CHAPTER 8:

497 24 0
                                    

   

ANG planong pagpatay kay Baby ay hindi natuloy. Ang dalawang lalaking inutusan ng salarin ay tumakas matapos makatanggap ng tawag buhat sa mga kasamahan na humahabol kina Abrix at Zeal na patungo na sa lugar ng mga ito ang mga pulis. Kaya ligtas na naabutan ng magkapatid ang dalaga.

"Kuya, paano si Amira?" tanong ni Abrix. Yakap na nito ang nobya.

Humahangos na dumating ang isa sa mga kasamahan ni Amira. "Pare, may malaking pagsabog na naganap at kasalukuyang patungo na doon ang buong team. Hinihinala na maaaring iyon ang naging kuta ng salarin sa pagdukot kay Amira. We don't have a concrete ebidence but hopefully, mali ang hinala namin. May nakuha kasing dalawang bangkay. Hindi pa maidentify kung sino o ano ang kasarian ng mga bangkay dahil sa labis na pagkasunog ng mga katawan ng mga ito. Dumaan lang ako dito matapos kong marinig ang tungkol sa naging pagtawag ni Abrix sa opisina."

"Sasama ako!" ani Zeal. Binalingan nito ang kapatid. "I have to go. Kailangang makita ng sarili kong mga mata ang lahat. Ikaw na ang bahala kay Baby."

Tango lang ang naging sagot ni Abrix. Nakasunod na lang ang tingin nito sa papalayong sasakyan kung saan sumakay ang kapatid. Taimtim niyang hiniling na sana matagpuan na nito ang dalaga.

MARAMING nakikiusyoso sa lugar kung saan naganap ang pagsabog. Pasalamat na lamang at abandunadong building at medyo malayo sa iba pang gusali kaya walang nadamay at nasaktang sibilyan. Maliban sa dalawang katawan na sa palagay ng lahat ay nasa building na iyon noong mga oras na sumabog ang lugar na 'yun.

"Nakuha na ang dalawang sunog na bangkay at kasalukuyang ineeksamin. Maliban sa ilang pirasong metal na nakuha, lahat ay sunog at hindi mapapakinabangan sa pagkuha ng anumang ebidensya." pagbabalita ng isang agent.

Pinagala ni Zeal ang paningin sa lugar wala ka talagang mapapakinabangan dahil nasunog lahat.

"Sir!" tawag ng isang lalaki sa agent na kasama ni Zeal. Lumapit ang agent dala ang isang plastic. Inilagay ng lalaki ang nakuha nito sa plastic.

"Teka, ito ang badge ni Amira!" bulalas ng agent.

Pabiglang kinuha ni Zeal ang plastic at tinitigang mabuti ang badge. Palibhasa at metal 'yun, hindi masyadong napinsala kaya agad na nakumpirma. Tama nga ang sinabi ng agent na kasamahan ni Amira sa trabaho. Ang dalaga nga ang may ari ng badge na iyon. "No!"

"P-pare, hindi pa tayo nakakasigurado." sabi ng agent.

"Saan dinala ang nakuhang bangkay?" tanong ng binata.

"Dinala sa morge. Doon na din eeksaminin ang katawan"

Agad na umalis si Zeal. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. "Hindi maaari! Hindi!" sigaw ng kanyang isipan.

KASALUKUYANG inihuhulog ang kabaong kung saan nakalagay ang sunog na katawan ni Amira. Hindi man nakilala ang katawan, ipinagpalagay ng lahat na iyon ang dalaga dahil sa natrace na ang katawan ay isang babae at ang badge na nakuha mismo sa nasunog na gusali. Ang lahat ng kaibigan at kamag-anak ng dalaga ay nagdadalamhati sa sinapit nito. Ilang sandali pa, tuluyang tinabunan ng lupa ang kabaong na nagpaiyak ng malakas sa lahat ng taong naiwan ng dalaga.

Samantala...

Nasa ospital si Zeal. Tuluyang iginupo ng labis na pagod ang katawan ng binata. Lalo na ng ianunsyo na ang nasunog na katawan ay si Amira. Dalawang araw na ang lumipas buhat ng huling imulat ng binata ang mga mata nito.

Laging may mga pulis na naghihintay sa paggising ng binata. Nais ng mga itong kunan ng statement si Zeal ukol sa nakuhang putol-putol na bahagi ng katawan. Tuluyan ng nakilala ang biktima na walang iba kun'di si CARRY. Ang tiyahin ng magkapatid na nakakulong ngunit bigla na lang nawala. Nakuha ang katawan at ulo nito sa loob din ng condo ni Zeal.

"Hindi 'yan kayang gawin ng kapatid ko. Kahit gaano kalaki ang nagawang kasalanan sa amin ni Carry, hindi iyon dahilan upang gawin ni kuya ang karumal-dumal na pagpatay sa kanya." pagtatanggol ni Abrix sa kapatid.

"Sa palagay ko, ang taong dumukot sa akin at kay Amira ang may kagagawan ng lahat." segunda pa ni Baby.

Dumating ang isang lalaki na kasamahan ni Amira sa trabaho. Bitbit nito ang maliit na plastic kung saan nakuha ang isang bagay sa damit na suot ni Zeal, ang microchip. "Ibinigay ito ng ospital sa akin since isa ako sa may hawak ng kaso. Inimbestigahan ang microchip na ito at napag-alaman na ito ang bagay na inilagay ng suspek sa damit ni Zeal upang matrace nito ang bawat galaw ng lalaki."

"Ha? Paano? Sa maliit na bagay na 'yan?" kunot-noong tanong ni Abrix.

"This small thing is associated to the satellite. Ayon sa taong eksperto sa ganitong bagay, sariling gawa ng salarin ang microchip na ito. Ibig sabihin, may kaalaman ang taong iyon about sa teknolihiya. Maaring nailagay ng salarin ang bagay na ito kay Zeal habang nasa ospital or noong gabi mismong kinidnap si Amira. We don't know what exactly happened. Pero dahil nakakonekta sa satellite ang microchip na ito, madaling mate-trace ng suspek ang bawat galaw ni Zeal. Para lang siyang nanonood ng telebisyon. Kita niya ang bawat galaw ng kapatid mo na parang may camerang laging nakatutok dito." paliwanag ng agent.

Napaawang na lang ang bibig ni Abrix dahil sa narinig.

"Wait. Ibig bang sabihin na ang isa pang nasunog na katawan ay ang suspek?" tanong ni Baby.

"Malaki ang posibilidad."

Hindi na nagsalita pa sina Abrix at Baby. Ngayon patay na si Amira at ang suspek, ang lahat ng naging paghihirap ni Zeal ay nawalan ng saysay.

DAHIL sa nakuhang bangkay sa condo ni Zeal, naging prime suspek ang binata. Kumalat sa buong media ang naganap at nag-file ng kaso ang Women's Association laban sa binata. Dahil walang concrete evidence na magpapatunay na inosente si Zeal, nadala sa hukuman ang kaso. Kaya sa paggising ng binata buhat sa isang linggo pagkaka-coma, sa kulungan na ito nagderetso.

"Wala ding matibay na ebidensyang magpapatunay na ang kapatid ko ang pumatay kay Carry!" sigaw ni Abrix. Kausap niya ang abugadong may hawak ng kaso ni Zeal.

"Yes, you're right. Pero dahil sa walang tigil na petisyon ng Women's Association, na push sa korte ang kaso. Tanging hawak natin ay microchip, pero walang sapat na basehan na iyon ay may koneksyon sa pagkakapatay kay Carry." paliwanag ng abogado.

"So, pababayaan na lang nating makasuhan ang kapatid ko sa kasalanang hindi niya ginawa?"

"That's why I'm here. Ginagawa ko ang lahat para lumabas ang katotohanan. Abrix, dalawang tao lang ang p'wedeng makalutas sa problemang ito. Si Amira at ang suspek."

"Parang sinasabi mong maghimala ako, attorney!"

"Sa totoo lang, mabigat na kaso ang pagpatay. Samahan pa ng paghihiwa-hiwalay ng katawan ng biktima. Pero gagawin ko ang lahat."

Nasabunutan ni Abrix ang sariling ulo. Gagawin niya ang lahat. Hindi siya papayag na makulong ang inosente niyang kapatid.

Sa kulungan...

Nanatiling nakatulala si Abrix. Ang kaalamang namatay si Amira ay hindi niya matanggap. Malakas ang kutob niyang hindi si Amira ang nasunog na katawan. Ngunit ang kinakaharap na kaso ang naging sagabal upang alamin niya ang totoo. Hindi siya maaaring maupo at maghintay sa malamig na seldang iyon. Hahanapin niya si Amira. Buhay si Amira at patutunayan niya na tama ang kanyang kutob.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon