Girls II

32 3 2
                                    

Si Rhaia Jane Sahot ay yung sergeant at arms na tagapagsaway dapat pero pati siya mismo ay nakikisali o minsan naman ay pasimuno rin ng ingay. Halos lahat kasi kavibes niya.

Siya din yung chubby nga pero malakas ang dating. Maraming mga lalake ang nagkakandarapa para sa kanya at katulad nga ni Armil, richkid din siya. Biruin mo nagdala ng isang sako na chichirya noong fieldtrip.

Pasaway, madaldal, maharot at makulit si Rhaia pero masarap at masaya din naman sya kasama. At sa pagkaobserve ko sa kanya, siya yung tipo ng tao na sensitive, fragile ba kung baga pero at the same time fierce. Sensitive pero handa sa kahit anong laban. 

Mabuti rin siyang kaibigan, nandyan siya para sa kaibigan niya at nandyan din sila para sa kanya.

Ang ORIGINAL dancer naman ng 9-laurel ay si Christina Deorico, yung mas malambot pa sa gelatin kung kumembot, at kung sumayaw ay todo bigay talaga, halos matanggal na kaluluwa niya, siya rin yung choreographer namin nung zumba.

Kahit nga na naging magkaklase kami noong grade 8 at pati na rin ng grade 9, wala pa rin talaga akong masasabi tungkol sa kanya hindi naman kami ganoong nakapagusap, in simple terms, di kami close.

Pero kung ipapadescribe mo naman sa akin ang mga physical attributes niya welp...maputi ang kanyang balat, maliit ang mga mata chinita kung baga, payat din siya pero hindi naman ganoong kapayat, at syempre ang huli, maganda siya. (enge dos, pandagdag para mapuno na alkansya ko) 

Si Janine Silos naman ay isang patunay na ang ganda ay hindi sa kung ano ang kulay ng balat mo kasi oo nga't katulad ni jeffric ay hindi rin siya gaanong biniyayaan ng kaputian ng diyos pero wag ka kasi bumawi naman ito sa mukha niya, hindi siya pinagdamutan ng kagandahan at para bang nasobrahan pa. Siya yung maituturi mong morenong dyosa. Pakgay-on! 

Ang tatlong bibe na ito ay nakita ko sa kanto na nagttwerk kasama ni antonio, lol jk. Ang tatlong dilag na ito ay magkakatropa, tres marias in other words. Maliban sa sila'y mga babae, may pagkakatulad naman rin sila maliban dito, example na nga lang ang hilig nila kumuha ng "selfie"

Selfie here, selfie there, selfie everywhere. 24/7 na nakatutok ang kamera sa mukha nila at post sa facebook or instagram nila kung maganda ang pagkakuha nila. Syempre, hinid literal na 24/7 mismo na nagseselfie sila, iba na 'yon, tanga mo naman kung niliteral mong talaga. Pero oo, lagi silang nagseselfie, selfie lord kasi. Expert na talaga sila. Alam nila kung paano umanggulo, kung anong filter ang dapat gamitin at kung ano pang kaekekan para lang makamit ang "perfect selfie" para sa insta. May mga degree na nga ata sila dito eh. 

Pero walang namang masama sa pagkuha ng litrato sa kung ano ang gusto mo, maging mukha mo man ito o kahit ano. Wala ng pake ang mga tao don, gawin mo lang kung ano gusto mo kasi in the end mamamatay din naman tayo lahat at lahat naman din ng bagay walang meaning, djks lol 

Just do what you love and don't mind the haters. 

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon