CHAPTER 15:
Kinabukasan ay pinuntahan ko ang presinto kung saan nakakulong ang daddy ko.
Naunang makipag usap si ate kay daddy para ipaliwanag ang situation, para hindi mabigla.
Nagpaalam si ate na mauuna na siyang umalis dahil may aasikasuhin pa itong trabaho.
Kaya mag isa na lang siyang pumasok sa loob.
Dahan dahan akong pumasok sa visiting area ng mga preso.
Mabigat ang pakiramdam ko. Nakaupo na doon ang isang matandang lalaki.
Kahit nakatalikod siya sakin, may bahagi ng puso ko na magkukumpirmang siya ang daddy ko.
Siguro ay nakaramdam ang matandang lalaki na may nakatingin sa kanyang likuran.