Mini Concert

8 1 0
                                    

Pagsamahin mo lang sina Dave, Romeo at ang isang Gitara, mayroon ka ng mini concert sa room. KAsi sa tuwing nagdadala ng gitara si Dave ay malalaman mo na, na kapag walang teacher or kapag recess ay mag jajamming sila, especially silang dalawa Romeo. O di kaya kung me performance sa isang subject ay matitiyak mo na duo sila. Hindi mapaghiwalay. Pero syempe hindi lang naman si romeo ang bokalista ng banda, kasi me iba pa namang mga nakikisali na nakikisabay lalo na kung alam yung kanta. Noong minsan nga ng nasa front row ako noong nagjajamming sila ,hindi ko mapigilang mamangha. Una, dahil sa kakayahan ni Dave na patugtugin ang gitara, pro na pro talaga. Pangalawa, ke romeo na todo todo bigay sa pagkanta, na me facial expressions pa, nakapikit pa basta ganun. Pero syempre dun sa concert na yon me laptrip ding nangyari, nang pabirit na si romeo bigla siyang napiyok. Natawa talaga kami nun, pero syempre kahit me pagkakamali tinawanan na lang at tinuloy pa rin ang concert hanggang sa dumating na ang titser. Silang dalawa ay tandem talaga, para bang sila yung tyler joseph at josh dun ng laurel. Wait, di niyo kilala silang dalawa? Ohemgee. Silang dalawa yung sa twenty one pilots. Basta sila. Mahal ko silang dalawa. *insert heart eyes emoji here*

LauREALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon