Yca's Pov
Good morning philippines! Ang saya saya ng araw ko ngayon. Basta hindi ko alam, pakiramdam ko.Magiging masaya araw ko.
Tumayo na ako sa kama, ginawa ko na ang usual morning routines ko.
-
Natapos ko na ang lahat, ang kulang na lang ay bumaba para kumain. Pero, kinuha ko muna yung box ko.Yung box, na pupunuin ko ng ala-ala ko kay Ma'am Julie.. Andito na lahat nung papers na pinangquiz namin, yung booklet na pinagawa niya samin, yung letters ko sa kanya, then all the importants things that are connected to her.
Itong box na ito, gagawin ko siyang ala-ala. Ala-alang maaring hindi na babalik pa dahil sa paglipas ng panahon.
Gumawa na rin ako ng diary ko about sa kanya, naisip kong gawin ito since kahapon, na talaga namang itinadhana kami ng panahon.
Balang araw makikita niya rin ito^__^
When the right time came.
---------
Kakapasok ko pa lang, nakasalubong ko na yung dalawang mga ugok. Si Alduane at Stacey. Tss! Ang aga-aga nakakaimbyerna.
Wait? Bakit nga ba ako nagagalit? Teka!! Don't tell me, oopps Yca! Please? Wala ka ng gusto sa gagong yun okay? Chillax lang okay? Wala na, matagal na.
Oo, pakiramdam ko wala na nga talaga akong gusto sa kanya, hindi ko na siya mahal. Eh kasi naman ang lagi na ang pumapasok sa isip ko eh si Ma'am Julie. Every minute and hour, siya lang. Iniisip ko kung okay lang ba siya? Kung ano kaya ginagawa niya? Iniisip niya rin ba ako? Ayan. Ayan lang nasa isip ko! Si Ms. JULIENNE lang. Wala ng kahit anong dahilan sakin para isipin pa siya dahil nga sasabog na ako kakaisip kay Ma'am Julie.
Nawala na, walang wala na.
Andito na ako sa room, at dahil di ako cleaners pumunta muna ako sa Section C, section nila Cherizza.
Saktong pagkalabas ko, nakita ko siya. Nakaupo lang siya sa gilid ng pintuan nila. Malungkot siya, kahit hindi ako medyo nakalapit, halata sa mga mata niya na nasasaktan siya. Pero bakit? Siguro ng dahil to kay gagong shawn! Humanda sakin yun!
Lumapit agad ako kay aya, nickname ni Cherizza. Hinawakan ko siya,
"What's the problem?" -ako.
Bigla siyang napangiti, alam kong pilit pero ramdam mo talaga sa kanya na may dinadamdam siya.
"Ayan ka na naman sa english mo eh, sabi ko sayo diba, wag na wag! Manonosebleed ako!"-siya. Tumawa siya ng malakas. Abnormal din ito nu?
"Ngek!"-ako. Sabay yinakap ko siya.
"Aya, sige iiyak mo lang yan ha? Alam ko masakit...."-ako. Habang hinahaplos yung likod niya.
Dahil sa ginawa ko, napahagulgol siya sa akin at yinakap niya ako ng mahigpit.
"Then tell me the reason why." -ako.
Tinignan niya lang ako ng mata sa mata, sobrng pula na ng mata niya. Napapaluha ako neto eh. Ayaw ko siyang nakikitang ganyan.
"Si Shawn...." -siya.
Hindi ako umimik, sign na gusto kong makinig sa sasabihin niya.
"Ang landi landi niya! Nagkakalabuan na kasi kami, tapos malalaman laman ko, wallpaper niya raw si sarah! Tapos crush niya daw! Liniligawan niya na!"-siya. Iyak lang siya ng iyak.
Biglang kumulo yung dugo ko sa mga narinig ko, ayaw kong umiiyak pinsan ko. Siya ang pinakamamahal kong pinsan. Kaya binitawan ko agad si Aya at dumiretsyo ako sa room para puntahan ang gagong Shawn na yun!
YOU ARE READING
My Bitter Revenge For You Teacher (WATTY'S2017) **Continuing^^
RomancePaano kung, nahulog ka sa teacher mo? And you're expecting na matatanggap niya kasi nga teacher siya diba? Pero hindi pala.... Kaya ginamit mo yung mga pananakit niya through to be as your inspiration para mag-aral ng mabuti........ Para pakita s...