CHAPTER 4:

559 22 0
                                    

   

UNTI-UNTING nagmulat ang mga mata ni Amira. Ramdam pa niya ang pagkahilo ngunit pinilit pa ding pagalatin ang paningin sa kinaroroonan. Ang pagtangkang pagkilos ay nawalan ng saysay ng mapagtantong nakatali ang dalawang paa at kamay, maging ang kanyang katawan sa malaking tubo. Noon niya nakita ang iba't-ibang screen na nasa kanyang harapan. May isang taong nakaupo patalikod sa kanya. Nakajacket ito na itim na maging ang hood ay nasa ulo. Pinilit ng dalagang gumawa ng ingay upang makuha ang atensyon nito.

"Gising kana pala. Kamusta?" tanong buhat sa taong iyon.

Gusto mang magsalita ng dalaga ay hindi niya magawa. Ngunit ang boses ng taong iyon ay hindi ang tunay nitong boses. May application sa internet na maaring baguhin ang boses ng isang tao. Minsan na nilang nagamit iyon noong may iniimbestigahan sila.

"Don't waste your time. Samahan mo na lang ako'ng manood." wika pa ng misteryosong taong iyon.

Ibinaling ni Amira ang paningin sa screen na pinalaki at nakita niya si Zeal. Muling nagpumiglas ang dalaga. Ang lahat ng anggulo ng condo nang binata ay may hidden camera. At may isang computer din kung saan nagla-log ang bawat aktibidades ng phone ni Zeal. Calls and messeges. Isa din na nagdedetect kung nasaan ang eksaktong kinaroroonan ng binata. At ang kamangha-mangha, maging pagmamaneho ng binata sa motorbike ay malinaw nilang nakikita na para bang may nakatutok ditong camera.

"Nagulat ka ba? Mas magugulat ka sa susunod mo pang makikita."

Nagpumiglas si Amira ngunit nasayang lang ang kanyang lakas. Titig na titig siya sa mukha ni Zeal habang nagmamaneho. "God, please, save him." taimtim niyang panalangin.

"BUBUKA ang bulaklak
Dadaan ang reyne
Kumekendeng-kendeng pa." usal ng isipan ni Zeal. Pinag-iisipan niya ang mga nangyari noon na may kinalaman sa clue. Ngunit ilang naka-motorbike din ang humahagibis ang takbo ang patungo sa gawi niya. Marahan lang ang pagpapatakbo ng binata kaya agad na naabutan siya ng mga ito.

Ang isa ay nagtangkang banggain ang motorbike ni Zeal ngunit nakaiwas ang binata. Ngunit hindi niya naiwasan ang isa pang motorbike na bumangga sa hulihan ng kanyang sinasakyan.

"Shit!" anas ni Zeal. Nasisigurado niyang padala na naman iyon ng suspek. Nais nitong maubos ang oras niya sa mga walang kuwentang tricks. Iniiwasang maisip niya ang tungkol sa clue na ibinigay nito. Kung plano din lang nitong patayin si Amira, bakit kailangan pang patagalin? Pinaglalaruan siya ng suspek ngunit desidido itong patayin ang dalaga. P'wes, hindi siya papayag! Pinaharurot niya ang takbo ng sariling motorbike. Nang makalayo sa tatlong humahabol, ini-U turn niya ang takbo ng motor at pasalubong na hinarap ang mga ito. "Tabi!" sigaw pa ng binata at isa-isang binangga ang tatlong humahabol sa kanya. Inihinto niya ang motorbike at binalingan ng tingin ang mga ito. "Fine. Let's play!" may diin niyang wika. Bagamat hindi niya kilala kung sinoman ang tunay na may pakana ng lahat, hindi siya papayag na magtagumpay ito.

MALAKAS na halakhak ang pinakawalan ng misteryosong taong iyon ng marinig ang sinabi ni Zeal. "I like it!"

Halata ang pagkalito sa mukha ni Amira sa kung ano ang tunay na nangyayari. Pero sigurado siyang baliw na ang taong nasa harapan.

"Nagtataka ka ba kung paano ko nakikita ang bawat kilos ng nobyo mo? Madali lang, dahil sa microchip na nakakabit sa katawan niya. Nagta-transmit ng signal ang microchip patungo sa satelite na kung saan, nakakunekta ang lahat ng screen sa harapan natin. Amazing, right? Kaya para lang tayong nanonood ng pelikula. Kita natin kahit ang pagkibot ng labi niya. Kahit ikaw, malalaman ko ang reaksyon ng mukha mo kahit pa nakatalikod ako." sabi ng taong iyon. May pinindot lang ito at biglang lumabas buhat sa isang screen ang eksaktong posisyon ni Amira.

"Pero bakit?" ang tanong na nasa isipan ni Amira.

"Bakit? Ang nasa isipan mo, 'di ba? Simple lang, nagsimula ang lahat dahil sa nobyo mo. I lost a very important person in my life. Gusto kong maranasan niya kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal."

Napapikit ng mariin si Amira. Marami siyang gustong itanong. Marami siyang gustong sabihin ngunit dahil sa busal na nasa bibig, wala siyang magawa kun'di ang manahimik.

"Malalaman mo din ang lahat. Mag-enjoy na lang muna tayo sa panonood sa iyong nobyo." wika pa ng suspek. Muli nitong ipinokus ang atensyon kay Zeal.

NAPAHINTO sa pagmamaneho si Zeal. Pinag-isipan niyang mabuti ang clue na ibinigay ng salarin. Parang iisang pangyayari lang. Iisipin niya ang nangyari noon, makukuha ang parte ng katawan. Ngunit sino ba talaga ang taong pinatay ng suspek at pinaghiwa-hiwalay ang katawan? Ano ang koneksyon ng suspek sa kanya at alam nito ang lahat ng pangyayari sa buhay nila ni Amira? Ang hirap sagutin ng mga katanungang iyon. Para na siyang mababaliw sa pag-iisip. "Oh!" biglang nagliwanag ang kanyang isip. May pangyayari sa kanila ni Amira, ang flower festival. Kung saan nagkaroon ng Ms. Gay. Noon niya unang naramdaman na hindi lang kaibigan ang turing niya sa dalaga. Nakatayo sila sa malaking puno ng mangga. Plano na niyang ipagtapat dito ang tunay na nararamdaman ngunit hindi natuloy dahil biglang nagkagulo. Muling pinaandar ni Zeal ang motorbike. Nagtungo siya sa plaza at hinanap ang malaking puno ng mangga. Sa tagal na ng panahong lumipas, nanatiling nakatayo ang punong iyon sa gitna ng plaza. Mabilis na bumaba ng motor ang binata at pinagala ang paningin sa paligid ng puno. Ngunit napansin niyang dayuhin ng tao ang lugar na iyon at walang bakas na makapagsasabing nandoon ang missing piece.

"Shit!" anas ng binata. Mali ba ang lugar na naisip niya? Muling tumunog ang kanyang phone. "Hello!"

"Can't think of the right place? All you have to do is to REMEMBER everything." iyon lang ang narinig ng binata at muling nag-end button.

"Haist!" tanging reaksyon ni Zeal. Parang umiikot na ang kanyang paningin. Parang nag-eecho na sa kanya ang ingay ng bawat taong nasa paligid. Walang kain, walang tulog. Wari'y bibigay na ang kanyang katawan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Hindi kaya..." anas niya ng may maalala. Muling sumakay sa motor ang binata at tinungo ang lugar na nasa isip.

Sampung minuto lang ang lumipas, narating ni Zeal ang lugar. Ang dating bahay ni Meynard. Dati nilang kaklase ni Amira na isa pa lang bakla na itinago nito sa karamihan. Tuluyan itong nagladlad at sumali sa Ms. Gay sa flower festival. Isa na ngayong sikat na designer si Meynard. Nagkita sila noon at nabanggit nito na lumipat na ito sa ipinagawang bagong bahay. Kaya ang dating bahay nito ay abandunado na.

Nagbakasakali si Zeal. Inakyat niya ang 'di kataasang bakod at pumasok sa bakuran. Pinihit niya ang seradura ng pintuan at napagtantong hindi iyon naka-lock. Gamit ang flashlight ng phone, maayos na nakapasok sa loob ng bahay ang binata. Agad niyang napansin ang larawan ni Meynard na nakasabit sa dingding. Napababa ang kanyang tingin sa sofa at may puting tela na sa hinuha niya ay may kung ano'ng nasa ilalim noon. Binuklat niya ang tela at walang nagawa kun'di ang pumikit. Nandoon ang isang buong kamay kasama ang braso. Tulad ng inaasahan, may itim na plastic bag sa tabi ng 'missing piece'. Walang inaksayang oras ang ibinata. Isinilid niya ang nakuhang bahagi at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.

NANLAKI ang mga mata ni Amira ng makita kung ano ang ipinahahanap ng taong nasa harapan kay Zeal. Nagpumiglas siya, halos maubos ang kanyang lakas ngunit nanatiling mahigpit ang pagkakatali sa kanya.

Tumaginting ang malakas na halakhak ng salarin. Nag-eenjoy siya sa mga nangyayari. At sigurado siyang nalalapit na ang katapusan ni Zeal. Dahil iisa-isahin niya ang mahahalagang tao sa buhay nito bago niya tuluyang sirain ang binata. "You have to REMEMBER ME bago pa tuluyang mahuli ang lahat." salitang naglalaro sa kanyang isipan habang matiim ang pagkakatitig kay Zeal.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon