CHAPTER 11: MEMORIES BACK :)

183 6 0
                                    

CHAPTER 11: MEMORIES BACK

VENICE POV:

  Ilang araw na rin ang nakalipas ng bumalik ang parte ng nakaraan ko, kahit hindi ko pa buong naaalala.

  Hindi ko alam kong dapat ba akong magpasalamat sa panaginip ko na yun.

  Totoo nga ang sabi sabi na ang panaginip ay nakakasolved ng problema.

Kung pwede lang, hindi na ako pipikit.

 Hindi na ako matutulog. Kasi pag natutulog ako dinadalaw ako ng nakaraan ko. 

Napakaduwag ata ng memory ko kasi umaatake lang siya kung kailan tulog ako,

 kung kelan wala akong control dahil  observer lang ako sa panaginip ko.

   Siguro kung makakaalala, sana ay lahat na. Yong buong details na.

 Para kasi akong pulubi na namamalimos na may kagat na.

 Nakakaalala nga ako, kulang kulang naman.

 Maraming details pa ang nawawala, maraming tanong pa ang hindi nasasagot.

  At paano, saan, at kailan ko naman nakilala si MANNY?

 Bakit naman ako nagkainteres sa kayamanan niya, hindi naman ako materialistic na tao?.

 Pero bakit ko nakikita sa panaginip ko ang sariling papa ko,

eh teenager palang ako ng iwan niya kami ni ate  SARAH.?

 At kung hindi naman ako makaalala na, okay na rin.

 Basta, forever ko na siyang hindi maalala.

 Mas madali sigurong magsimula nalang ng mga new memories.

  Sa totoo lang, mas nagiging madali sakin ang set up namin ngayon ni ANDREW.

 HIndi ko sinasabi kay ANDREW na naaalala ko na ang mga nakaraan sa panganganak ko at ang pagtataboy ko sa   kanya at kay ODESS.

Ang tanging nasasabihan ko lang ng improvemennt ko ay si DR. TAN.

 Regular ko kasi siyang pinupuntahan para sa check up ko.

  Aalamin ko muna siguro ang buong details bago ko sabihin kay ANDREW.

  Nasa pagmumuni muni ako ng mga oras na yun ng biglang sumulpot naman si ANDREW sa harap ko.

  Kumurap kurap pa siya kasi feeling niya isa siyang prinsipe .

 Nakasuot kasi siya ng black blazer with a white polo shirt and black pants tapos naka white  shoes pa siya.

                    "Mukhang malalim ang iniisip mo ha?"

                    "H-hindi naman." natatarantang sagot ko sakanya.  "Aalis kaba at bihis na bihis ka? Sunday ngayon, wala kang pasok, iba? At pagabi na."

                    Pinisil naman niya ang pisngi ko na parang natutuwa sa akin.

                    "Sobra  na ang pagkamakakalimutin mo. Ngayon ang 25th anniversary ng company. May party akong inihanda to welcome another fruithful year. Naaalala mo na?"

                    "Ngayon na ba yun? Hindi ko alam."  nawala kasi sa isip ko ang tungkol sa party na yan samantalang nung ilang araw ng paulit ulit na sinasabi niya sakin ang tungkol doon. At sa katunayan pa,noong isang araw pa din nakahanda ang isusuot kong evening dress na binili niya sakin.

"AMNESIA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon