CHAPTER 7:

500 24 0
                                    

   

UNTI-UNTING nagkamalay si Baby. Naramdaman na lang niya ang mahigpit na pagkakatali ng mga paa at kamay. Maging ang kanyang bibig ay may takip din. "Ano na naman ito?" kinakabahang tanong ng kanyang isipan. Pinagala ng dalaga ang paningin sa kabuuan ng k'wartong kinaroroonan. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari.

Magkasama sila ni Abrix. Sobrang nag-aalala ang nobyo sa kapatid nito dahil hindi sinasagot ang tawag o text. Nasabi din sa kanya ni Abrix na tila may kakaibang kilos ang kapatid. Isang araw ang lumipas ng makatanggap ng mensahe ang nobyo buhat kay Zeal.

'Abrix, magpunta ka sa paborito nating racing field. Hintayin mo ako doon. Si Baby, dalhin mo sa address na ibibigay ko sa'yo. Nandoon si Amira. Pagkahatid mo sa kanya, magtungo kana agad sa field. Huwag mo ako'ng paghihintayin.'

Mensahe ni Zeal, syempre, gamit ang numero nito kaya agad na nagkumahog si Abrix upang ihatid ang nobya sa address na ibinigay ng kapatid at agad na ding nagtungo sa racing field.

Ngunit pagkaalis pa lamang ni Abrix, may biglang sumulpot na tao sa harap ni Baby at tinakpan ang ilong nito ng isang panyo. Ilang sandali pa, nawalan na ng malay ang dalaga.

Ang hindi alam ng tatlo, matapos kunin ng salarin ang walang malay na si Zeal at dinala sa lumang bahay, ginamit nito ang phone ng binata para makapagpadala ng mensahe kay Abrix. Ginamit niya ang 'time messege' para kusang magsesend ang mensahe sa takdang oras na in-set niya.

Isang ngisi ang pinakawalan ng salarin habang patuloy na pinagmamasdan ang magkapatid.

MAGKAHARAP na ngayon sina Zeal at Abrix. Sa tabi nila ang motorbike na kanilang gagamitin.

"Ready kana ba?" tanong ni Zeal.

"Ready na."

"Good. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para manalo. Kung matalo mo ako, ikaw na ang bahala kay Amira. Make her alive."

"Kailangan ba talaga nating gawin ito?"

"I still don't know what happened. Hindi ko alam kung bakit ako napapasok sa sitwasyong ito at maging kayo ni Baby ay napadamay. Pero dahil ako ang puntirya ng taong 'yun, ako lang din ang makakatapos sa kasamaan niya. Be safe, Abrix." huling salita ni Zeal bago isinuot ang helmet at sumakay sa motorbike.

Napabuntong-hininga na lang si Abrix. Halata ang takot at pagkabahala sa mukha nito.

"Let the race begin!" tumaginting ang boses ng salarin sa buong field.

Sabay pang binuhay ng magkapatid ang makina ng kani-kanilang motorbike. Nakarinig pa sila ng putok ng baril na sa palagay nila ay sound effect lamang, senyales upang simulan na nila ang race.

Halos umangil ang dalawang motorbike. At nagsimula na ang race. Pabilisan ang magkapatid sa pagpapatakbo. Matagumpay nilang nalalampasan ang bawat humps sa kanilang dinadaanan. Sabay sila kung tumaas at halos sabay dun sila sa paglapag sa lupa.

Napapataas ang puwet ng salarin sa nakikitang karera ng dalawa.

Abot-abot naman ang kabog ng dibdib nina Baby at Amira habang pinapanood ang karera. May screen din kasi sa k'wartong kinaroroonan ni Baby.

Umabot na sa last turn ang karera ng dalawa. Walang sinoman ang nais na magpatalo sa kanila. Ngunit ng malapit na sila sa finish line, biglang bumagal ang takbo ng motorbike ni Zeal. Isang ngisi ang kanyang pinakawalan ng marating ng kapatid ang finish line.

"SHIT!" bulalas ng salarin. Napatayo itong bigla dahil sa galit.

Tuluyan ng inalis ni Zeal ang helmet na nasa ulo. Nakangiti siya at masayang binati ang kapatid.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon