CHAPTER 2: RESTO :)

268 10 0
                                    

CHAPTER 2

               Nang makalabas na ko sa ospital ay napatingin ako dun sa isang lalaking kilalang kilala ko

 - - -

ANDREW ESTEBAN.

 KAhit may memory loss ako ay hinding hindi ko makakalimutan ang hitsura ng lalaking to.

 Ito ang aking boyfriend, ang napakabait na boyfriend ko.

Halatang nag mature ang muka nito.

Pero hindi dapat ako magulat dahil two years nakacapture ang memory ko.

28 years old na siya ngayon.

               Ganun pa din ang hitsura niya ,

ganda ng mata and perfectly shaped nose.

 Napakagwapo pa din niya, kahit ang katawan niya.

               "ANDREW?" tawag ko sa kanya..

               Lumingon lang siya sakin.

Kung hindi ako nagkamali, ay galit ang muka niya ng tumingin siya sakin.

 Hindi niya ako pinansin.

 HIndi naman ako nakatiis at nilapitan ko siya.

Ngayon ko kailangan siya lalo na nababalutan ng ulap ang isip ko.

               "ANDREW, we need to talk."

               Tumayo siya para iwasan ako pero pinigilan ko siya hinawakan ko ang braso niya.

               "Ikaw ang huling taong gusto kong makita at makausap, may nagawa ba akong kasalanan sayo?"

               "Ang lakas mo naman magtanung ng ganyan. Nakalimutan mo na ba ang kasalanan na ginawa mo sakin?"

               "Paano kong sabihin ko sayo na wala nga akong maalala?"

               Sabay tawa " Ano na namang gimik yan VENICE ha?"

               "Hindi ako gumigimik. Iyon ang totoo. Nabagok ang ulo ko." Itinuro ko ang gasa na nasa ulo ko.

                Tinignan niya lang ang ulo ko.

 "Do you think I'm going to believe you? Sa tingin ko gimik mo lang yan para masilip mo si ODESS dahil itinaboy kita kahapon."

                "ODESS? Sinong ODESS? siya ba ang dinadalaw ko dito sa ospital bago ako maaksidente?"

Ayaw niya talaga ako pakinggan.

                "Hindi na ako magpapauto sayo. Tapos na ang kabanata ng buhay ko na head over heels ako sayo. Natauhan na ako ngayon."

                "ANDREW, tinatanung kita sino si ODESS?"

“ayan ang pinakistupidong tanung na narinig ko sa buong buhay ko."

                "Kung ayaw mong sagutin ang tanung ko, sabihin mo na lang sakin ang rason kung bakit ka galit sakin, Sa pagkakatanda ko, wala tayong pinag awayan. Maayos naman tayo hanggang sa fourth month ng relationship natin. What really happened?" sabay hinwakan ko yung braso niya.

                "Fourth month? Hindi lang hanggang fourth month inabot ang relationship natin. Ewan ko ba kung bakit pinapatulan ko pa ang mga pinagsasabi mo. Alam na alam ko naman na palabas lang ito."

                "Ganun ba talaga ako kasama? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko para magalit ka ng ganyan at hindi mo ako mapatawad.?"

                "Oo."

                "Hindi mo na ba ko mahal?" Hindi ko alam kong bakit tinanung ko pa sa kanya yun, alam ko naman na masasaktan lang ako sa isasagot niya.

                "Wala ng ibang laman ang puso ko ngayon maliban kay ODESS. Siya lang wala ng iba. Now, if you'll excuse me." sabay alis.

                Nanghina ako sa mga sinabi ni ANDREW parang ang sakit sakit sa dibdib.

Parang mauupos na kandila na napahawak ako sa upuan na nasa tabi ko.

 Pinigilan kong wag umiyak.

Bakit kasi ngayon pa niya ko tinalikuran kung kelan kailangan ko siya?

 Bakit kasi galit na galit siya sakin ?

 wala akong maalala na ginawa ko sakanya.

Kahit pumatay ng ipis ay hindi ko magagawa sa buong buhay ko.

Hindi rin ako nanlamang ng kapwa. Kahit sa mga salita ko nag iingat ako.

 And sino naman si ODESS sa buhay niya?

 ito ba ang ipinalit niya sakin? Ito na ba ang bagong gilfriend niya?

So many damn questions, but not a single answer.

"AMNESIA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon