CHAPTER 6:

500 20 0
                                    


   

UNTI-UNTING nagkamalay si Zeal. Pinakiramdaman muna niya ang sarili bago kumilos. Bigla niyang naalala ang nangyari. "Nasaan ako?" tanong niya ng mapagtantong wala siya sa rooftop kung saan siya nawalan ng malay.

"Welcome to my world!" buhat sa speaker ay narinig ng binata.

"Ikaw! Nasaan ka? Magpakita sa sa akin! Nasaan si Amira?"

"No! No! No! One at a time, okay? Tama, ako nga ito. Nandito lang ako sa aking trono habang pinagmamasdan ka. Hindi pa ito ang oras para magkita tayo. One more step para makita mo si Amira. Ready kana ba? Maraming oras ang naubos dahil d'yan sa kaartehan mo. Kaya nagpasya ako'ng nabawasan ang natitira mo pang oras. Eight hours ka ding nakatulog, so, ibabawas ko din ay eight hours sa oras mo. Twenty four minus sixteen is equals to eight! Kaya walong oras na lang ang natira sa'yo."

"Then, 'wag mong aksayahin ang oras ko. Mas mabuti nga 'yan, eh. Mas mapapalapit ang pagkikita natin. Tutal laro mo ito and I'm just your follower. Pero huwag mo ako'ng maliitin. Sisoguraduhin kong ako mismo ang papatay sa'yo!"

"If that's the case, we will start our next game. Mas madali lang ito kesa sa mga naunang laro natin. Dahil ang larong ito ay ang paborito nating laro, ang motor racing. Ang dapat mo lang gawin ay manalo. Dahil kapag natalo ka, wala ka ng pagkakataon na mailigtas ang nobya mo. I will kill you, immediately. Pero kapag nanalo ka, papatayin sa harap mo ang tinalo mong kalaban. Fair, right You have to win, no matter what."

"Hayop ka talaga! Dadating din ang oras ng kamatayan mo!"

"I know. Pero sa ngayon, kamatayan muna ninyo ang paghahandaan ko. Hindi mo kailangang mangamba sa oras, dahil sa larong ito, walang nakatakdang oras. All you have to do is to win, that's all."

"Fine. Sino ang makakalaban ko?"

"Lumabas ka sa k'wartong kinaroroonan mo. Sa field kung saan madalas kang magpractise, naghihintay doon ang taong makakalaban mo. Goodluck!"

Napakuyom na lang ang kamao ni Zeal. Mabilis siyang lumabas ng k'wartong iyon. Pinagala niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, pagdaka'y tuluyan ng lumabas at tinungo ang motorbike na naghihintay na upang sakyan niya. Bakas sa mukha ng binata ang labis na galit na nararamdaman. He already did everything. Isa na lang at makikita na niya si Amira kaya hindi siya basta magpapatalo sa laro ng demonyong baliw na taong iyon. Halos umangil ang motorbike ng binata dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Isa lang ang nasa isipan niya, mananalo siya at naililigtas na si Amira.

ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zeal bago tuluyang pumasok sa motor racing field. Pinagala niya ang paningin upang hanapin ang taong kanyang makakatunggali.

"Kuya Zeal! Kuya!" buhat sa likuran ay narinig ng binata. Nang lumingon siya, ang nakangiting si Abrix ang kanyang nabungaran.

"A-abrix, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ha? Nagpadala ka sa'kin ng messege. Pinapapunta mo ako dito. Nakahinga ako ng maluwag ng kontakin mo ako. Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko sa'yo." ani Abrix.

"No! Umalis kana dito, Abrix!" sigaw ni Zeal.

"K-kuya, ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Please, Abrix, umalis kana dito. Patibong lang ang lahat. Parang awa mo na! Ayokong mapahamak ka!" hinawakan na ni Zeal ang balikat ng kapatid.

"K-kuya!" hindi maikakaila ang pagkalito sa mukha ni Abrix.

Buhat sa malaking screen na nasa harap mismo ng magkapatid, biglang lumitaw ang imahe nina Baby at Amira. Parehong nakatali ang mga ito.

"A-amira,"

"Baby,"

Halos sabay na anas ng dalawa.

"Abrix, huwag kang maniwala sa kanya. Ginagamit lang niya ang kahinaan mo. Si Amira ang tunay na bihag niya!" ani Zeal.

"P-pero, sinabi mo sa mensahe na idaan ko si Baby sa lugar na sinabi mo bago ako magpunta dito." wika ni Abrix.

"Ano? Shit!"

"Kuya, ano ba ang nangyayari, ha? Bakit nagtext ka pero parang hindi mo alam? Bakit ganyan ang ayos nina Baby at Amira?" halata na sa boses at mukha ni Abrix ang pagkabahala.

"Magkuk'wentuhan na lang ba kayong magkapatid? Wala ba kayong balak na iligtas ang inyong mga kasintahan?" salitang nagmula sa salarin.

"Sino 'yun?" tanong ni Abrix.

"Hayop ka talaga! Hanggang saan aabot ang kasamaan mo? Magpakita ka sa'kin, demonyo ka!" halos mapatid ang litid ni Zeal dahil sa sigaw na 'yun.

"Since alam na ni Zeal ang rules ng laro, uulitin ko ulit para sa'yo Abrix. All you have to do is to win. Ang matatalo ay mamamatay sa harap mismo ng nanalong katunggali. Kasabay ng pagkamatay ng isa sa inyo, ay pagkamatay din ng inyong kapareha. Ready na ba kayo?"

"What? Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong na naman ni Abrix.

Napapikit ng mariin si Zeal. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa kanya.

PALIPAT-LIPAT ang tingin ni Amira sa monitor kung saan nakikita niya sina Abrix at Zeal. At ang monitor kung saan andu'n si Baby. Sa tingin niya, sa pagkakataong iyon ay bihag na talaga ng suspek ang dalaga. "Konti na lang. Please, makisama ka." bulong ng dalaga sa sarili. Pinipilit niyang maalis ang tali sa mga kamay sa paraang hindi maghihinala ang salarin. Ngunit kailangan niyang malaman kung nasaan si Baby. "Hang on, Zeal and Abrix. Sabayan lang ninyo ang laro niya." nasa isipan pa ng dalaga.

NAPALUNOK ng ilang beses si Abrix. Napatitig siya sa kapatid. Halata ang labis na pagod at paghihirap nito. Naibaling din niya ang tingin sa nobya. Nakatali ang paa at kamay nito habang may takip ang bibig. Ano na ang gagawin nilang magkapatid? "Kuya!"

"Let's race!" may diin sa tinig ni Zeal.

Napatitig si Abrix sa mga mata ng kapatid. Nabanaag niya ang salitang 'magtiwala ka sa'kin'. Kaya isang tango ng pagpayag ang kanyang naging tugon.

"THERE you go!" wika ng salarin. Isang mataginting na halakhak ang pinakawalan nito.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon