Taker (one shot)
♬If you ever leave me baby,
Leave some morphine at my door♬"Cause it will take a whole lot of medication, to realize what we use to have we don't have it anymore " Pagsabay ko sa kanta na tumutunog sa aking earphones.
Nandito ako ngayon sa pinapasukan kong convenient store, named Unknown. Yeah ,I know may pagka weird yung name niya haha. Yung duty ko dito 6-9 pm.I'm a working student.
Actually dalawa kami dito dapat , eh kaso wala pa yung kasama ko. Late nanaman siguro yung babaitang yun. Pero okey lang naman wala pa namang customer.
And speaking of.....
"Bestfriendddddd!!! Namiss kita! Muah Muah" siguro naman may idea na kayo kung ano yung personality nya no?
"Ano ba?! Muka kang buang Hayy!" Sabi ko sakanya sabay pilit na inaalis ang mala-lintang braso nya sakin.
"Hay! Grabe sya oh. Buang agad? Diba pedeng maganda muna?"
Duh? *roll eyes*
"Magandang Buang. Oh ayan masaya ka naba? Hala pumunta kana sa paroroonan mo at humayo kana. Kairita to...tss"
"OO ayan napo! Hmp" maarteng lintaya nya sabay pahaba ng kanyang nguso. Tsk. Sarap tapyasin.
"Kissable lips yan noh! WITTY ANDREI ALARCON. " Para bang nababasa ang isip ko.
"Oh God! Drop that damn WITTY thingy and get a life DAPHNIE GRACIAS ESCOTA!"
"Ay hala! Nag ingles na sya oh! Sige sorry na! Ang ganda kaya ng Witty" she insisted.
"Oh edi maganda na! pero mas maganda naman yung GRACIAS hindi ba?" Pang aasar ko sa isang to.
Umasim naman ang itsura nya kaya hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko.
"PFFFTT! BWAHAHAHAH! ANG GANDA NG PANGALAN MO! GRACIAS! ANG BANTOT! PWE! HAHAHAHA!"
"Maglubay ka na ngang impakta ka! Nakakainis ka!"
"Oh e bakit? Ikaw nga ini-inssist mo yung Witty eh. Ikaw pa may ganang mainis?"
"Heh! Di tayo bati!"
"Owwkeyyyy" Sabi ko na parang nang iinis at pumunta sa counter na sumisipol pa. Hahahaha!
If I know hindi din ako matitiis ng isang to dahil wala syang kadaldalan. Aarte pa kasi, tss.
Pagbilang ko ng tatlo bibigay nayan. Bwahahaha...
Isa.......
Dalawa......
Dalawa......
Dalawa.....
Hala bat dipa nagrereact? Pabebe.
Tatloo......
Ay punyal ni eba! Bat dipa ako pinapansin ng isang to?
At sa pagtataka ko nilingon ko naman sya at laglag ang panga ng bruha. Aba! Kumakaway na sakin yung laway nya. HAHAHAHA.
"Hoy Gracias ebat parang nakakita ka ng taeng sumasayaw dya-"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko siya! At sa liit ba naman ng mundo eh siya pa ata ang natipuhan ng bruha kong kaibigan. Pero it seems na hindi niya na ako maalala. Pero mas ayos na rin yun, iwas gulo.
Tangina lang! tumulo na nang literal ang laway ni Gracias. Naknang tupa!
"Miss panyo oh" Parang naiilang na bigay niya ng panyo niya kay Gracias.
"GRACIAS!" hindi ko na napigilan ang pag sigaw kay Gracias at mukang natauhan naman na siya.
"Miss?" Sabi parin niya kay Gracias na ngayoy hindi malaman kung anong gagawin. Agad namang tinangap ni bruha yung panyo niya.
"A-a-a. Sal-sal-sal-"
"Hoy Gracias anong SalSal yung yung sinasabi mo dyan?" Bulong ko sa kanya habang diko naman mapigilan ang impit kong tawa. Hahahaha!
"A-a-no ka-ba na-naman! Mag-mag-papa-sal-sal-"
"Anong magpapasalsal? Halika na nga dito nakuuu kang babae ka!"
Feeling ko namumula na ko sa pagpipigil ko ng tawa! Hahahaha! Shit lang! Price less!
Hinitak ko na sya saka ko binatukan.
"Aray!" Reklamo nya.
"Ano bang pasalsal yang sinasabi mo? Hahahaha gago ka talaga!"
Sabay na kaming natawa at titignan ko sa siya kaso palabas na sya ng Unknown.
"Hala ka Gracias, nahiya tuloy yung lalaki sayo. Hahahaha!" Sabi ko sakanya habang tumatawa.
"Ah kuya pasal-sal! Ay este pasalamat sa panyo! Akin nalang to ah! Salamat!" Pahabol na sigaw ni Gracias sa kanya kahit di naman na siya maririnig nito dahil nakalabas na ito sa pinto.
"Bwahahahahahaha! Grabe ka talaga!" Utas ko habang nakahawak sa tyan ko at pati din naman sya.
Nang humupa na ang tawanan namin ay biglang nag seryoso tong kasama ko. Is she for real? Tsk. Bipolar yata tong babaeng to. Hahahaha.
"Pero Andrei parang nakita ko na sya eh." Sabi nya sakin na tila may inaalala.
Yup. Andrei ang tawag nya sakin. Ayaw ko kasi na tinatawag akong Witty masyadong gurly. But don't you! I'm not a Lesbo! I just can't stand called by that freaking name.
"Ay oo! Tama nakita ko na sya! Sa cellphone mo! Sya yung-" Pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Siya yung kumuha ng virginity ko"
BINABASA MO ANG
It's All About You Baby
Teen FictionWritten by an unprofessional impulsive lady for her grade 8 sweetheart.