CHAPTER 16:
VENICE POV:
Masasabi ko na unti unti ng nagiging maayos ang buhay ko.
Kasi for two weeks, payapa na ang buhay ko.
Magkasama na ulit kami ni ate sa apartment.
At kasama pa namin si ODESS.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni ANDREW at ibinigay niya sakin ang anak namin.
Kaso hindi ko alam kung permanent na to o hindi.
Siguro nga tapos na ang madidilim na sandali na nangyari sakin.
Kasi pati ang panahon ay ngumingiti na sakin. Hindi na maulan.