CHAPTER 3
"Nanjan kana pala." salubong sakin ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko.
Kauuwi ko lang matapos ako madischarge sa ospital at sa paghaharap namin ni ANDREW.
Kahit ng mga nagdaang araw pa ako pwedeng umuwi pero minabuti ni Dr. TAN na manatili pa ko ng isang araw para maobserbahan pa ako
Tinignan ko lang ang babaeng lumapit sakin.
Sa kabilang pinto ito nakatira.
Natatandaan ko siya.
Aling MILA ang pangalan nito
.Matagal na kaming nakatira ng ate ko dito.
Tinanguan ko lang siya.
Wala sana akong balak na kausapin to
kaya lang ay bigla kong naalala na wala pala akong susi para makapasok sa loob.
Tanging ang wallet ko lang ang naisauli sakin.
"Aling MILA, pwede ho ba makahiram ng duplicate key para makapasok ako sa loob?"
Nagtatakang napatingin siya sakin.
"Nakalimutan mo na bang nitong huli ay diyan mo tinatago sa ilalim ng paso ang susi mo?"
Hinawakan ko ang aking sentido para maalala ko ang tungkol sa pagtago sa susi ko.
Pero walang sumagi sa isip ko. Wala akong matandaan.
"Pasensiya na ho . Naaksidente po kasi ako kaya marami ako hindi matandaan."
"Iyang noo mo nga agad ang napansin ko pagdating mo palang. Nahiya lang ako magtanung. Ayos ka lang ba?"
"Maayos naman po. Narito po ba si ate SARAH? HIndi pa po niya kasi alam ang nangyari sakin eh."
Ang ate SARAH ko lang kasi ang maaasahan ko ngayon.
Sigurado ako alam nito ang lahat ng kwento sa buhay ko.
Maging ang kaliit liitang detalye.
Ganun kami kaclose ng ate ko.
"Marami ka nga yatang nakalimutan. Hindi mo ba alam na nag away kayo ng kapatid mo?"
"Ho? Kailan pa ho? Ano po pinag awayan namin?" Hindi na ata mauubusan ang mga pangyayari sa nakaraan ko. Para akong aatakihin.
"Hindi ko alam ang detalye. Basta ang narinig ko lang nagsisigawan kayo. Ilang buwan na rin ang nakaraan. Pagkatapos ay nakita ko na lang siya nakempake at umalis. Teka, hindi mo rin natatandaan yun? Buti ako naaalala ko pa."
"Ang dalawang taon po kasi na nakalipas sakin ay nakalimutan ko." paliwanag ko kay aling MILA.
"Ganun ba? Ikinalulungkot ko."
"Hindi na po ba bumalik si ate dito ng umalis siya? Nakakaya ko po bang bayaran ng mag isa ang upa dito sa bahay? Ang alam ko po ay share kami sa lahat ng gastusin ni ate."
"Hindi na siya bumalik. Ikaw rin ay hindi na bumalik dito. Bihirang bihira ka na lang magpunta dito. Pero binayaran mo ang pang isang buong taon na upa mo rito. Nag advance ka kaya hindi ko ito pinapaupahan sa iba."
"San po ako nakakuha ng malaking pera para mabayaran ko ang upa.?"
"Hindi ko rin alam. Hindi naman kayo nag oopen sa akin ng personal na buhay niyo."
Nanlumo ako sa mga sinabi ni aling MILA.
Kung mababalik ko lang ang panahon, buong pusong makikipagkwentuhan ako sa matanda na to.
Para sa gantong paraan ay maalala ko ang mga nangyari sakin.
Kasi kahit diary man lang wala akong natago.
Wala kasi akong hilig magsulat sa mga personal na bagay.
"Kung ganun po bakit alam niyo ang tungkol sa susi sa ilalim ng paso?" tanong ko sakanya habang inaangat ko yung paso at nakapa ko nga dun ung susi.
"Hindi niyo naman talaga sinabi sakin na jan pala kayo nagtatago ng susi. Natuklasan ko lang ng hindi sinasadya."
"Pasensiya na po kayo kung marami akong tanung."
"Walang problema sakin yun. Magtanong ka lang ng magtanong. Baka sakaling may nasaksihan ako sa mga pangyayari sa buhay mo dati na makakatulong sayo."
"Salamat po. Sabi niyo kanina ay hindi ako umuuwi rito?"
"Oo kaya lang hindi ko alam kung saan ka tumutuloy kapag hindi ka umuuwi rito. Siguro ay may iba ka ng bahay. May pagkakataon pa nga na hindi ka umuwi rito ng halos isang taon." sabi ni aling MILA.
"Ho?? san ho kaya ako nagpunta? May posibilidad ho kaya na naglive in kami ng boyfriend ko?"
"Wala akong ideya. Pero baka ganoon nga. Nakikita ko na may boyfriend ka dati. Hinahatid ka niya madalas dito."
"Kapag po may mga naalala pa kayo na impormasyon, sabihan niyo ho sakin ha, please."
Sabay tango. "Magpahinga ka na muna sa loob. Kapag may kailangan ka o kung nagugutom ka, nariyan lang ako sa kabilang pinto, kumatok ka lang."
Inaasahan ko pa naman na andito si ate SARAH,
wala tuloy ang nakangiting muka ni ate,
Wala tuloy sumalubong sakin.
Tumingin ako sa loob ng bahay.
Halos walang pagbabago sa bahay.
Naroon pa din ang magandang sofa at flat screen na tv.
They all came from ANDREW.
Spoiled kasi ko dun eh. mahal ko lahat ng niregalo niya sakin.
Kung wala ito, sigurado aalog alog na tong bahay na to.
Halos puro pamilyar sakin lahat ng bagay na to.
Humiga na lang ako sa mahabang sofa habang patuloy na nagiisip sa susunod na mga hakbang .
Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit eh. Meron pa ngang mantsa ng dugo yung damit ko.
For sure nanggaling yun sa sugat ko sa ulo.
Para akong fetus na nakahiga dito sa sofa na walang ibang gustong gawin kundi ang umasa sa isang ina. To feel secure.
PLEASE VOTE AND COMMENT NA RIN POH KAYO HEHEE !! THANKYOU ..