GIRLS IV

17 1 0
                                    

Si Mhica Tabilog ay mahilig sa chix at maraming mga kachat na dyosa na prends niya sa facebook. Basta maganda, add or accept agad!

Ni isang bese ay hindi pa siya nakitang nakalugay, lagi siyang nakaponytail or nakabun. Mamamatay ata siya pag hindi siya nag-ipit. djks. Pero pag nakita mo siyang nakalugay ay mashashock ka, kasi dyosa pala ang lola mo. Para makita ang pic stalk niyo siya sa fb.

Siya yung akala mo siga pero mabait naman pala, sadyang hindi lang talaga magpapahuli sa mga away. Matapang ba kung baga.

Maingay. Kanta ng kanta 'yan, bumibirit pa kkahit napapso na gora pa din. One time nga habang kumakanta siya ay biglang umulan eh, napakaepic nun. Masaya siyang kasama, kasi maharot at makulit. 

Tapos tamad din 'yan parang walang pake, minsan lang pumasok sa klase. Oo nga't hindi siya palaging pumapasok pero gala 'yan, tinalo pa si dora sa paglakwatsa. Kung saan saang lupalop ng earth napupunta. 

Malaki din ang utang na loob ko ke Mhica kasi hindi lang siya naging mabait at mabuting kaibigan sa akin kundi naging malaki rin ang part o role niya para maisulat yung lovestory ko. Siya ang nagbigay ng pluma at papel at hinayaan kami na simulan ang kwento namin. (eww yak lande.) 

Si Laiza O. Angeles naman ang kpopper na adik na adik sa EXO at asawa niya daw si D.O. Siya rin yung chubby pero ''sexy'' DAW. Anbilibabol. Djks. 

Oo, chubby siya. Lab na lab kasi siya ng mamu niya, hindi siya pinapabayaan at lagi siyang inaalagaan. Obvious naman sa kanya eh. Healthy healthy niya .  Parang sumo wrestler na nga eh. Peace yow. Pero wag ka, kahit chubby 'yan malakas ang dating niyan, maraming mga lalake din ang nagpapakandarapa para sa kanya. Pero syempre ni isa wala siyang sinagot kasi nga study pers at strict ang parents. lol

Yung type ng pagkachubby niya ay yung bagay talaga sa kanya. Kahit hindi siya ganoon kapayat, ay mas maganda pa nga siya kesa doon sa mga payat mismo. Talo pa niya sila. Talsik sila bwahaha. 

Selfie lord din. Mahilig mag selfie at magmusically or musical.ly or whatever. (noong uso pa yon kaso laos na ngayon) Peymus na nga siya eh, snob na. Tsk. HI ako nga po pala yung kaibigan mo nung 3 pa lang likes mo, ako yung naglalike ng mga posts mo at tatlong account ko pa gamit ko.  

Mabait din naman 'yan, hindi nga lang halata kasi natatakpan ng mga fats, lol jk. Pero, seryoso, oo mabait 'yan. Naging kaklase ko siya nung grade 7, silang dalawa ni Kenneth. Sila yung nagactivate o naglabas nung pagkahyper ko. Kung dati ay para akong pipi sa sobrang tahimik pero dahil sa kanila ay natuto akong dumaldal at nasobrahan ata. Halos hindi kami mapaghiwalay na tatlo nun, at magkasama sa mga kabaliwan pero kung mahuhuli ay iwanan. De biro lang. 

At dahil nga matatakutin si Laiza, ay lagi naman siyang tinatakot, pinakanatatkot siya sa sadako, kaya nga pag nagsasadako ako ay agad siyang pumipikit. Masaya siyang pagtripan kasi epic yung reaksyon niya. 

Pero syempre, wala namang permanente sa mundo. Lahat ay magbabago, Change is inevitable, hindi maiiwasan o mapipigilan kung baga. Maraming nagbago, naging snob na sa isa't isa. Nagkawatak watak na. Lahat na lang ay nasa memorya, hindi na mababalikan hanggang alaala na lang. Oymayghad  Nagddrama na si aketchiwa, OKAY! let's move on to the ader person na.

Si Jhona Mae Tactay naman ay katulad rin ni Laiza, chubby rin siya pero hindi sexy, chubby lang. Oink Oink. Lol jk peace. Siya ay yung bebe ni John Joshua o jeyjey. Sila yung tipo ng magkasintahan na akala mo ay magnanay lang. Ohmaygahd incest. Peace tayo diyan mga pre. Pero sila yung mag kasintahan na ano...magkasintahan YOWN HAHAHA. Bakit ko ba dinidescribe silang dalawa eh, si jhona lang naman. Okay okay okay.  Sino nga ba si Jhona? Actually 'di ko naman siya gaanong close, kaibigan siya ng jowawiz ko, tapos dahil rin sa kanya kung bakit naging kami ni ano (YIEE LANDE). Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait naman (di lang ako sure) at madaldal sobra. At katulad ni Rairai ay adik din sa wattpad. Puro spg laman ng library niyan! LOL djks basta adik din siya wattpad na kaya siguro pwend sila ni rairai kasi siguro pareho nilang alam yung chuchu chernes na mga magkakapatid na di ko alam HAHAHAHA basta yown. Di ko siya gaanong close kaya di ko rin siya gaanong madescribe. Mahirap pigain sa utak mga bessy! 

SO move on na tayo ! 

Ang dalawang mighty mouse naman ng 9- Laurel (mighty mice dapat kasi plural but whatever) naman ng 9-Laurel ay sina Mary Jane Soloriano at JN Quiatchon.(Si JN  na tinamad yung magulang niya sa pagbigay ng pangalan niya kaya dalawang letter na lang.)Pero bakit kamo ganun sila? Kasi nga kahit maliit ang height nila wag na wag mong mamaliitin ang kakayahan nila, tandaan mo mas malapit sila sa impyerno kaya ingat ingat din. 

Hindi naging hadlang ang kanilang height para magkaroon o magtaglay ng mga nakakabilib na talento. Si JN na magaling sa pagguhit, napakaartistic niya. Si Mary Jane naman na maliit man ang itsura pero malaki naman ang utak, matalino siya, pareho sila ni JN.  Hindi sila magpapahuli pagdating sa recitation at quizzes. Pareho silang may matataas na marka at angat sa klase.

Pero hindi lang sa academics sila magaling kasi pareho din silang magaling kumanta. Bumibirit pa nga eh, maala whitney houston at celine dion ang peg nilang dalawa. Perfect tandem. 

Kaya wag na wag mo silang kakalabanin kasi maliit man sila sa iyong paningin kayang kaya ka pa rin nilang pabagsakin.

Ang huli ay si Raiza Bunag Victoria. Hindi ko na hahabaan pa, baka kasi maging nobela pa. Welp, si Rayzuh ay yung kapre nakasing puti ni snow white na may matangos na ilong na kinaiingitan ng marami. Matalino pero tamad. Maldita na kung magmura ay mas malutong pa sa bagong lutong chicharon. Abusive, kasi kung ikaw katabi niya lagi kang may pasa at sugat sa katawan. Mahilig kasi mamalo, mangurot, manampal at kung ano ano pang pananakit. Doon naman siya magaling eh, ang manakit. *insert sad face* Charot! jk lang. 

Nakakatakot siyang magalit, as in, sobra talaga. Para bang pag nagalit siya, napakalutong ang mura ang ibibigay niya sa'yo, yung mura na tagos sa heart at iisipin mo por da res op yur layp. Tapos nakakamatay yung titig niya. Kaya pag nagalit siya, mag shield ka na or tumakbo ka na.

At kahit na napakamaldita niya, may pagkaisip bata rin naman siya, na di mo aakalain na ang laking ta- yokai i mean, tapos isip bata kung kumilos. Napakaharot. Akala mo nakakain ng isang drum ng asukal. Tapos, adik siya sa wattpad. Mahilig siyang magbasa, katulad nga ng sabi niya ayaw niya nang nanonood mas bet niya pagbabasa. Naks. Adik rin siya sa one direction, at ayon nga sa kanya, asawa niya si Niall Horan which i found so hilarious. But okay sige, anyone can dream. *laughs hysterically* 

Maingay, malakas boses kung dumaldal, nakakain kasi ng mic. Makabasag tenga kung sumigaw. Singer, sa banyo djks. Magaling siyang kumanta at napakasoothing ng boses niya yung pagka narinig mo siyang kumanta ay para kang aatakihin sa puso. Nakakainlab kasi. (nagbreak kami eh pero its all tru naman. shes a good person HAHAHHAHAHHA) 

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon