 3 1
                                    

Ngayon, ipapakilala ko ang mga nagguguwapuhang mga estudyanteng lalake ng 9-Laurel! (Napilitan lang po ako)

Unahin natin si Romeo Alto THE THIRD. Sino nga ba si Romeo, siya ba ang kasintahan ni Juliet? Hindi, kasi si Romeo ay ang ex-president ng 9-Laurel, bakit ex kamo? Kasi tinanggal siya ng adviser namin sa pwesto kasi nga ang mismong presidente ng klase eh 'di sumusunod sa mga rules and policies ng school, kaya 'yon, TANGGAL! naku naku tsk tsk tsk.

Pero wag ka, matalino 'yan, laging active sa recitation, nakakainis lang kasi tinawag niya akong desperada sa chips. Lamoyun. Nakakasakit ng damdamin. Iyaq na aq. De biro lang.

Matalino 'yang si Romeo, kahit hindi gaanong pinalad sa kaputian eh bumawi naman sa kaguwapuhan (ugh) hindi gaanong katangkaran pero oo, me itsura siya, at oo aaminin ko nagkacrush ako sa kanya (at pinagsisihan ko 'yon ugh. Kasuka) cool kasi niyang kumanta.

Lagi silang nagjajamming ni Dave, perfect tandem at todo bigay siya sa pagkanta. Todo bigay talaga, as in makikita mo na yung mga ugat niya sa leeg pag kumakanta siya at kahit napipiyok piyok na gora pa din siya sa pagkanta. Kaya si Romeo ay ang maituturing na unofficial singer ng 9-Laurel.

Siya din 'yong fan ni Ed Sheeran na hindi alam birthday ng aydol niya. lol. Ka-vibes ko siya pagdating kay Ed, kasi parehas namin siyang aydol.

Si Romeo rin ay yung tao na masarap asarin kasi 'di madaling mapikon, siya rin yung taong grabe kasi nung binuksan ko yung selpon niya eh ang bumungad sa akin eh yung ano, basta alam niyo na. At dahil dun hindi ka agad maniniwala na makadiyos siya.

Oo makadiyos siya, and I admire that about him, kasi kahit ganun siya, hindi niya nakakalimutan ang diyos. At sa mga kwento niya sa akin tungkol sa church nila, ay alam ko na passionate siya doon sa gawain nila.

Ang sunod naman kay Romeo ay ang ka partner niya, si Dave The Guitarist, pwede rin naman siyang tawagin na Caradave ayon kay Ma'am Roca pero Dave, David, Daiguro o kahit ano pa bahala ka na kung ano tawag mo sa kanya. Siya rin yung ex-vice president. Pareho lang din ng rason kung bakit tinanggal din siya sa pwesto.

Si Dave Alejandrino aka Dave The Guitarist ang habulin ng chix sa room, maraming naiinlab sa kanya na mga babae, at idol na idol ang turing sa kanya PERO sa tuwing naggigitara lang siya.

Ayon nga kina L**** , J**** at M**** "Nakakainlab si Dave pag naggigitara"

Manghang mangha sila, I mean sino bang hindi mamamangha kasi magaling talaga siyang maggitara. Siya yung matuturing mong virtuoso ng 9- Laurel. Kasi parang nung pinanganak pa lang siya ay nagtutugtog na agad ng gitara.

Sa tuwing nag dadala siya ng gitara ay laging me jamming sa room. Pagmaggigitara siya, nandyan si Romeo para kumanta. Kaya nga perfect tandem sila, si Dave na guitarist at Si Romeo na singer.

Pwede na nga silang bumuo ng banda eh, ipangalan nila Rave. Kasi nga Romeo+Dave = Rave. Tawa ka naman oh. Please. Para sa ikauunlad ng pilipinas.

Pero parang hindi dun nagtatapos yung pagkatalented niya, kasi hindi lang siya virtuoso, kundi matalino din. Katulad ni Romeo, pareho silang active sa recitation. Siya nga yung mayroong pinakamaraming chips sa English eh. Lagi silang magkasama ni Romeo, at sa mga kalokohan nila syempre mastermind silang dalawa.

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon