CHAPTER 8:
ANDREW'S POV
Gusto kong batukan sarili ko.
Maghapon na ako hindi mapakali sa opisina ko.
Twenty four hours na kasing wala sa piling ko yung anak ko.
Aminado ako na hindi ko kayang wala si ODESS sa tabi ko.
Kaso may trabaho ako kaya kailangan ko rin siya iiwan sa maid o kaya ay ipahiram sa parents ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong ipagkatiwala ang anak ko sa salawahang ina niya.
Hndi ko talaga plano na paglapitin silang dalawa
, kaya lang ayaw ko na dumating ang panahon na magsisi ako.
May nabasa akong isang article sa Internet na mahalagang magkaroon ang sanggol ng bonding sa ina during the first eighteen months of life..
Doon kasi nabubuo ang emotional development ng bata.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang para sa bata ang ginagawa ko.
Oo galit ako kay VENICE pero habang nagkakalapit kami ulit at habang nakikita ko siya na may amnesia,
unti unti nawawala ang galit ko sa kanya.
At napansin ko din sa muling pagpasok niya sa buhay ko, nag iiba na siya.
Isang tingin ko lang kasi kay VENICE humihina ang loob ko.
Siya lang ang natatanging babaeng may ganoong epekto sa akin... SHIT..!!
Mukhang ako pa ata ang mahuhulog sa bitag niya na dapat sa kanya nakalaan.
Isang malinaw na ebidensiya sa akin,
binawi ko ang sinabi ko na doon muna ako mag iistay sa bahay nila.
Sa huling minuto nagback out ako.
Pano ba naman hindi ako magbabackout? Nagbreastfeed siya sa tabi ko.
Isang napakalaking tukso yun para sa isang tulad kong normal na lalaki.
Mas pinili kong iwasan ang tukso. At least for now.
Bibigyan ko pa siguro ng isa pang araw si VENICE para makapiling ang anak namin.
Sa ngayon ,sapat na sakin na makausap ko si VENICE sa cellphone. Kukumustahin ko si ODESS at pati na rin siya.
I get my cellphone and dialed her number.
RING RING RING !!!
"Hello." boses ng isang matandang lalaki ang sumagot sakin.
Nagsalubong ang mga kilay ko.
Nagkamali ba ako ng na-dial na number?
Mukhang hindi naman.
"Pwede ko bang makausap si VENICE?"
"Wala siya dito. Sino to?"
"Hindi ba nagregister sa cell phone niya ang pangalan ko.?"
"Hindi."
ANDREW'S POV:
Matindi ang kutob ko na si MANNY ARAGON ang kausap ko kahit hindi siya nagpapakilala.
I know him. Siya ang kalaguyo ni VENICE, ang matandang sinamahan niya.
Nagpaimbestiga ako tungkol sa lalaki na yan ng magsimula pa lang ang hinala ko.
Later on mas tumibay pa ang ebidensiya.
Sa bahay nila MANNY tumira si VENICE pagkatapos niyang iwan ako.
Maliban sa name,address,business, at picture niya, hindi ko na inalam ang buong detalye ang pagkatao niya.
Wala na akong narinig na pag amin mula kay VENICE.
Ang mas masakit lang, hindi man lang nag effort si VENICE magpaliwanag sakin.
Palagi akong tulala noon at malalim ang iniisip.
Naging distant ito para samin ni ODESS at nakapagsalita pa ng hindi magagamdang pahayag si VENICE -------katulad ng pagsisisi nito sa pagkakaroon ng anak.
"Bakit na sayo ang cell phone ni VENICE?"
"Hindi ko alam kong nasan siya. Umalis siya rito sa bahay ko nung isang araw. Then ,hindi na siya bumalik. Naiwan niya ang cellphone niya."
"Nagsabi ba siya kung san siya pupunta?"
"Ang sabi niya ay may dadalawin lang daw siya sa ospital. May ipagbibilin kaba? Sino ang sasabihin kong tumawag pag dumating siya?"
"Sabihin mo si ANDREW yung tumawag. Iyon ay kung babalik pa siya jan." Napadiin ang hawak ko sa cellphone bago ko tuluyang pinindot ang END call button.
Kung ganon pala ay na kay MANNY ang cellphone ni VENICE.
Nangangahulugan lang yun na hindi niya ito makakausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/1152919-288-k236345.jpg)