CHAPTER 12:

525 21 0
                                    

   

"DOK, ano'ng problema sa asawa ko?" tanong ni Fred. Halata ang labis na pag-aalala sa mukha nito.

"Maliban sa pagsakit ng ulo, wala na kaming nakitang anumang problema sa kanya."

Nakahinga ng maluwag si Fred. Parang sasabog ang kanyang dibdib kanina habang nakikita ang labis na paghihirap ng asawa.

"Fred, hindi ko ito sinasabi sa'yo para takutin ka. Pero may posibilidad na bumalik ang kanyang alaala. Sinabihan na kita na anumang oras, maaalala niya ang lahat." sabi ng doktor. Si Cris, kaibigan ni Fred.

"Hindi. Maalala man niya ang lahat, mapapatawad din niya ako. Cris, mahal na ako ni Patricia."

"Sinabi niyang mahal kana niya?"

"H-hindi. Pero nararamdaman ko! Mahalaga na ako sa kanya!" halata sa mga mata ni Fred ang pangamba. Para itong baliw umikot ang mga mata at hindi mapakali.

"Fred, huwag mong masyadong..."

"Ayokong marinig ang sasabihin mo. Aalis na ako. Hinihintay na ako ng asawa ko." mabilis na iniwan ni Fred ang kaibigan at nagtungo sa k'warto ni Patricia.

Napapailing na lang si Cris. Ang labis na pagmamahal ng kaibigan sa babaing 'yun ang magdudulot dito sa kapahamakan.

"KUYA ZEAL, hindi ko alam kung magandang balita ito. Pero ayon sa isang detective na kinuha ko, sa isang maliit na ospital sa Quezon, may dinalang babae. That was around the time when the explotion happened. Eksaktong ang pinsan ng naturang detective ay nurse sa maliit na ospital na 'yun. Pero hindi makita ang tunay na itsura ng mukha nang babae dahil sunog ang kalahati at sa kalahati naman may batik-batik na dala din ng pagkasunog." pagbabalita ni Abrix. Sa loob halos ng dalawang taon, ngayon lang sila nagkaroon ng balita.

"Tapos? Ano'ng nangyari?" kakaiba ang kabang naramdaman ni Zeal.

"Kasalukuyang iniimbestigahan pa lang ng detective ang naturang ospital at ang pasyente. Masyado lang naexcite kaya naibalita sa akin." ani Abrix. Milyon na ang nauubos niya para sa tatlong inupahang detective. Ngunit wala siyang pakialam sa gastos kung sa huli ay matatagpuan nila si Amira.

Hindi mapakali si Zeal. Malakas ang kutob niya na matatagpuan na ang dalagang matagal ng hinahanap.

Quezon...

Hinahalungkat ng nurse ang lahat ng files. Hindi niya inaasahan ang paghingi ng tulong ng kanyang pinsan na taga-Maynila. Unang pagkakataon iyon kaya hindi niya mapahindian.

"Claire, ano'ng ginagawa mo?" tanong ng isa pang nurse.

"Ha? A, inaayos ko lang ang mga files."

"Inayos ko na 'yan kahapon."

"Wala kasi ako'ng magawa. Nakapag-rounds na ako. Pampalipas lang ito ng oras." ani Claire. Pinipilit itago ang kaba.

"Okay. Ikaw talaga."

"Sige na, magtrabaho kana at magtatrabaho na din ako." pilit na tumawa si Claire.

"oo na. Galingan mo ang trabaho mo, ha?" iiling-iling na iniwan na ng nurse ang kasama.

Napahinga ng malalim si Claire. Ibinilin ng kanyang pinsan na kailangang lihim ang kanyang gagawin. Kaya ang kaba sa kanyang dibdib ay ganu'n na lang. Ipinagpatuloy niya ang paghahalungkat sa mga files. "Patricia Alarcon," anas niya. Iyon ang pangalang hinahanap sa mga files. Ngunit nacheck na niya lahat ng files, hindi makita ang pangalang nais makita. "Imposible. Isa ako sa naging nurse niya." naisating pa ni Claire.

"Nurse nino?" tanong na nagpagulat sa dalaga.

"Ay! Dok!"

"Oh! Bakit para kang magnanakaw na nahuli?" natatawang tanong ni Cris.

THE DEADLY GAME (BOOK 2: CALL ME, BABY) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon