CHAPTER 9:

508 22 1
                                    

   

"IKAW, Mr. Zeal Abrigo ay nahatulan ng hukumang ito ng habang buhay na pagkabilanggo at halagang dalawang daang libong piso bilang danyos perwisyo." matapos basahin ang hatol, pinagtibay iyon ng isang tunog na magsisilbing selyo upang isakatuparan ang hatol.

"Hindi! Inosente ang kapatid ko! Hindi ninyo siya p'wedeng ikulong!" sigaw ni Abrix. Pinigil na ito ng abogado at ng nobya at pinilit na pakalmahin.

Napatingin lang si Zeal sa kapatid. Kita niya ang pagpatak ng luha nito at pagpipilit na lapitan siya.

"Kuya Zeal, huwag kang mag-alala! Magpepetisyon ako at magpapare-investigate sa kaso mo! Hindi ako titigil, ilalabas kita sa kulungan at papatunayan na inosente ka!" sigaw muli ni Abrix. Nagwawala na ito habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata.

Walang nagawa si Baby kun'di yakapin ang nobyo. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Ngunit alam niya na mas higit na nasasaktan si Zeal.

Tinanguan ni Zeal si Baby. Nais niyang bantayan ng dalaga ang kanyang kapatid sa panahong wala siya sa tabi nito. Marahang pagtango ang itinugon sa kanya nang dalaga. Nagpatianod na siya sa dalawang pulis na nakahawak sa magkabila niyang braso. Noon niya pinakawalan ang luhang kanina pa pinipigilan. Ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap ng kapatid. Nakagat niya ang labi upang mapigilan ang mapahagulhol. Impit siyang umiyak. Lalabas din ang katotohanan. Ngunit ang katotohanang gusto niyang mabunyag ay ang tungkol kay Amira. Hindi pa din siya nawawalan ng pag-asa. Para sa kanya, hindi basta ganoon lilisan sa mundo ang dalaga. She's not that weak and leave like that. She's alive. Iyon ang sigaw ng kanyang isip at puso.

KUNG sino-sino ang nilapitan ni Abrix. Kung saan-saan siya nagpunta para makahanap ng ebidensya para makalaya ang kapatid. Ngunit bigo siya. Ngunit hindi siya susuko. Uubusin niya ang sentimong mayroon siya para lang makalaya ang kapatid.

HINDI pumapalya si Baby sa pagdalaw kay Zeal.

"Nandito ka ulit? Hindi ka ba nagsasawa?" nakangiting tanong ni Zeal sa dalaga.

"Bakit? Nagsasawa kana ba sa mukha ko, kuya?" ganting tanong ni Baby.

Tumawa lang si Zeal. Ngunit ang kanyang mga mata ay may hinahap.

"Busy siya, eh." wika ni Baby. Kahit hindi magsalita ang kaharap, batid niyang hinahanap nito ang kapatid.

"Sa paghahanap ng ebidensya para mapatunayang inosente ako?"

"Walang makakapigil sa kanya. Alam naman natin ang totoo kaya kahit ako hindi matahimik."

"Gusto ko siyang makausap. Pakisabi sa kanya na bisitahin niya ako dito."

"Ilang beses ko na siyang niyaya para bisitahin ka. Iisa lang ang lagi niyang sagot sa'kin. Hindi siya magpapakita sa'yo hanggat hindi niya napapatunayang inosente ka." malungkot na wika ni Baby.

"So, sasayangin niya ang mga panahong p'wede naman tayong maging masaya kahit nandito ako sa kulungan?"

"Naguguilty lang siya dahil wala siyang nagawa para sa'yo."

"Basta pasabi na sa susunod na dalaw, siya ang gusto kong makita. Kung hindi siya dadating, hindi na ako tatanggap ng sinomang bisita."

Buntong-hininga lang ang naging tugon ni Baby. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng magkapatid. Ngunit wala siyang magawa kun'di ang manalangin na sana ay malampasan nila ang pagsubok na iyon.

ILANG minuto ng nakatayo si Abrix sa labas ng kulungan kung saan nakakulong ang kanyang kapatid. Hindi niya maihakbang ang mga paa papasok sa loob. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng kapatid. Ngunit batid niyang seryoso ito sa sinabi na hindi na tatanggap ng bisita oras na hindi siya dumating. Hanggang sa nagpasya siyang ihakbang ang mga paa at harapin ang kanyang kuya.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon