CHAPTER 13:

586 24 0
                                    

   

ILAN sa mga pulis na tinawagan ng detective ay nagtungo sa ospital. Dahil naging kahina-hinala ang biglaang pagkawala ni Fred at ng asawa nito, tuluyan ng inimbestigahan ang ospital. Una nilang hinanap ang doktor na si Cris.

"Bakit?" Tanong ni Cris.

"Maaari mo bang sagutin ang ilan naming katanungan?" Ganting tanong ng isang pulis.

"Tungkol saan?"

"Kina Fred at Patricia Alarcon. Kilala mo ba sila?"

"Hindi,"

"Kung ganu'n, bakit naiconfine dito si Patricia Alarcon, sa isang pribadong k'warto at ikaw ang nakatalagang doktor sa kanya?"

"Hindi ko p'wedeng ireveal ang recirds ng bawat pasyenteng hawak ko." Sagot ni Cris.

"Kaya ba tanging ang records ni Patricia ang hindi nakalagay sa buong patients records?" Ang tanong ay nagbuhat sa detective na inupahan ni Abrix.

"No comment. Kung may dala kayong warrant of arrest, saka ninyo ako kastiguhin. Sa ngayon, umalis na kayo dahil natatakot ang mga pasyente namin dito." Pagmamatigas ni Cris.

"Paano kung mayroon?" Iniladlad ng detective ang warrant of arrest para sa doktor.

Hindi nakaimik si Cris. Hindi ma din ito nakapalag ng hawakan ng dalawang pulis ang magkabila niyang braso.

"Nasaan si Fred? Saan niya dinala si Patricia?" Tanong ng detective.

"I can remain silent. Just talk to my lawyer." Salitang binitawan ng doktor bago ito hinila palabas ng ospital at isakay sa police car.

Tumunog ang phone ng detective at ang caller ay si Abrix. "Mr. Abrigo,"

"Ano na ang balita? Nalaman na ninyo kung nasaan ang Fred na 'yun?" Tanong buhay kay Abrix, sa kabilang linya.

"Ayaw magsalita ng doktor. Pero huwag kayong mag-alala, ngayong mayroon na ako'ng lead sa taong ipinahahanap ninyo, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita."

"Good. Make it fast. Dahil sa biglaang pagkawala ng Fred na 'yun, maaaring natunugan niya ang paghahanap na ginagawa natin. Baka kung ano ang gawin niya kay Patricia."

"Mr. Abrigo, asahan ninyo ang magandang ibabalita ko sa susunod kong tawag."

"Aasahan ko." Pinatay na ni Abrix ang tawag at muling kinontak ang isa pang detective na inutusan upang alamin ang pagkatao ni Alfred.

"Mr. Abrigo, ayon sa aking nalaman, walang anumang koneksyon ang kapatid ninyo kay Alfred. Pero ang kapatid niya ay dating kaklase ni Mr. Zeal sa unibersidad na pinasukan nito noong kolehiyo." Pagbabalita ng detective.

"Ano'ng koneksyon ng kapatid niya sa ginawa ni Alfred?"

"Hindi pa klaro ang lahat dahil patuloy pa ang ginagawa kong pag-iimbestiga. Pero ang kapatid ni Alfred na si Monica ay patay na. Namatay ito dalawang buwan matapos maganap ang pagkidnap kay Ms. Amira."

"Hindi ko talaga maintindihan. Ano naman ang naging koneksyon ni Monica sa mga nangyari?" Kunot-noong tanong ni Abrix. Wala talaga siyang ideya kung paano nagsimula ang lahat.

"Pinuntahan ko ang dating bahay nina Alfred. Sa k'warto ni Monica, may isang box na nakatago sa ilalim ng kama nito at doon ko nakita ang iba't-ibang larawan ng kapatid ninyo. She seems like a stalker. Kahit sng pag-inom ng kapatid mo at kinukunan niya ng litrato." Wika pa ng detective.

"Wait. Huwag mong sabihin na naghihiganti ang Alfred na 'yun sa kapatid ko? Does he think that Zeal killed her sister?" Gulat na gulat si Abrix sa nalaman.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon