CHAPTER 3:

646 19 0
                                    


HALOS walang lakas si Zeal ng makarating sa condo na dati niyang tinirhan. Mariin siyang napapikit ng mahagip ng kanyang paningin ang itim na plastic bag. Mabilis siyang tumayo at itinago ang bag sa isang cabinet. Pinagmasdan niya ang nanginginig na kamay. Muli niyang naalala ang tila 'riddle' na sinabi ng suspek.

"Ako ay may lobo, lumipad sa langit. 'Di ko na nakita, pumutok na pala." sambit ng binata. Nasapo niya ang sariling noo. Ano na naman kaya ang mahahanap niya ngayon? Buong paa? Katawan o ulo? Ngunit muli niyang pinagana ang isipan upang resolbahin ang sunod na ibinigay ng suspek.

"Ako ay may lobo. Lobo? Lobo? Lumipad sa langit? Pumutok?" sambit niya ng paulit-ulit. Parang sasabog na ang kanyang ulo sa pag-iisip. Tila naririnig niya ang pag 'tiktak' ng orasan. Tumatakbo ang oras ngunit heto siya, nakaupo at hindi alam ang gagawin. Dalawang oras na naman ang lumipas at lalong naging limitado ang kanyang oras. Hanggang sa nagpasya siyang tumayo at umalis. Paulit-ulit na binabanggit ang clue na ibinigay ng suspek.

Umaangil ang motorbike ni Zeal. Habang nagmamaneho, pilit niyang inalala ang mga sandaling kasama niya si Amira sa university. Ngunit biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil isang kotse ang makakasalpukan. Mabilis niyang iniiba ang takbo ng motorbike. Bahagya siyang nawalan ng balanse at nagpagiwang-giwang ang takbo ng motor. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyang maging maayos ang takbo ng motor. Huminto siya sa tabi at nagpakawala ng ilang malalim na buntong-hininga. Nilingon niya ang pinanggalingan at nakitang nakahinto din ang kotseng muntik ng makabangga. Bumaba siya ng motor at lumakad palapit sa sasakyan. Biglang tumunog ang kanyang phone. Ibang number na naman ang caller.

"Masyado mo ng naaksaya ang limitadong oras mo. Tingin mo ba ay nagbibiro ako?" wika ng nasa kabilang linya.

"Hayop ka! Harapin mo na ako! Magtuos tayong dalawa! Kung sino ka man!"

Isang mataginting na halakhak ang pinakawalan ng nasa kabilang linya. "Hindi pa napapanahon. Huwag kang mag-alala at dadating din tayo d'yan. Sa ngayon lutasin mo ang ibinigay ko. Tandaan na tumatakbo ang oras." sabi ng nasa kabilang linya. Pinatay muli nito ang tawag.

Gusto ng ibato ni Zeal ang hawak na phone sa ng sobrang galit. Napabaling ang tingin niya sa kotse. Napansin niya ang paglabas ng isang kamay na tila kinawayan pa siya. Napabilis ang lakad ng binata upang agad na makalapit sa sasakyan. Ngunit muling umandar ang sasakyan hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ni Zeal ang sasakyan.

Isang malakas na sigaw ang kumawala sa binata. Wala talaga siyang maisip na dahilan o nakaaway para pahirapan siya ng ganoon.

Muling sumakay sa motorbike si Zeal. Itinuon niya ang atensyon sa clue na ibinigay ng suspect.

"Ako ay may lobo, lumipad sa langit. 'Di ko na nakita, pumu..." napahinto sa pagsasalita ang binata. Naalala niya ang isang eksena kung saan tinulungan niya ang isang kaklase na magpropose para sa gusto nitong ligawan. They used small heart shape balloon. Pero nagkaroon ng problema dahil lahat ng balloon ay pumutok na si Amira ang may gawa. "Sa likod ng gym!" bulalas niya. Agad na pinaharurot ng takbo ang motorbike at nagtungo sa dating university na pinasukan.

"SIR, kailangan po ng gate pass bago kayo makapasok sa loob." wika ng guard ng magtangkang pumasok si Zeal.

Walang nagawa si Zeal. Naging mahigpit na ang seguridad sa naturang unibersidad. Bahagyang napaawang ang kanyang bibig ng maalala ang bakod na madalas nilang tawirin ni Almira kapag gusto nilang mag-cutting classes. Mabilis na sumakay sa motorbike ang binata at tinahak ang patungo sa likuran ng university. Napailing si Zeal ng makitang may alambre na ang naturang bakod. Hanggang sa makita niya ang ilang estudyante na lumabas buhat sa gate. Walang guard sa gate na iyon kaya malayang nakapasok ang binata. Malaki man ang naging improvement ng dating pinasukan, malinaw pa din sa isipan ni Zeal ang daan patungo sa likod ng gym.

"Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumutok na pala." muling sambit ng binata. Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang isang naputok na lobo na nakapatong sa isang trash bin. Binuksan ni Zeal ang trash bin at hindi maiwasang muli iyong takpan. Isang buong paa, kasama ang binti ang kanyang nakita. Napaluhod ang binata. Nagsimula siyang maduwal kahit walang lumalabas sa kanyang bibig. Muli, tumunog ang kanyang phone at ibang numero na naman ang caller.

"You found it! But, it takes too many times bago mo nahanap ang next missing piece. You better move faster bago pa maubos ang oras mo. Ah, hindi nga pala basta mangangamoy ang mga parteng nakuha mo na. You don't have to worry. I'm too kind, right?" wika ng nasa kabilang linya.

"Gusto kong makausap si Amira."

"Gustuhin ko man na ipakausap siya sa'yo, hindi p'wede. Mahimbing pa din ang tulog niya."

"Hayop ka! Ano'ng ginawa mo kay Amira? Gusto ko siyang makausap!"

"Wala pa kaya mapanatag ka d'yan. All you have to do is to complete all the body parts and find out who's that person."

"Ano ba talaga ang naging kasalanan ko sa'yo? Bakit mo ako ginaganito?"

"Soon. You will find soon. Huwag mong ubusin ang oras sa pag-chi-chitchat sa akin. Hurry and take that part so I can give you the next clue.

"Ba..." hindi naituloy ni Zeal ang nais pang sabihin dahil and 'end tone' na ang kanyang narinig. Gustuhin man niyang tumakbo at takasan ang nangyayari, hindi niya magagawa. Nanganganib ang buhay ni Amira sa kamay ng baliw na taong iyon.

Agad na kinuha ng binata ang itim na plastik bag at isinilid doon ang parte ng nakatawan na nasa loob ng trash bin. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Inilinga niya ang paningin sa paligid upang makasiguradong walang sinoman ang makakakita sa kanya. Mabilis siyang sumakay sa motorbike at nilisan ang lugar na iyon.

NANG makarating sa condo, agad na inilagay ni Zeal ang itim na plastic bag sa loob ng cabinet. Mabilis na din niyang isinara ang cabinet at nanghihinang napasandal sa dingding. Sa muling pagtunog ng kanyang phone, ang numero ni Abrix ang nasa screen. Ilang minuto din ang lumipas bago niya sinagot ang tawag ng kapatid.

"Kuya, nasaan ka? Ano na ang nangyari sa'yo, ha?" agad ay tanong ni Abrix buhat sa kabilang linya.

"O-okay lang ako."

"Nasaan ka? Pupuntahan kita. Sinabi ko na sa'yo na hinahanap na ng mga pulis si Amira. Kailangan mong magpahinga."

"Okay lang talaga ako. Ililigtas ko si Amira. Ako lang ang makakapagligtas sa kanya." wika ni Zeal.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi ko pa maipapaliwanag sa'yo lahat. Basta sa ngayon, maghintay ka lang at sasabihin ko sa'yo kapag kailangan ko ang tulong mo."

"Kuya, ano'ng nangyayari, ha?"

Hindi agad nakasagot si Zeal dahil sa 'incoming call' na sigurado niyang sa baliw na suspek galing. "Bye! I don't have much time to waste." aniya at agad na pinatay ang tawag ng kapatid. "Hello." wika naman niya ng sagutin ang tawag buhat sa 'unknown caller'.

"Did you have a nice chat to your brother?" tanong buhat sa kabilang linya.

"Paano'ng..."

"Didn't I tell you that I have my eyes on you? Kahit ang paghinga mo ay nakikita ko. Huwag mo ng hingiin ang tulong niya kung ayaw mong pati ang kapatid mo ay idamay ko."

"Hayop ka! Sino ka ba talaga? Ano ang naging kasalanan ko sa'yo?"

"You better shut your mouth bago ko pilipitin ang leeg ng nobya mo! Baka mapadali ang oras ng kamatayan niya!" sigaw na wika ng nasa kabilang linya.

"H-huwag!"

"Good boy. So, ready kana para sa next clue?"

"O-oo!"

"Kung ganyan ka ba naman.lagi, magkakasundl tayo. 'Bubuka ang bulaklak
Papasok ang reyna
Kumekendeng-kendeng pa.' Bilisan mo ang kilos. Apat na bahagi pa ang kailangan mong mahanap. Thirty three hours left." sabi ng suspek bago nito pinatay ang sariling tawag.

Pinag-aralan ni Zeal ang buong condo. Kung tama ang sinabi ng suspek na nakikita nito ang bawat kilos niya, maaaring may hidden camera sa condo niya. Napapikit ng mariin ang binata. Kailangang niyang panatilihing panatag ang sarili. Isa lang ang sigurado niya, kilala na niya noon pa ang salarin. Ang mga pangyayari noon, natitiyak niyang andu'n ito. Ngunit sino? Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling umalis upang hanapin ang next clue.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon