PROJECT OPERATION: TURANDOT

10 1 0
                                    

Saan ba ako magsisimula? Syempre sa umpisa.

"MGA MAMAMAYAN NG PEKING, ITO ANG BATAS! TURANDOT, ATING PRINSESA, AY MAIKAKASAL LAMANG SA PRINSIPENG MAKASASAGOT SA TATLONG BUGTONG NIYA. AT KUNG SINONG MATALO, AY MAIHAHARAP SA HATOL NG KA-MA-TAAAAA-YHUUUUUUUN."

//Bell sounds//

Sigurado ako na binasa mo 'yan sa paraan ng pagbasa at sa boses ni Lance nung gumanap siyang Mandarin. Hinding hindi makakalimutan yang panimula sa opera namin. Paulit ulit ba naman naming pinraktis 'yan, sino bang makakalimot ?

Napakahaba ng istorya na halos ako lang nakakaalam kung ano ang pressure na naranasan ko noong mga panahon na yon. I mean hindi lang naman ko ang nakaramdaman halos lahat naman kame.

Galit na galit sa amin ang teacher namin noon kasi wala pa kaming nagagawa, wala kaming napraktis na maipakita kay Ma'am Esperancilla. Kitang kita ang kunot ng kanyang noo habang pinapagalitan kami.

Nangako na lang ako na next week ay may maipapakita na kami at syempre nagyabang na rin na mas maganda ang magagwa namin kaysa sa ibang mga section. Pagkatapos ng ilang oras na pinapagalitan kami ay dun na ako nagpanic kung ano ang gagawin ko, I mean kasalanan ko rin naman, kasi ako yung sinabihang maging leader sa theatrical play na 'yon. At kasalanan ko kasi tinamad pa ako gumawa, kaya sa loob lamang ng isa o dalawang araw ay nagpuyat ako, di ako natulog at pinilit kong magsulat ng kabuuang script na gagamitin namin. Pagkatapos ng ilang tabs sa google chrome, ilang oras ng classical music, at ilang sachet ng great taste white na kape ay natapos rin ako. Pinakita ko na iyon kila Armil, at sumangayon naman sila.

Una naming ginawa ay pinaghati at pinagsama muna namen ang buong klase sa mga grupo. Hiniwalay ang mga gustong umarte at ang hindi gustong umarte. Binigyan ng mga role ang mga gustong umarte at ang natira ay binigyan ng gawain na sila ang gagawa ng props sa opera.

Ilang papel ang kinain ng printer namen para lang makagawa ng sapat na kopya para mabigay sa lahat ng propsmen at actors.
Pero halos lahat ng mga papel na iyon ay hindi nagsurvive kadi nakita ko ang iba ay nasa basurahan. Dahil nainis ako, binigay ko na lang sa kanila ang pdf file para sa cellphone na lang nila sila magbasa ng kanilang mga script.

Pagkatapos mahiwalay sa 2 grupo ang klase ay nagsimula na kame. Nagsimula ang usapan na gawing normal na theatrical play pero dahil gusto namin kami ang bida, na kami ang panalo, naisipan ng isang kaklasw ko na irecord ang mga linya at kanta na gagamitin. Para pag iaarte na ay magllipsync na lang ang mga actors at magandang ideya iyon dahil, Una, Hindi na mahihirapang magkabisa at hindi sila matataranta sa pagalala ng mga lines nila pag aarte na sila. Pangalawa, ay mas malakas at mas maririnig ng mga tagapanood kung ano ang mga sinasabi nila.

Ginawa namin iyon, nagrecord ng ilang araw sa bahay namen. Pabalik balik sa bahay, record at praktis. Kahit sa school praktis

Sa loob ng halos isang linggo puro turandot ang nasa isip namin.

Araw araw naniningil ang mga propsmen, at araw araw nag sasakripisyo ang bawat isa para sa Operation: Turandot na ito.

Pagkatapos ng ilang araw na sakripisyon ay dumating na rin ang araw na hinihintay namen, hinanda na ang mga gamit, nasa pwesto na ang mga propsmen at ako nasa gitna ng court, nakatayo, hawak hawak ng isang maliit na spotlight.

Naalala ko nagaway pa ata kami ng ex ko nun kasi nagselos ako dahil suot niya yung jogging pants ng kaklase ko...? Napakaimmature ko wtf

Btw the way, back to Turandot.

Pagtapos ng ilang araw na paghihirap ay nagawa rin namin. Natapos namen. Kitang kita ang ngiti sa mukha ni Maam Esperancilla habang nanonood, pinagmamalaki ang obrang nagawa namin sa mga section na hawak niya. At proud rin kame kasi maganda ang naging kinalabasan. Kahit gahol at kahit sa kalagitnaan ay nawalan ng recordings kasi hindi sapat ang oras. Maganda pa rin ang kinalabasan.

Isa sa mga bagay na hindi makalilimutan ng 9 Laurel. O I mean ng iilan sa 9 Laurel. Hindi ko makakalimutan kase tinry kong ulitin ulit iyon noong senior highschool pero ibang iba pa rin ang 9 Laurel pagdating sa actingan.

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon