Tula ng Pagluha

60 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas,

Mula nang iwan mo ako sa taas.

Ang sakit ng aking pagbagsak,

Daig ko pa ang tinadtad ng saksak.

Meron pa bang pag mamahal na natitira?

Sapagkat hanggang ngayon ako'y umaasa pa.

Ilang beses na akong sumilip sa telepono ko,

Umaasang makakatanggap pa ako ng mensahe mo.

Tuwing mag isa'y laging lumuluha,

Sapagkat ang sakit sa puso'y lalong lumalala.

Pilit kasing nagsusumiksik ang mga ala alang nagdaan,

Mga ala alang sobrang sakit kapag nababalikan.

Akala ko'y tayo hanggang dulo,

Subalit ako na ata'y kinalimutan mo.

Hindi ko na hihilingin pang magbalik ka,

Sapagkat mas pinipili ko nang kalimutan ka at ang mga naiwang ala ala.

It's All About You BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon