FINALE:

1K 40 1
                                    

   

"HINDI ko na kaya!" Malakas na sigaw ni Patricia. Sa pag-ikot niya paharap kay Fred, isang malakas na putok ng baril ang nagpahumindig sa lahat.

"Hindi!" Malakas na sigaw ni Zeal. Nagpumilit siyang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang pulis. Patakbo niyang nilapitan si Amira na unti-unting bumabagsak ang katawan sa damuhan.

"H-hindi. Hindi ko sinasadya. P-patricia. Patricia!" Dahan-dahang napaluhod si Fred. Nanginig ang kanyang mga kamay ng makita ang dugong nagmula sa babae. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa babaing nakalugmok na sa damuhan.

"Amira! Amira, gumising ka!" Pilit na niyugyog ni Zeal ang balikat ng dalaga. Ngunit unti-unti ng pumikit ang mga mata nito. At ang patuloy na pag-agos ng dugo sa parteng natamaan ng bala ang tuluyang naglagay dito sa bingit ng kamatayan.

"ANG PAGPAPATAWAD ang susi sa lahat. Kung may taong nagkasala sa inyo, huwag mag-isip na gumanti. Bagkus, patawarin sila at ipagdasal na magbago. Forgive and forget. Dahil hindi mo ikasisiya ang pagtatanim ng galit sa iyong puso." Litanya ng pari.

Nagkatinginan sina Abrix at Baby. Sabay pa silang napangiti. Ginagap ng huli ang kamay ng asawa at pasimpleng dinala sa bibig. Tama ang sermon ng pari. Hindi kana masaya, makakasakit kapa kung ang maghahari ay galit sa puso.

Nang matapos ang misa, binuhat na ni Abrix si Iñigo at hawak kamay silang mag-anak na lumabas ng simbahan, nakangiti. Dahil sigurado na sila na sa paglabas nila sa pintuang iyon, kaligayahan ang naghihintay sa kanila.

ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zeal matapos tuluyang makalanghap ng hanging mula sa LABAS ng kulungan. Tama, dahil ang araw na 'yun ang araw ng kanyang paglaya at tuluyang nalinis ang kanyang pangalan. Malawak na ngiti ang kumawala sa kanyang labi ng makita ang paunti-unting paglakad ng kanyang pamangkin palapit sa kanya. "Iñigo!" Wika niya. Lumuhod siya at hinintay ang bata na tuluyang makalapit sa kanya. Isang taon at kalahati pa lang ito ngunit matibay na ang mga buto. Mahigpit niyang niyakap ang pamangkin, pagdaka'y pinupog ng halik ang mukha.

"Kuya!" Hindi din maalis ang ngiti sa labi ni Abrix habang palapit sa kapatid. "Inunahan na kami ng pamangkin mo pagsundo sa'yo." Wika pa niya ng tuluyang makalapit kay Zeal.

Ibinaba ni Zeal ang pamangkin bago niyakap ng mahigpit ang kapatid. "Salamat," Tanging anas niya kasabay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Hindi na din napigilan pa ni Abrix ang mapaiyak. Sa wakas, lumabas na din ang katotohanan at tuluyang napawalang sala ang kapatid. "Salamat din, kuya. Salamat sa muling pagbabalik mo sa amin."

Tila nainggit si Iñigo dahil hinila nito ang pantalon ng ama at ng tito. Walang nagawa ang magkapatid kun'di ang isali ang bata sa madrama nilang sandali.

Nakangiti lang si Baby habang pinagmamasdan ang tatlo. Ano pa ba ang mahihiling niya? Isang masayang pamilya ay sapat na sapat na.

"Let's go. May dapat pa tayong puntahan." Ilang sandali pa'y yaya na ni Zeal sa mag-anak. Ngayong nakalaya na siya, may isa pang tao ang kinasasabikan niyang makita.

"Okay, let's go." Masayang lumakad ang lahat patungo sa kotseng nakaparada, paalis sa lugar na iyon.

ATUBILI si Zeal habang nakatayo sa harap ng pintuan. Sa likod ng pintuang iyon, makikita niya ang babaing inaasam na muling masilayan. Pagkatapos ng araw na iyon, ang araw kung kailan nabaril si AMIRA, hindi na niya ito ulit nakita. Dalawang buwan na ang lumipas. Nag-undergo ito sa operasyon, habang siya, nakikipaglaban upang mapatunayan ang kainosentehan. At ang katapusan ng kanilang paghihirap ay dumating na. Ang marahang pagpatong ng kamay ni Abrix sa kanyang balikat ay nagpakalma sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon