CHAPTER 5:
ANDREW'S POV
Tatlong araw na akong binabagabag ng matinding pag iisip sa kalagayan ng aking dating GIRLFRIEND na si VENICE .
Naniniwala ako na hindi siya nagsisinungaling sa pagsasabing may amnesia siya.
Kumunsulta na rin ako sa mga doctor na may mga ganoong case talaga. Bukod pa doon, naramdaman ko ang sincere niya.
Pakiramdam ko parang siya na ulit yung dating VENICE na nakilala ko.
Pero bakit ganito ulit ang nararamdaman ko sakanya,
hindi na pwede to.
I don't want to fall inlove again.
Ayaw ko ng masaktan ulit.
Kasi hindi madaling kalimutan ang mga kasalanan na ginawa niya sakin.
Tinapakan niya ang pagkatao ko.
Sa dinami daming babae na nakapaligid sakin,
bakit sa kanya pa ko nagkagusto dati.
Mula sa pagiging empleyado niya ay napromote ko siya.
At nagkaroon pa siya ng mataas na posisyon sa puso ko.
Lahat binigay ko sa kanya.
Naging almost perfect ang relationship namin.
Naging faithful ako sa kanya.
Kaya hindi ba malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya tinalikuran.
Hays ano ba tong nararamdaman ko,
mukhang napapaemote na naman ako ng babaeng yun.
Siguro epekto ito ng panahon ngayon dahil tag ulan kaya nararamdaman ko ang mga ito sa gitna ng malamig na panahon.
Porke ba hindi ko nakikita si VENICE nang tatlong araw eh nagkakaganito na ko...
NO hindi pwede hindi ko siya namimiss.
.hindi pwede, Ano kaba ANDREW tama na nga ang kakaisip sa kanya.
Nasa gitna pa naman ako ng pag eemote ng bigla kong marinig ang doorbell.
Tulog kasi ang maid ko kaya ako ang kusang lumabas para buksan ang gate.
Ang babaeng iniisip ko kanina ay siya ang nakita ko sa labas.
kaya gulat na gulat ako ng makita ko siya na nanginginig at basang basa sa ulan.
Agad ko naman siyang pinapasok sa loob.
"Ano kaba bakit kaba nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit ha?" Natataranta tuloy ako na hinatak ang tuwalya at ibigay sa kanya.
"Binabantayan ko kasi ang bahay mo. Hindi ko naman akalain na uulan pala." nanginginig siya habang nagpapaliwanag.
Umupo ako sa harap niya. "Nagbabantay ka? For what? How long have you been outside?"
"For several hours, I think"
"Several hours? Bakit ngayon mo lang naisip magdoorbell?" Hindi ko tuloy namamalayan ng muka na akong concerned sa kanya.
"Natatakot kasi ako na baka itaboy mo lang ako kapag nalaman mong andun ako sa labas ng bahay niyo. Kaya lang malakas na ang ulan kaya nagdoorbell na ako." Napayuko ..