Yca's Pov
Bukas na ang christmas party, at lahat sa amin ay sobrang excited na. Sabi ni ma'am ngayon na daw kami magbubunutan sa time niya, It was already 7:40 am in the morning but yet she's not yet here. So yung mga girls dito inayos na yung room namin, maganda ang magiging result neto kasi madaming sumanggayon sa Concept ng Christmas Party, bongga talaga kung titignan mo. Pero lahat naman ng klase eh, magaganda rin ang gusto nilang ayos.
Nagsipasok na lahat ng mga boys na nasa labas, ibig sabihin andyan na si Ma'am
Pumasok na si Ma'am na may dala dalang dalawang box. Eto na ata yung bunutan.
Tumayo na kaming lahat,
"GOOD MORNING MA'AM!"-lahat."Good Morning class, you may have your seat." -ma'am. Then everybody seated.
Oo nga pala, wala akong katabi ngayon kasi lumipat muna si Mayellyn dun malapit kay Kurt, Hindi ko pala namention sa inyo na, oo! Mahal ni Mayellyn si Kurt, for almost 7 years. Grabe siya diba? 7?! Parang ako lang pero mas grabe na yung kay Mayellyn. Nakakainis nga si Kurt kung bakit hindi niya kayang mahalin si Mayellyn eh maganda na siya, matalino pa! At the same time mabait at sexy eh, she's almost perfect minalas nga lang sa pag-ibig.
Lumimgon ako kay Mayellyn at nakita ko siyang nakaupo sa upuan ni Alduane. Hah? Bakit dun siya nakaupo? Diba? Hinanap ko si Alduane at gosh! Wala siya? Why.
Hindi ko man lang napansin yun?
Pinabayaan ko na nga lang. Nakikinig na muna kami sa mga sinabi ni Ma'am. Tapos may biglang naglakad sa harapang lalake at grineet si Ma'am.
God damn! He's late. Tumingin siya sa amin at lumakad na papunta sa upuan niya. Iniwas ko na yung tingin ko s kanya mamaya kung matunaw pa kaming dalawa, tsk! Mamaya okay na din kami niyan, ewan ko ba sa kanya. Bast ang manhid manhid niya, pag may nangyayare sa amin ng gf niya, kinabukasan ayos na naman, tapos lalandiin na namn ako ulit. Ganyan naman ako katanga dati eh, dati...
Lumingon ako sa gilid ko.
O_____________O
Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang pagkagulat ko.
"B-Bakit ka nandito sa tabi ko?"-ako.
"Masama ba?" -siya. At may patawa tawa. Ayan okay na naman kami!
"Naku alduane! Nambwibwisit ka na naman ah!" -ako. Tapos ngumiti siya ng sobrang lapad. Shete! Huwag please. Natutunaw akO eh. Hahaha! I admit, hindi naman siguro agad mawawala yung pagmamahal ko sa kanya, baka infatuation na lang? Siguro nga.
"Eh umupo si Mayellyn sa upuan ko eh sabi niya dito muna raw ako sa upuan niya, sa tabi mo" -siya. With matching kindat pa. Tumalikod ako sa kanya kasi feel ko namumula na naman ako eh. Baka mamaya asarin na naman ako.
Hinawakan niya yung mukha ko at hinarap sa mukha niya.
"I think I'm inlove with you." -siya. Natawa ako sa mga sinabi niya. Hahaha! Isa na namang malaking kalokohan ito alduane.
"But I'm not inlove with you anymore."-ako.
"Really?" -siya. Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung hinawakan niyabmga kamay ko, ganyan ang nararamdaman ko nung mga panahon na mahal ko pa siya.
"Mahal kita." -siya.
What? Ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga salitang yan, I mean hindi siya tumatawa. Seryosong seryoso ang mukha niya.
Hanggang ngayon nakahawak pa rin siya sa kamay ko, magkahawak kami ng kamay. Hindi ko pa rin masumbatan ang sinabi niya, bakit ganito? Pakiramdam ko may kakaiba na naman akong nararamdaman, mahal ko pa ba siya? Hindi ko alam ang isasagot ko, at bigla biglang lumabas sa mga labi ko ang salitang ito.
"Mas mahal na mahal kita" -ako. Tapos tinalikod ko yung mukha ko sa kanya, nahihiya at natatakot ako. Natatakot ako baka isang biro na naman ito. Ngayon ko lang siya sinagot at sinabing mahal ko siya ng harapan, through communication lang ako nagsasabing mahal na mahal ko siya.
Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa malambot kong kamay. Next thing I knew, may inabot siyang papel, I tried to open it. At ang nakalagay.
"Then we are officially M.U. stands for mutual understanding:)"
Nagulat ako sa mga sinabi niya, natigilan ako. For God's sake! Mahal niya ba talaga ako? Pero kitang kita ko sa mga mata niya na parang oo. Pero paano si Stacey?
"Paano siya, si Stacey?" -ako.
"Trust me, dapat walang makaka-alam sa ating dalawa." -siya. Tama yun! Tyaka kung maglandian man kami sanay na ang lahat dun.
At hanggang nagbunutan na kami, magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
Ang nabunot ko ay si Bhess JM, pero hindi ko alam kung sino yung sa kanya, kasi naman bawal daw sabihin sa bawat isa sa amin.
-
Buong araw nagaayos lang kami dun sa Christmas partumy, actually sila lang. Dahil dalawa kami ni Alduane dito, magkasama. Magkaholding hands
Pa rin pero patago lang.Parang nakokonsensiya ako. Tama ba ginagawa namin? Tama ba ang desisyon ko? Parang may mali, hindi ko alam kung ano ba talaga nararamdaman ko. Parang malakas ang kutob ko na hindi ko na talaga siya mahal, sadyang infatuation na lang nararamdaman ko. Pero pakiramdam ko isa lang itong malaking kalokohan, kung trip niya ko, aba! Trip ko rin siya. Makikisabay na kang ako sa malakas niyang trip. Tignan lang natin kung sinong mananalo sa larong ito.
Pero okay lang to, baka sa paraang ito makakalimutan ko si Ma'am Julie. I admit, ngayon lang pumasok sa isip ko si Ma'am Julie buong araw. Tama siguro to, baka makakalimutan ko siya. Pero mag-aaral pa rin akong mabuti. At kukunin Ko pa rin ang kinuhang course ni ma'am Julie na Education. I want to be like her too when the right time came. I promise, kukunin ko ang course niya.
"BACHELOR AT SECONDARY EDUCATION MAJOR IN ENGLISH" I PROMISED.
Pero hindi ko pa rin maitanggi sa sarili kong, mahal na mahal ko pa rin siya.
Ma'am Julie, kailan ba kita makakalimutan? Ang sakit pa rin kasi.
-------------------
A/N: Please do support my fabulous story guys^_^ pagbigyan niyo na si author hehehe^_^
Thankyou^_^
-Icaa^^
![](https://img.wattpad.com/cover/102915627-288-k877039.jpg)
YOU ARE READING
My Bitter Revenge For You Teacher (WATTY'S2017) **Continuing^^
RomancePaano kung, nahulog ka sa teacher mo? And you're expecting na matatanggap niya kasi nga teacher siya diba? Pero hindi pala.... Kaya ginamit mo yung mga pananakit niya through to be as your inspiration para mag-aral ng mabuti........ Para pakita s...