CHAPTER 14:

564 22 0
                                    


AGAD NA dinala ni Abrix si Zeal sa bahay kung saan tanging siya lamang ang nakakaalam.

"Kuya, dito ka muna. Kailangan mong magtago."

"May balita kana ba sa kinaroroonan ni Amira?"

"Wala pa. Pero patuloy ang mga taong inupahan ko sa paghahanap."

"Kailangang makita natin agad sila. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari ngayong nalaman na ng salarin na hinahanap natin sila." Nanatiling nakakunot ang noo ni Zeal.

"Kuya, siguado ka bang magiging okay ang lahat para sa'yo?"

"Huwag ako ang alalahanin mo. Kaya ko ang sarili ko. Ang kailangan nating gawin ay iligtas si Amira sa taong 'yun."

Hindi na nagsalita pa si Abrix. Ngunit bakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala sa delikadong sitwasyon na pinasukan ng kapatid.

QUEZON...

"Sigurado ka ba na nakita mo ang taong ito?" Tanong ng detective sa isang lalaking napagtanungan. Pasado ala-una na ng madaling araw ng mga oras na iyon. Hindi huminto ang detective hanggat hindi nakakakuha ng impormasyon. Nakita niya ang lalaki na tila kahuhulas lang buhat sa pagkakalasing.

"Oho. Madalas siyang dumaan dito bago at pagkatapos magtungo sa bayan."

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?"

"Hindi po. Pero ang daang iyon ang lagi niyang tinatahak." Wika ng lalaki sabay turo sa tinutukoy na daan. Bagamat may tama pa ang alak na nainom niya, sigurado naman siya sa sinasabi.

"Okay. Maraming salamat." Minabuti ng detective na taluntunin ang daang itinuro ng lalaki. Inilawan niya ang dadaanan at base sa kanyang nakikita, sa mga nalantang dahon dahil sa madalas na pagkakaapak, nasigurado niyang totoo ang impormasyong ibinigay ng lalaki. Patuloy sa paglalakad ang detective hanggang sa mapahinto siya at mapakubli. Isang bahay ang kanyang nakita. Bukas ang ilaw kaya nakasigurado siyang may tao sa loob ng bahay. Agad na kinuha ang phone at tumawag ng back up.

"ANO? Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?" Napatayo si Abrix ng marinig ang ibinalita ng detective na nasa Quezon.

"Hindi pa kumpirmado kung iyon nga ang bahay na pinagtataguan ni Fred. Pero malaki ang posibilidad dahil sa nakausap kong nakakita sa lalaki. Malapit ng dumating ang back up na tinawagan ko. Bukas ang ilaw ng bahay kaya natitiyak kong may tao sa loob."

"Okay! Bibiyahe na din ako papunta d'yan. Huwag na huwag mong aalisin ang tingin sa bahay. Naiintindihan mo ako?"

"Okay, Mr. Abrigo."

"Anong sabi?" Agad ay tanong ni Zeal ng ibaba ni Abrix ang phone na hawak.

"Mukhang natunton na nila ang pinagtataguan ni Alfred."

"Kailangan na nating magtungo doon! Hindi na ako makapaghihintay ng liwanag ng paligid."

"Okay." Tanging sagot ni Abrix. Kinontak niya ang taong kinausap para ihanda na ang helicopter na sasakyan nilang magkapatid patungong Quezon. Matagal kung bibiyahe sila gamit ang sasakyan. "Tayo na. Kailangan na nating magtungo sa lugar kung saan bababa ang helicopter."
"Okay." Nagbihis muna si Zeal ng damit bago sila tuluyang umalis na magkapatid.

MADALING araw na ngunit gising pa din si Fred. Magdamag niyang inasikaso ang pag-alis nila ni Patricia. Kung sino-sinong kalilala ang kanyang kinontak at hiningian ng tulong hanggang sa makumpleto ang nabuong plano. Hindi na siya maghihintay ng isa pang araw. Oras na lumiwanag ang paligid, gigisingin na niya si Patricia at magsisimulang mag-impake. Ipipikit na sana niya ang mga mata ng biglang lumiwanag ang pulang ilaw. Napabalikwas siya ng tayo at sumilip sa labas ng bahay. Naglagay siya ng pinong wire sa paligid ng bahay at sa kaunting distansyang malapit sa kakahuyan. Nakakonekta ang wire sa pulang ilaw. Ibig sabihin, may nakapatid sa wire kaya umilaw iyon. At naningkit ang kanyang mga mata dahil ilang liwanag na sa tingin nita ay galing sa flashlight ang ngayon ay papalapit sa kanyang bahay. "Natunton na kami!" Sigaw ng kanyang isipan. Mabilis niyang tinungo ang k'warto ni Patricia at ginising ito.

"Hmm. Bakit?" Pupungas-pungas na tanong ni Patricia.

"Kailangan na nating umalis dito ngayon." Bulong ni Fred.

"Ha? Bakit?"

"Shhhh." Tinakpan ni Fred ang bibig ng asawa. "Saka na ako magpapaliwanag. Sa ngayon, sundin mo na lang ako at huwag ng magtanong pa."

Naguguluhan man, minabuti ni Patricia na sundin ang nais ni Fred. Para silang magnanakaw na payukong kumilos sa loob ng bahay. Sa may kusina sila nagdaan. Ang pintuan papuntang likuran. Naapakan na nila ang bawat tanim sa pagmamadaling makaalis.

SINENYASAN ng detective ang ilang kasama na paligiran ang bahay ngayong malapit na sila. Maingat at walang ingay.

"Sir, nakatakas na sila! Dito sa likod dumaan!" Sigaw ng isang tauhan.

"Shit!" Anas ng detective. Sinipa nito ang unahang pintuan. At natuklasang wala na ngang tao sa loob ng bahay. Ngunit base sa makalat na higaan, may nakatira nga sa bahay na iyon. Nakutuban ang kanilang kilos. "Hanapin ninyo! Hindi pa sila nakakalayo!" Gigil na gigil ang detective. Mapipilipit niya ang leeg ng Fred na 'yun oras na mahuli niya.

SAMANTALA...

Kabababa lang ng helicopter na sinakyan nina Abrix at Zeal. Medyo may kalayuan ang lugar na iyon sa lugar na kinaroroonan ng salarin. Ngunit naghihintay na ang motorsiklong sasakyan nilang dalawa. Ipinaayos lahat ni Abrix ang kanilang gagamitin na magkapatid.

"Tayo na!" Sigaw ni Zeal.

"Okay!" Ganting sigaw ni Abrix. Sabay pa silang sumakay sa nakahandang motorsiklo. Sinenyasan lang nila ang piloto ng helicopter bago tuluyang umalis.

Halos paliparin ng magkapatid ang motorsiklo sinasakyan makarating lang sa patutunguhan. Ang motorsiklo ay may navigation key kung saan nakakonekta sa phone ng detective. Ang pulang ilaw ang ay ang mismong kinatatayuan ng detective.

Ilang sandali pa ang lumipas, narating ng dalawa ang lugar. May naghihintay ng tao sa kanila upang ituro ang bahay na pinagtataguan ng salarin.

"Nahuli na ba si Fred?" Tanong ni Abrix sa taong sumundo sa kanila.

"Hindi pa ho. Sa narinig ko, nakatakas ang suspek."

"Ano? Paano nangyari iyon?" Nagsalubong lalo ang kilay ni Zeal.

"Nang inspeksyunin ang bahay, natuklasan na may mga wire na in-set sa paligid na nakakunekta sa loob ng bahay. May pulang ilaw na nagsisilbing babala kung sakaling may nakapatid ng mga wire." Paliwanag ng lalaki.

"Shit! Kailangan na nating magmadali!" Sigaw ni Zeal.

Sinenyasan ni Abrix ang lalaking magpatiuna at susundan nila. Napahinga siya ng malalim ng makitang tumakbo na ang kapatid.

"ANONG balita? Nakita na ninyo sila?" Tanong ni Abrix ng makita ang detective na inupahan. Bahagya pa itong humihingal dahil sa ginawang pagtakbo makarating lang agad sa pakay na lugar.

"Pasensya na, Mr. Abrigo."

Napabuntong-hininga si Abrix. Nakita niya ang kapatid na hawak-hawak ang damit na pambabae. Napaghinuha niyang iyon ay gamit ni Amira.

Naihilamos ni Zeal ang dalawang palad sa mukha. Pinagala niya ang paningin sa k'wartong natitiyak niyang inokupa ni Amira. Tulad ng inaasahan, masinop ang dalaga. Napaupo siya sa iit na kama, kinuha ang unan at sinamyo na tila ba ang dalaga ang naaamoy.

"Hanapin ninyo sila! Hindi tayo p'wedeng mag-aksaya ng oras!" May diing wika ni Abrix.

Biglang lumabas ng bahay si Zeal. Madilim ang mukha at halata ang galit.

"Kuya, saan ka pupunta?"

"Pahiram ng cellphone mo." Wika ni Zeal.

Hindi na nagtanong pa si Abrix. Ibinigay niya ang phone sa kapatid.

Agad na kinuha ni Zeal ang phone at walang pasabing umalis.

"Kuya, saan ka pupunta?" Ngunit hindi na nasagot ang tanong na iyon ni Abrix dahil naglaho na sa diliman ang kapatid.

"FRED, saan ba tayo pupunta? Bakit parang may tinatakbuhan tayo?" Sa pagitan ng pagtakbo ay naitanong ni Patricia.

"Please, wala akong oras ngayon na sagutin ang tanong mo. Kailangan nating magmadali!"

Pasalyang binawi ni Patricia ang kamay buhat sa mahigpit na pagkakahawak ni Fred.

"P-patricia,"

"Pagod na ako. Kung ayaw mong magpaliwanag, hayaan mo akong magpahinga. Hindi ko na kayang tumakbo pa." Bagamat mahinahon ang pagkakasabi ni Patricia, bakas naman ang pagod sa boses nito.

"Patricia, sorry! Pasensya kana sa'kin! Sige, magpahinga muna tayo." Niyakap ni Fred ang asawa upang payapain ang kalooban nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Madilim man, na tanging ang liwanag ng buwan ang kanilang tanglaw, ngunit dahil kabisado na niya ang lugar, alam niya ang tinatahak na daan.

Natahimik si Patricia. Hindi mapalagay ang kanyang kalooban. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

"Okay kana? P'wede na ulit tayong lumakad?" Malumanay na tanong ni Fred.

Tango lang ang naging sagot ni Patricia. Muling hinawakan ni Fred ang kanyang kamay at nagsimula ulit silang maglakad sa masukal na daan.

PATULOY sa mabilis na pagtakbo si Zeal. Panaka-naka niyang tinitingnan ang phone na hawak. Sapat ang liwanag ng buwan upang maaninag niya ang dinadaanan. Matapos tingnan ang phone, tinahak niya ang daan na makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawa. Ilang tawag na din ang hindi niya sinasagot. Nakapokus siya sa paghahanap kay Amira.

"ANONG sabi mo?" Tanong ng detective ng makatanggap ng tawag buhat sa kaibigang pulis.

"Nakatakas si Mr. Zeal Abrigo at nalaman ng mga nakatataas. Ngayon ay nagsagawa na sila ng search operation. Sa narinig ko, naitrack na ang phone ng kapatid nito na si Abrix Abrigo. Hawak mo ang kaso tungkol sa paghahanap sa babaing detective na hinihinalang buhay pa, tama?" Wika ng pulis na nasa kabilang linya.

"Pare, salamat. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap." Agad na pinatay ng detective ang tawag ng kaibigan at binalingan si Abrix. "Mr. Abrigo, nalaman na ng kapulisan ang pagtakas na ginawa ng kapatid ninyo. Kasalukuyan na ding naitrack ang phone ninyo dahil kayo ang unang pinaghihinalaang pinuntahan ni Zeal."

"Oh, my god!" Tanging reaksyon ni Abrix. Hawak ng kapatid ang kanyang phone at tiyak niyang anumang oras ay mahuhuli ito ng mga pulis. "Pahiram ng phone mo." Aniya sa detective. Agad na kinontak ang sariling number ngunit hindi sinasagot ng kapatid ang tawag. "Shit!"

Muling nagring ang phone ng detective. Ang kaibigang pulis ang caller. "Pare,

"Pare, ang buong kapulisan ng Quezon ay binigyan na ng utos buhat sa itaas. Na track na nasa lugar na 'yun naroroon si Mr. Abrix Abrigo. Nasa Quezon ka rin ba?" Pagbabalita muli ng pulis.

"Okay pare, salamat. Tatawagan kita mamaya." Muling pinatay ng detective ang tawag ng kaibigan. "Nabigyan na daw ng utos ang buong kapulisan ng Quezon. Mahuhuli nila ang kapatid mo." Wika nito kay Abrix.

Parang sinisilihan ang pakiramdam ni Abrix. Muli niyang tinawagan ang kapatid ngunit hindi pa din nito sinasagot ang kanyang tawag. "Com'on, kuya! Pick up the phone!"

HUMIHINGAL na si Zeal ngunit patuloy pa din siya sa mabilis na pagtakbo. Hanggang sa ang hinahanap ay matagpuan. "Amira!" Sigaw niya.

Napalingon si Patricia maging si Fred. Kusang huminto ang mga paa ng una.

"Patricia, tayo na! Bilisan mo!" Hinila na ni Fred ang asawa.

"Amira!" Muling sigaw ni Zeal.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Patricia sa dalawa. Amir? Patricia? Sino siya talaga?

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon