CHAPTER 13:
"This is the day of achievement for our company-----"
Naputol ang panimulang speech ko dahil may bagay na nakaagaw ng pansin.
Biglang nagliwanag ang giant screen sa gilid ng stage.
Noong una, akala ko ay may technical error lang kaya binalewala ko lang.
Kaya lang hindi pa rin nawala ang liwanag na yun.
Lalo pang tumingkad. Nasilat ako dahil sa dulot ng liwanag.
At tuluyan na akong nadistract.
Sa pag aakala kong presentation lang yun,
bumaba ako para bulungan ang isang lalaking assistant ko na mamaya pa ilabas ang mga pictures na may kinalaman sa achievement ng company.
